Chapter 14.1

347 8 4
                                    

Hanggang matapos ang kaarawan ni Rio ay hindi na napalagay pa si Russel.
Una dahil sa biglang pagsulpot ni Ellaine at ang ikalawa ay dahil sa mga katagang binitawan ni Tristan. Mas hindi siya mapalagay dahil sa huli.

Ayaw mong mawala ang asawa mo pero ayaw mo din namang bitiwan si Ellaine, ipokrito!

Sigaw ng kanyang utak.

Alam niyang mali siya sa kahit na anong aspeto pagdating sa relasyon niya kay Ellaine, at walang kahit na anong lohikal na paliwanag ang kanilang ginagawa, pero mali din namang hayaan niya ang ibang lalaki na agawin ang asawa niya. Masama ba siyang tao kung ganun siya mag-isip? Hindi lang basta bastang babae si Yumi. She is his wife for pete's sake.

Base sa mga katagang binitawan ng Tristan na iyon, it looks like he is no longer holding back. He made himself loud and clear. Hindi na lang basta male intuision ang basehan niya kundi ngayon ay tila nagdeklara ito ng gera sa kanya. Kung ano ang naging dahilan kung bakit ito naging agresibo, yun ang hindi niya alam.

Nang makaalis na ang lahat ng mga bisita at mapakapag solo na silang mag-asawa sa kanilang silid habang mahimbing na natutulog sa gitna ng kama si Rio, agad niyang kinompronta si Yumi.

"Bakit mo inimbita yung boss mo? Alam na alam mo naman na ayokong umaalagid yun sayo." May halong iritasyon niya sabi.

Mataman siyang tinignan ni Yumi at kalmadong sinabi, "Ninong siya ni Rio. He has all the right to be invited, unlike your visitor."

Binundol siya ng kaba.

"Tell me, bakit siya nandito samantalang ang sabi mo hindi mo siya inimbita?"

"H-hindi ko din alam."

"May komunikasyon pa ba kayo?"

Sa tono ng pananalita ni Yumi ay hindi naman siya nito inaakusahan, ngunit may kakaibang panlalamig sa mga tanong nito.

"Alam mong matagal ng tapos ang proyekto namin sa kanya." Bahagyang tumaas ang boses niya.

"Nagtatanong lang ako, hindi mo kailangang magalit. Nagtataka lang ako kung bakit nandito siya. Ikaw lang naman ang kaibigan niya sa ating dalawa." Anito na binigyang diin ang salitang kaibigan.

"Ano naman yang tono mo?" Medyo inis niyang tanong. Hindi nga din niya alam bakit siya naiinis. Dahil ba sa gulity siya?

"At anong problema sa tono ko?"

"Kung sabihin mo yung salitang kaibigan parang may iba ka pang ibig sabihin eh."

"What? Masisisi mo ba ko. Ang sabi mo tapos na yung project at wala na kayong komunikasyon. So how come she's here? Ano gatecrasher lang?" She paused, heaved a sigh and continued. "You know what, it doesn't matter. Wala din naman ako sa mood makipagtalo, pagod na ko. I just want to rest." Anito at tinalikuran na siya at tumungo sa kama. She laid on her side facing away from his side of the bed.

Ilang sandali siyang naiwang nakatayo habang nakatingin sa nakahiga niyang asawa. He was feeling frustrated. Kahit subukan niyang magsalita at magpaliwanag, paano niya naman gagawin iyon.

Unti-unti, nagsimulang makaramdam si Russel ng takot at pag-aalinlangan. Takot na malaman ni Yumi ang relasyon nila Ellaine. Pag-aalinlangan kung mananatili ba si Yumi sa kanyang tabi sakaling malaman niya ang lahat.

#############

Matamang nakatingin si Tristan sa kalsada habang nagmamaneho pauwi galing sa pagdalo sa kaarawan ng inaanak niyang si Rio.

He felt rage! That bastard! Ang kapal ng mukha nitong imbitahin ang babae nito sa mismong kaarawan ng kanilang anak. It's as if he wasn't even trying to hide his forbidden relationship from his wife. Kaya nga hindi niya na nagawa pang pigilan ang sarili na pagbantaan ito. Para saan pa ang pagtatago niya ng kanyang damdamin para kay Yumi kung harap-harapan itong winawalang hiya ng asawa nito.

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon