Chapter 8

333 2 4
                                    

Napabuntong-hininga si Yumi. Nakatanggap siya ng mensahe mula kay Russel. May dinner meeting nanaman ito kasama si Ellaine. It has been a month already simula nang magkasama muli ang dalawa dahil sa isang proyektong ginagawa ni Russel para sa huli.

May panghihinayang niyang tinignan ang mga pagkain sa lamesa. Mas maaga siyang umuwi ngayon kaysa dati dahil nais niyang paghandaan ang asawa ng paborito nitong pagkain. Wala namang okasyon, sadya lang na na-mi-miss niya na ang kanyang asawa. Paano naman kasi, mas madalas na itong kumain sa labas. Bihira na sila magkasalo sa hapag. At kapag umuuwi ito minsan ay hindi na nila nagagawang magkwentuhan tungkol sa nangyari sa kanila sa isang buong araw bago sila matulog.

She really missed her husband. She missed how he always checks on her before she leaves the office. She missed how he asks her about her day.  She missed how they cuddle each other as they fall asleep. She missed his presence.

Sa totoo lang ay nagsisimula na siyang mag-alala. Ayaw niyang matawag na praning pero tila iyon ang nangyayari sa kanya ngayon. She was so worried everytime na may dinner meeting ito kasama si Ellaine. She was so worried dahil pakiramdam niya ay unti-unting nanlalamig ang pakikitungo ng kanyang asawa.

Para na siyang baliw na konting pagbabago sa kilos nito ay binibigyan niya ng kahulugan. At hindi niya nagugustuhan na unti-unti siyang nawawalan ng tiwala sa kanyang asawa. Sabi nga nila, what is love without trust?

She wants to curse herself for being so paranoid. Kung malalaman lang ni Russel ang iniisip niya, malamang ay magagalit ito sa kanya. Bakit hindi, samantalang pinangungunahan siya ng wala sa lugar na insecurities niya.

Pumikit si Yumi at ilang beses nagpakawala ng hangin. Ano mang negatibong pag-iisip ay pilit niyang itinutulak sa likod ng kanyang isipan. Mahal siya ni Russel at hindi nito magagawang saktan siya. Kailangan niyang pagkatiwalaan ang kanyang asawa.

Nang mapakalma niya ang kanyang sarili ay nag-umpisa siyang kumain, pero nakaka-ilang subo pa lang siya ay tumigil na siya. Wala siyang gana. Hindi nakakaenganyong kumain ng walang kasabay.

Tumungo siya sa kanilang silid. Naabutan niya doon si Carissa na abala sa pagpapatulog kay Rio.

"Akin na si Rio, Rissa." Aniya na kinuha si Rio mula sa bisig nito. "Samahan mo muna akong kumain, nakakawalang gana kasi kumain mag-isa."

Nagtataka man ay sumunod pa rin si Carissa sa kanya. Nakita niya sa mukha nito ang pagtatanong pero nanatili itong tahimik hanggang makarating sila sa kumedor at maka-upo ito sa tapat ng mesa.

"Hindi niyo po ba hihintayin si sir?" Sa bandang huli ay tanong nito nang marahil ay di na makatiis.

Mapait siyang ngumiti dito at umiling. "May meeting daw siya ngayon." Sagot niya.

Bumukas ang bibig ni Carissa upang muling magtanong. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay itinikom din nito iyon at nagpatuloy na sa pagkain. Siya naman ay nagpatuloy din sa pagkain habang karga si Rio sa kabilang kamay.

Nang matapos silang maghapunan ay nagprisinta si Carissa na magligpit ng pinagkainan. Hindi na siya kumontra pa dahil sa totoo lang ay nais niya nang makapag-solo sa kwarto kasama ang kanyang anak. Kailangan niyang mailabas anumang negatibong emosyon na meron siya.

Tangan si Rio ay nagtungo siya sa kwarto nilang mag-asawa. Pinalaya niya ang lahat ng takot at agam-agam sa kanyang puso't-isipan. Alam niyang bilang asawa ni Russel, dapat lamang na magtiwala siya dito. Pero bakit kahit anong kumbinsi niya sa kanyang sarili ay hindi magawang pumanatag ng kanyang puso?

Buong pagmamahal niyang tinignan si Rio. Hinaplos ang mukha nito at ginawaran ng masuyong halik sa noo. "Anak, ano ba nangyayari kay Mama?" Aniya at pagkatapos ay niyakap ito ng mahigpit.

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon