Chapter 7

282 3 0
                                    

"Pauwi ka na ba?"

Nag-angat ng tingin si Yumi sa pinanggalingan ng boses. It was Tristan.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-aayos ng gamit niya nang magsalita ito. It was already seven in the evening, pero paalis pa lang siya ng opisina. Sinasadya niyang magpagabi ng ganun para sabay silang nakakauwi ni  Russel.

"Yes sir." Matipid niyang sagot dito.

"Susunduin ka ba ulit ni Russel ngayon?"

"Oo, sir. Inaantay ko na lang yung text niya sakin, then bababa na ko sa lobby."

Tumango-tango naman ito.

"Anyway, gusto ko lang namang iabot to sa'yo." Anito habang idinudulot sa kanya ang isang regalo. "Hindi ako nakapunta nung Sabado sa birthday ng inaanak ko. Pasensya na."

Ang tinutukoy nito ay si Rio. Kinuha niya itong ninong sa binyag ng kanyang anak. Russel was not fond of it, but she insisted. Iba na rin pag may ninong na future CEO ang anak niya. Nagiging praktikal lang siya. Isa pa ay kaibigan niya na rin naman si Tristan, at nasisigurado niyang magtatampo ito sa kanya kung hindi niya ginawa iyon. He was already upset nang hindi niya ito kinumbida sa kanyang kasal. Kaya ang pagkuha niya ditong ninong ay bilang pampalubag loob na rin dito.

Agad niyang tinanggap ang regalo nang may ngiti. "Salamat. Nag-abala ka pa."

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong kinuha sa kanyang shoulder bag. It was Russel, calling. Agad niya iyong sinagot.

"Andiyan ka na ba sa lobby? Bababa na ko." Sabi niya nang masagot niya ang tawag.

"Ah love, sorry, di kita masusundo ngayon." Anito.

Bahagya siyang nanghinayang pero hindi niya iyon ipinahalata. "W-why? May problema ba?"

Hindi ito agad sumagot, wari'y nag-aalangan. "Umm may dinner meeting kasi kami......ni Ellaine..."

Nang marinig niya ang pangalang iyon ay bigla nanaman ang pagbulusok ng panibugho sa kanyang puso. Sa totoo lang ay hindi siya masayang malaman na magkakatrabaho ang dalawa. May tiwala siya sa kanyang asawa, pero sa Ellaine na iyon ay wala.

Noong kaarawan ni Rio ay sunod ng sunod si Ellaine kay Russel. Natural lamang iyon dahil wala namang ibang kakilala si Ellaine doon. But the way she looks at her husband tells her a different story. There was longingness with the way she looks at him. Marahil ay nanghihinayang ito na pinakawalan pa nito si Russel noon. But despite that, she didn't say anything to her husband. Ayaw niyang mag-away sila ng dahil lamang sa tamang hinala at pagseselos.

"...ok lang naman sa'yo diba?" Dugtong pa nito.

"Kayong dalawa lang?" Tanong niya.

"No. Kasama namin si Coby." Agad naman nitong sagot sa kanya.

She sighed. Kahit naman hindi siya kumportable na magkasama ang asawa niya at si Ellaine, wala naman siyang magagawa. Kailangang gawin ni Russel ang trabaho nito and she doesn't want to look like an unreasonable jealous wife. "Fine. Magkita na lang tayo sa bahay. Mag-ingat ka sa pag-uwi. I love you."

"Ikaw din. Ingat ka sa pag-uwi. I love you too."

And their call ended.

Agad niyang binalingan si Tristan nang maibalik niya ang kanyang cellphone sa loob ng bag.

"Hindi ka niya masusundo?" Tanong nito.

Alanganin siyang ngumiti dito. Hindi niya gustong ipakita dito ang kanyang pagkadismaya, subalit hindi iyon kayang maitago ng tono ng kanyang pananalita.

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon