"Lintik ka, pare! Ano bang pumasok sa kukute mo at ginawa mo yun?" Sermon ni Coby kay Russel.
Nang pumasok siya sa opisina kinabukasan ay binungaran siya ng sermon ng kaibigan. Hindi niya ito masisisi dahil ilang beses din itong tinawagan ni Yumi nang nagdaang gabi.
"Bakit kailangan mo pa 'kong idamay sa kalokohan mo? In the first place, bakit kailangan mo pa 'tong gawin? Malilintikan din ako nito kay Marcy pag nalaman niya 'to." Anito na ang tinutukoy ay ang asawa nito.
Wala sa sariling naisuklay niya ang kamay sa kanyang buhok. Kanina pa dapat siya nagsisimula sa pagtipa sa keyboard pero sa halip ay nag-uusap sila ni Coby na magkatapat na naka-upo sa kanya-kanyang swivel chair.
Alam niyang mali ang ginawa niya at nahihiya sa kaibigan. Dahil sa mali niyang desisyon ay naiipit ito sa sitwasyon niya. At dahil din sa hiyang nararamdaman ay di niya magawang tignan ito ng diretso, kaya naman itinuon niya na lang ang paningin sa sahig habang nakikinig dito.
Mataman naman siyang tinitignan ni Coby. Alam nitong kinakain din siya ng konsensya, pero hindi ibig sabihin niyon ay kokondenahin nito ang ginawa ni Russel. May asawa din ito, at ni minsan ay di sumagi sa isip nito na pagtaksilan ang asawa. At bilang isang mabuting kaibigan, kung kinakailangan nitong pukpukin ng martilyo ang ulo ni Russel ay gagawin nito para lang matauhan ito sa maling ginawa.
"Alam mong hindi kita pwedeng konsinthin. Pero hindi rin kita pwedeng pangunahan." Ipinatong nito ang isa nitong kamay sa isa niyang balikat bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Payong kaibigan lang, bitiwan mo na ang proyekto mo kay Ellaine kung ayaw mong lumala ang sitwasyon. Dahil kung anuman ang mangyari, hindi kita kakampihan."
Pinag-isipang maigi ni Russel ang sinabi sa kanya ni Coby. Tama ito. Kailangan niyang gumawa ng isang konkretong paraan para matigil ang ugnayan nila ni Ellaine.
Sa totoo lang, magpasahanggang-ngayon ay hindi siya pinatatahimik ng kanyang konsensya. Hindi niya matanggap na nagawa niyang sumiping sa ibang babae liban sa kanyang asawa. Pilitin man niyang umakto na normal, alam niyang may mga pagbabago sa pakikitungo niya kay Yumi. Hindi dahil nag-iba ang pagtingin niya para dito kundi dahil sa guilt na nararamdaman niya.
Nagpakawala siya ng isang buntong hininga bago marahang kumatok sa puntuan ng opisina ng kanya supervisor.
"Pasok." Narinig niyang sabi ng tinig mula sa kabilang panig ng pinto.
Maingat niyang pinihit ang seradura at pumasok ng silid. Mula sa mga papeles na nakasalansan sa mesa ay nag-angat ng tingin ang isang lalaking naka-business suit na malamang ay malapit nang mag-kwarenta ang edad.
"Ikaw pala, Russel. May kailangan ka ba?"
Saglit siyang nag-alangan kung sasabihin ba dito ang pakay. Pero sa huli ay sinabi niya pa din habang napapakamot ng ulo.
"Aaahh sir. Magre-request po sana ako. Kung pwede, ipa-handle niyo po sa iba ang project ko kay Ms. Lustre."
Bahagyang nangunot ang noo nito sa narinig. "Bakit, may problema ba?"
He bit the insides of his cheeks. Paano niya sasabihin sa boss niya ang problema nang hindi sinasabi dito ang namagitan sa kanila ni Ellaine nang huli silang magkita ng babae. Kung sasabihin niya namang dati niya itong kasinthan, alam niyang sasabihin nitong mababaw lamag iyon na dahilan.
"Ah ano po kasi, pinagseselosan po siya ng asawa ko." Sa huli ay yun ang naisipan niyang sabihin.
Hindi ito umimik at tila nag-iisip na nakatingin lamang sa kanya. Hindi niya magawang tagalan ang tingin nito kaya yumuko na lamang siya.
"Ayoko namang maging tsismoso, pero may dahilan ba para magselos ang asawa mo?"
Hindi siya makasagot. Instead, he gulped hard. Kilala sa buong opisina ang pagiging loyal ng kanyang supervisor sa asawa nito. Pero kahit wala naman silang narinig na naging malupit ito sa mga tauhan nitong nangaliwa, nakakaramdam pa rin siya ng takot at pagkapahiya.
BINABASA MO ANG
My Love
RomanceMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...