Author's Note:
Dearest readers! Thank you for supporting "My Love". Sobrang na-a-appreciate ko po na nag-eenjoy kayong basahin 'tong kwento na 'to. Gusto ko lang pong ipaabot sa inyo na ito po MUNA ang huling chapter na maipo-post ko SA NGAYON. Bukod po sa writer's block, I was asked to report to work, kaya medyo magiging busy po ako for a while. But rest assured that I will continue this story whenever I find time to write........at maisip ko din kung ano na mangyayari next haha :-P.... I'll be back soon, I won't be gine for too long so keep an eye for updates!
Love lots,
Orange Marmalade
#############
Lumipas ang mga araw at mga buwan. Nagpatuloy si Yumi na tila walang anumang problema relasyon nila ni Russel. She acted as if she knew nothing. And Russel acted as if he wasn't doing anything.
Sa tuwing magpapa-alam si Russel na ito ay aalis para sa business trip, tila bale wala na pinapayagan niya ito. Kung minsan, siya pa nga ang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ni Russel. Ngunit ang totoo, sa tuwing magsasabi sa kanya ang asawa ay tila sinasaksak siya ng paulit-ulit sa dibdib. Ganun kasakit ang kanyang nararamdaman. Kung malalaman ng kanyang pamilya at mga kaibigan ang kanyang kalagayan, tiyak niyang sasabihin nilang isa siyang malaking tanga. Ngunit kung iyon lamang ang paraan upang mapanatili niya ang asawa sa kanyang piling, handa siyang magpakatanga para dito. Tanga na lang kung tanga. Ang pakunswelo na lamang niya sa sarili ay inuuwian pa rin naman siya ni Russel.
Yumi literally swallowed her pride to keep her marriage, and it wasn't easy. She knew she was torturing herself. Mabuti na lamang, sa gitna ng lahat ng nangyayari sa kanya ay mayroon siyang nagiging sandigan. Her friend and boss, Tristan.
Matuling lumipas ang mga araw. Nakasanayan na ni Yumi ang pag-alis ni Russel tuwing Sabado. Tila routine na nila iyong mag-asawa. Surprisingly, even with Ellaine on the side, nanatiling active ang sex life nila ni Russel. Isa rin iyon sa mga bagay na kahit paano ay nagpapagaan ng kanyang loob. She would really start to panic if Russel starts to become cold towards her. But unfortunately, even with all the late night activities that they were doing, they wasn't blessed with another child.
Yumi felt that everything was under control. She could deal with Russel having an affair with Ellaine. She can be cool with it. Or so she thought.
Umaga ng ika-apat na anibersaryo ng kasal nila ni Russel ay di maampat ang sayang nararamdaman ni Yumi. She prepared for this day very well. Gusto niya kasi siguruhin na magkakaroon sila ng quality time ni Russel.
Simula nang ikasal sila ni Russel, bukod sa kanilang honeymoon, ay hindi na sila nagkaroon pa ng pagkakataon na magbakasyon nang sila lamang dalawa, o kahit pa nga kasama ang anak nilang si Rio ay hindi rin nila nagagawa. Masyado silang naging abala sa pagtatrabaho na lahat ng extra time nilang mag-asawa ay napunta sa gawaing bahay at sa pag-aalaga sa kanilang unico hijo.
Minsan naisip niya, iyon kaya ang dahilan kung bakit naghanap ng iba si Russel? And immidiately she would shake off the thought.
Kaya naman, para sa kanilang anibersaryo, nagdesisyon si Yumi na surpresahin si Russel sa isang out of town vacation. Pinaki-usapan niya din ang kapatid niyang si Makisig na samahan si Carissa at Rio sa bahay nila upang tiyak na makakapag solo sila ni Russel. At dahil hindi naman nagpa-alam sa kanya si Russel nang nagdaang gabi, inakala niya na walang magiging problema kahit natapat ng Sabado ang anniversary nila. Naisip niya din na hindi naman siguro uunahin ni Russel si Ellaine sa espesyal na araw na iyon.
Tulog pa si Russel nang gumising si Yumi. Sinadya niya talaga iyon upang mapaghandaan ng almusal si Russel. Nagsangag siya ng kanin at nagprito ng paborito nitong tinapa. Naghiwa din siya ng kamatis na ipapares doon. Nagtimpla din siya ng kape na siyang hilig inumin ni Russel tuwing umaga.
BINABASA MO ANG
My Love
RomanceMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...
