"Ang lalim ah." Narinig niyang sabi ni Coby matapos niyang magpakawala ng isang buntong hininga.
Kasalukuyang nasa opisina si Russel. Nasa kalagitnaan siya ng pagde-debug ng isang program nang bigla siyang mapabuntong hininga. Magkatabi ang station nila ni Coby kaya naman narinig siya nito.
"Problema?" Tanong pa nito.
Binalingan niya si Coby at umiling. "Wala naman, brad. May iniisip lang ako."
"Trabaho o asawa?" Patuloy na pang-uusisa nito.
Saglit siyang nag-isip kung sasabihin ba dito ang gumugulo sa isip niya. Sa bandang huli ay sinabi niya din iyon dito.
"Asawa."
"Oh! Akala ko ba, ok na kayo ng Misis mo?" Tanong nito.
Simula nang maabutan niya si Yumi sa bahay nila, with the candlelight dinner and all, lagi na itong umuuwi ng maaga. Madalang na lang ito mag-over time at madalas ay sabay sila ng oras ng paglabas sa opisina, kaya dinadaanan niya na rin ito at sabay silang umuuwi.
Wala naman na siyang mairereklamo patungkol sa wifely duties nito, pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay nag-aalala pa rin siya. Iyon ang sinabi niya kay Coby.
"Baka naman kasi nag-alala ka dun sa boss niya." Tudyo nito.
Napaawang ang kanyang mga labi. Nais niya sanang kontrahin ang sinabi nito. Pero sa huli ay tumango siya. Hindi niya maikakaila na isa iyon sa mga bumabagabag sa kanya.
"Masisisi mo ba 'ko?" Sagot niya.
Napapalatak ang kanyang kaibigan. "I can't believe you. You were pretty confident kaya nakakapanibagong makitang insecure ka sa boss ng asawa mo."
"Hindi ako insecure, noh." Agad niyang tanggi. "Jealous, maybe."
"Ganun na rin yun." Sabi nito na binuntutan pa ng tawa.
"Anyway, naiintindihan kita. Ganyan din ako kay misis noon eh. Until she had our first child. Natigil siya sa bahay for a few months. After nun, nakampante na ko." Dugtong nito kapagdaka.
Makahulugan siyang tinignan ng kanyang kaibigan bago nito muling harapin ang computer. He shrugged. But he silently took a mental note.
Oo, hindi pa sila ganun katagal na nagsasama, but having their first child at this time isn't bad at all.
#####
For the third time that night ay muling kinalabit ni Russel si Yumi.
"Third round?" Maingat niyang tanong sa asawa.
Yumi groaned. "Again? Hindi ka pa ba napapagod?"
Halata sa boses at itsura nito ang pagod at antok. He felt sorry for her, pero desido kasi siyang gawin ang lahat para makabuo agad silang dalawa, though, he didn't tell her that that was his goal.
Sa huli, napagdesisyunan niyang hayaan na lang na makapagpahinga si Yumi. They have all the day tomorrow dahil day off nila pareho. Dun na lang siya babawi.
"Ok, matulog ka na. Pero bukas, kailangan mong bumawi."
She chuckled. "Fine." Sabi nito habang inisiksik ang sarili sa kanya.
He willingly wrapped his arms around her and closed his eyes to sleep.
Kinabukasan ay tinulungan niyang matapos agad ni Yumi ang mga gawaing bahay. Gusto niyang masigurado na hindi ito mapapagod ng sobra para may lakas pa din ito sa kanilang "late night activities". He chuckled at the thought.
BINABASA MO ANG
My Love
RomanceMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...