Tahimik na pinagmasdan ni Tristan si Yumi. It's a sight that could make his heart burst. Malayang tinatangay ng hangin ang buhok nito, revealing her beautiful face.
Mula sa kanyang kintatayuan ay kita niya ang side profile nito. He looked at her----gaze at her trying to memorize every nook and curve. Mula sa mata nitong nakapikit na tila ninanamnam ang simoy ng hangin. Those eyes that cried tears a while ago are the same eyes that caught his attention eight years ago. Nung una niya itong makilala, there was a spark in her eyes. They glitter in joy. Pero unti-unti nang nawawala ang ning-ning na iyon.
He traveled his gaze one by one through her features. Matangos na ilong. Full lips that had a faint pinkish color. Would they feel as soft as petals against his? He licked his lips at the thought.
This woman, he loved her so much. So much that it pained him seeing her in distraught. Kung sana ay malaya niyang maipapadama ang pagmamahal niya dito. He swore to God, if only she could look at his way the same way he looked at her, kahit saglit lang, sisiguraduhin niyang hindi niya na ito pakakawalan. Even if it means he would commit a crime.
Kapag ganitong kasama niya ang babae, tila bumabagal ang pag-ikot ng mundo. Everything cease to exist but her. His whole heart belongs to her, ang masakit lang ay hindi nito inaangkin iyon. And the thought would crush him to million pieces. Ngunit sapat na sa kanya ang mga mumunting pagkakataon na nasosolo niya ang babae. Kahit sa imahinasyon man lamang ay sa kanya ito.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kinatatayuan ni Yumi, staring at her lovingly. Hindi nito napansin ang paglapit niya kaya tila nabigla ito nang hawakan niya ang kamay nito. He led her to the beach and gently seated her on the sand. Tinabihan niya ito and rest her head on his shoulder. Nag-alangan ito nung una, ngunit sa huli ay humilig din naman ito.
Ilang sandali ang lumipas bago ito nagsalita.
"Nakita ko si Russel sa isang bahay sa Cavite na may kahalikan na ibang babae." Panimula nito.
Hindi siya nagkumento.
"Limang buwan na pala silang may relasyon."
He clenched his hand in anger but he tried to remain calm.
"Gusto mong hiwalayan?" Tanong niya.
"Hindi ko kaya. Masyado ko siyang mahal para isuko na lang basta-basta."
Para siyang tinamaan ng palaso sa narinig. Kahit mambabae si Russel, mukhang talo pa din siya.
"You don't deserve this, Yumi."
"I know. Pero ano bang magagawa ko? Mahal ko siya. Kasal kami at may anak. Gusto ko siyang ilaban. Hindi ko siya kayang isuko."
"Kahit isinuko ka na niya?"
Hindi ito naka-imik sa tanong niya. Ayaw niya naman magtunog negative, pero hindi niya gusto ang ideyang magpapaka-martyr ito para sa lalaking iyon. Besides, ito na ang pagkakataon niyang maangkin si Yumi. Sasayangin pa ba niya iyon?
"Kaibigan ba kita? Bakit ang sakit mo magsalita?" Tanong nito maya-maya.
"Real talk lang."
She chuckled. "Sa bagay. Atleast honest ka."
"Liars go to hell." Makahulugan niyang sabi.
"Para mo namang sinasabing dapat nang mamatay ang asawa ko. Bakit ikaw ba, hindi mo gagawin yun?"
He sighed. "If you were mine, Yumi. I wouldn't hurt you."
Silence.
Did she understood what he means? Did he give himself away? Sabagay, ano bang masama?
Masama yung timing mo, bro. Aniya sa kanyang sarili.
Pigil hiningang naghintay siya sa magiging reaksiyon nito. The tension is eating him up. Naramdaman niyang unti-unting bumibilis ang tibok ng kanyang puso.
What if she understood what he meant? Magiging magkaibigan pa rin ba sila? Paano kung iwasan na siya nito? Masyado siyang nainis kay Russel na di niya na nagawa pang isipin ang sasabihin niya kay Yumi. Ngayon, namimiligrong pati siya ay ma-bad shot.
Then finally, she spoke. "Sus! Nasasabi mo lang yan ngayon. Paano ka naman nakakasigurado na di ka mambababae pag nag-asawa ka na?"
Bigla siyang nakahinga ng maluwag. Hindi siya sigurado kung hindi nakuha ni Yumi yung ibig niyang sabihin kanina o sadyang binale-wala na lamang nito iyon.
"Kung totoong mahal ko ang isang tao, hindi ko siya magagawang lokohin."
"Sinasabi mo ba na hindi ako mahal ni Russel?"
Napakamot siya ng ulo. "Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Baka ano......ano......aaahh......ano..."
"Ano? Mas masarap yung babae niya ganun? Mas magaling sa kama, mas maganda, mas sexy, mas matalino!" Sabi nito na bawat salita ay padiin ng padiin ang pagkaka-bigkas nito. "Ano pa? Ah! Mas matangkad din siya, mas maputi," sa puntong iyon ay biglang nagbago ang tono nito. Kung kanina ay tila gigil, ngayon naman ay tila nanghihina. "Mas matagal ang pinagsamahan nilang dalawa........... Eh ako..... Sino ba naman ako kumpara sa Ellaine na yun?" And she cried again.
He wrapped his arms around her and hugged her tightly. At buong pusong sinambit ang mga katagang, "Ikaw si Yumi. Maganda ka, matalino, matapang, mapagmahal sa lahat ng tao kahit pa nga niloloko ka lang nito." sinamaan siya nito ng tingin. He gave her a half smile as if saying 'sorry, not sorry' bago nagpatuloy. "Hindi ka agad sumusuko, hinahangaan ng marami, at higit sa lahat..." At higit sa lahat, ikaw ang babaeng minamahal ko..
"Higit sa lahat?" Tanong nito nang hindi niya maituloy ang sinasabi.
"Higit sa lahat, maraming nagmamahal sa'yo. Gaya ko....." She frowned. "....na nagmamahal sa'yo bilang kaibigan." Alanganin siyang ngumiti dito.
Balang araw ay sasabihin niya din dito ang tunay niyang nararamdaman. Ngunit sa ngayon, magiging isa muna siyang mabuting kaibigan na handang dumamay dito.
She stared at him for a while before smiling and hugged him back. "Thank you. Kahit alam kong nambobola ka lang, marami pa ding salamat. This means a lot to me."
Kumalas siya sa pagakakayakap dito at tumingin sa mga mata nito at masuyong ngumiti. "Basta ikaw."
Ilang sandali pa silang nanatili sa lugar na iyon bago sila nagdesisyong bumalik na sa kamaynilaan. Inuna niya munang ihatid si Yumi bago tumuloy sa kanyang condominium unit.
Nang makarating sa kanyang tinitirahan ay agad niyang tinawagan ang isa sa kanyang matalik na kaibigan, si Julio, isang private investigator. Anak ito ng isa sa mga hepe ng kapulisan ng bansa na siya namang kaibigan ng kanyang ama.
"Jules." Bati niya sa kabilang linya.
"Oh! Nabuhay ka. Himala. Anong atin?"
"May hihingin sana akong pabor sa'yo eh."
"Yan tayo eh. Saka mo lang ako naaalala pag may kailangan ka." Tila nangongonsenya nitong sabi. Bahagya naman siyang napangiti.
"Di bale, babawi ako sa'yo."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan sa kabilang linya bago ito nagsalita. "Ano pa nga bang magagawa ko. Ano ba yun?"
"Can you do a background check to this particular guy named Russel Kho."
"And who is this person, if I may?"
"My friend's husband. Anyway, saka ko na lang ipapaliwanag ang lahat pag nagkita tayo."
Hindi agad sumagot ang lalaki sa kabilang linya ngunit hindi naman siya nainip.
"Siguraduhin mong hindi ako mapapahamak sa pinagagawa mo sakin ah. Mahal ko trabaho ko Tristan. Sinasabi ko talaga sa'yo----"
"Baliw! Hindi yan sindikato." Natatawang putol niya sa kaibigan. "So ano, tutulungan mo ba ko o hindi?"
"Shoot!"
BINABASA MO ANG
My Love
RomanceMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...