"How's work?" Bungad ni Yumi kay Russel nang maka-uwi ito galing sa trabaho?
"O-ok naman. Medyo marami lang workload." Sagot nito sa kanya habang inaalis ang kurbata sa leeg.
Agad niyang inaya si Russel sa komedor at pinaghainan ng hapunan. Nang matapos niyang ihanda ang hapag ay agad siyang umupo sa katabing upuan. Mataman niyang tinignan ang asawa. Ano kaya ang tumatakbo sa isip nito ngayon? Kinakabahan ba ito o wala lang?
"H-hindi ka ba kakain?" Tanong nito sa kanya nang mapansing ito lang ang may pagkain sa harapan.
Ngumiti siya dito. "Pwede ba maglambing?"
Kumunot ang noo nito, tila naguluhan. Ngumanga siya at itinuro ang bibig. Ilang sandali itong nakatingin sa kanya na parang iniisip kung ano ang ibig niyang mangyari hanggang sa mailing ito at subuan siya.
"May nangyari ba?" Tanong nito sa kanya matapos siyang subuan.
Hinintay niya munang malunok niya ang pagkain sa kanyang bibig bago sumagot.
"Wala naman. Gusto ko lang maglambing." Sagot niya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa mukha nito. Sinusubukan niyang basahin ang expression nito, dahilan para mapatingin din ito sa kanya.
"May dumi ba sa mukha ko? Kanina ka pa kasi nakatitig." Sabi nito na may pagtataka sa tinig.
She chuckled while she shook her head no. "Wala. Iniisip ko lang, napakaswerto ko dahil naging asawa ko ang isang gaya mo." Hinaplos niya ang isang pisngi nito. "May nakapag sabi na ba sa'yo na ang gwapo-gwapo mo?"
Naka-awang ang bibig ni Russel na nakatingin sa kanya. Tila hindi ito makapaniwala sa ikinikilos niya. Ngunit saglit lang itong parang nabato-balani sa kinauupan, maya-maya ay natawa ito. Hinawakan nito ang kanyang kamay na humahaplos sa pisngi nito at dinala sa labi nito at kinintalan ng isang halik. Tumingin ito sa kanyang mga mata at sinabing, "mas maswerte ako sa'yo. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na ikaw ang asawa ko."
Nais niyang maiyak sa sinabi nito. Hindi dahil sa katuwaan kundi sa sakit. Paano nito nagagawang umakto na para bang wala itong ginagawa na anumang mali. Kung ganoon ito sa kanya ngayon, posible na matagal na siyang niloloko nito, hindi niya nga lamang nahahalata.
Pinilit niyang ngumiti dito nang maluwag. Pilit itinatago ang pait na kanyang nararamdaman. Binawi niya ang kanyang kamay mula dito. "I love you." Aniya.
"I l-love you...too."
Agad na siyang tumayo sa kinauupuan at tumalikod dito. Hindi na kasi niya mapigilan ang kanyang luha. Tiyak na magtataka ito kapag nakita siyang lumuluha. Tumungo siya sa cup board at kumuha ng baso, tumungo sa ref at nagsalin ng tubig at uminom. Kinalma niya ang sarili.
"Nga pala," umpisa niya, "nag-lunch ako kanina kasama si sir Tristan sa mall."
"At bakit kayo magkasama kumain?" Tanong nito na may bahid ng iritasyon sa tinig.
Naglakad siya pabalik sa komedor at muling umopo sa tabi nito. Nagkibit-balikat siya.
"Hinatak niya lang ako dun. Medyo wala kasi ako sa mood magtrabaho kanina. Napansin niya, kaya ayun nanlibre. Baka daw sakaling makatulong."
Magkasalubong ang mga kilay na napabuntong hininga ito. "Alam mong ayokong dikit ng dikit yun sa'yo."
"I know. Wag ka mag-alala, tapat ako sa'yo." Makahulugan niyang turan.
Saglit itong natigilan dahilan upang maningkit ang kanyang mga mata. Muli ay tila kinurot ang kanyang puso.
"Ikaw, san ka nag-lunch kanina?" Tanong niya. Nais niyang subukan kung magsasabi ito ng totoo o hindi.
BINABASA MO ANG
My Love
RomanceMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...