"Love, malelate nga pala ako ng uwi mamaya." Aniya kay Russel.
She was already in her office attire pero balot pa rin ng tuwalya ang kanyang buhok. Nakaupo sa harap ng dresser at maingat na naglalagay ng kolorete sa mukha.
"Again?" Dinig agad sa boses ni Russel ang pagkadisgusto.
Kakalalabas lang nito ng banyo at may tapis na tuwalya sa bewang.
She turned around to face him. "Sorry, love. May emergency board meeting kasi mamaya. And because I am sir. Tristan's secretary, I needed to be there. Babawi ako sa'yo next time, promise."
"Yan din ang sinabi mo last time." Nanunumbat nitong sabi.
She pouted. "Love..."
"Look, Yumi. Isang buwan palang tayong kasal, but we never had a decent quality time together. You didn't even get the chance to do your wifely duties. Sobrang abala ka sa trabaho. Sana naman maisip mo na may asawa ka na at may responsibilidad ka sa pamilya mo. Sa akin."
She sighed. May punto ang kanyang asawa. Sa loob ng isang buwan ay isang beses palang siyang nakapaghanda ng hapunan. Maging ang paghuhugas ng kanilang pinagkainan ay si Russel na rin ang gumagawa. Malalim na kasi ang gabi sa tuwing nakakauwi siya. May mga panahon pa nga na hindi niya na nagagawa pang kumain ng hapunan sa sobrang pagod.
Tuwing day off naman nila ay di nila makuhang lumabas. Dahil kasi sa pagiging abala nila pareho sa trabaho ay tuwing day off na lang niya nagagawang harapin ang kanilang mga labahin at ang paglilinis ng bahay.
She perfectly understood where he is coming from. Pero mas mabilis ang relflexes ng dila niya kaysa utak, kaya may nasabi siyang sa tingin niya ay hindi dapat. When she realized what she said, it was too late to take it back.
"What do you want me to do? Pabayaan ang trabaho ko para lang sa wifely duties ko?"
"Lang? Nila-lang mo lang ako?" Bigla ang pagtaas ng boses ni Russel na labis niyang ikinabigla.
"That's not what I mean. Don't put words into my mouth." Sabi niya na pinapanatiling kalmado ang sarili. Alam niyang hindi makakatulong kung sasabayan niya ang init ng ulo ng kanyang asawa.
"Basically, that's what you are trying to say. Mas importante ang trabaho mo, kesa sakin. Sa atin."
"Ofcourse not!" She exclaimed. How could he think of that way? Abala siya sa trabaho pero mas mahalaga ang asawa niya kaysa dito.
"Obviously, Yumi. Hindi yun ang nakikita ko." He said. Coldness is evident in his voice.
Napabuntong hininga siya. Hindi matatapos ang usapan nila kung patuloy siyang mangangatwiran. "What do you want me to do then?"
"Time. That is all I am asking, Yumi. Abala din ako sa trabaho pero gumagawa ako ng paraan para makauwi ng maaga. And 10:30 isn't early at all. But even at that time, hindi ka pa rin nakakauwi."
"It's not that easy for me to leave just because I want to---"
"Oo. Dahil hawak ng Tristan na yun ang oras mo. Sadya bang hindi pwede o ayaw mo lang talaga?" Sabi nito na tila nang-aakusa.
She was mortified at what he was trying to imply.
"Russel! Ano ba yang iniisip mo. I'm just doing my job."
"Just as I am." Buong diin nitong sabi. "Hindi kita binibilangan, Yumi. But we are supposed to be in our honeymoon period. I'm not asking you to quit your job. I just want you to know what your priorities should be. Because it seems to me that it's not our marriage."
Matapos yun sabihin ay tumungo ito sa cabinet at kinuha ang nakasampay na office suit na naka-hang. Naplantsa niya na iyon nang nagdaang gabi. Agad itong lumabas ng kwarto pagkatapos.
BINABASA MO ANG
My Love
RomanceMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...