Hi Dearest readers!
Thank you for patiently waiting. Pagtyagaan niyo muna itong mabilisang update ko. Mabilisan pero pinag-isipan ko namang maigi. Pagpasensyahan niyo na rin ang mga typos. Raw po yan. As in walang proof read. Gusto ko lang talaga kayong pasayahin with this simple update. Sobrang na-overwhelm din ako dahil nag 1k na yung reads. Salamat po sa pagsubaybay sa kwentong ito. Stay safe po sa lahat.
Love lots,
Orange Marmalade###############
Umaalingawngaw ang malakas at masayang tugtugin sa bakuran ng pamilya Kho. Maririnig ang masyang kwentuhan at kamustahan ng mga tao. Gayundun ang pagtunog ng mga kubyertos at mabining halakhakan.
Sa panlabas na anyo ay kitang-kita ang kasiyahan sa pagdaos ng ikatlong kaarawan ni Rio. Ngunit sa loob ng puso ni Yumi ay may kirot na hindi matataboy ng selebrasyon na nagaganap.
Wala namang dahilan para hindi siya maging masaya, hindi naman umalis si Russel ng araw na iyon kahit pa nga Sabado. Ngunit hindi niya magawang lubusang magsaya dahil alam niyang, hindi man ngayon, ay magkikita pa rin ito at si Ellaine.
May magagawa kaya siya upang putulin ang ugnayan ng dalawa?
"Tawagin natin si Mommy at si Daddy," narinig niyang wika ng isa sa mga clown na hi-nire niya. "Ano po ba ang wish niyo para kay baby Rio?"
Wala sa sariling napakurap siya. Di siya agad nakatayo mula sa kinauupuan. Sumulyap siya sa gawi ni Russel na nakaupo sa gawing kanan niya.
Tila nag-aalangan din itong napatingin sa kanya.
Naramdaman niya ang marahang pagtulak sa kanya ni Marcy sa kanyang likuran. "Uy Mare, tawag kayo dun. Dali..."
"Kailangan pa ba yun?" Kunwa ay nahihiya niyang tugon.
"Arte naman nito. Papilit pa." Biro nito sa kanya.
Natatawa siyang tumayo at lumapit sa mga clown at inabot ang mikroponong iniuumang sa kanya.
Sinulyapan niya sa Rio na nakaupo sa kandungan ni Carissa na katabi naman ang ibang mga bata na nanood ng magic show kani-kanina lamang.
"Simple lang naman ang hiling ko sa anak ko. Gusto ko lang na laging maayos ang kalusugan niya, lumaki siyang mabait at mabuting tao, may takot sa Diyos, at palaging maging honest." Aniya na tumingin kay Russel nang banggatin niya ang huling salita.
Ibinalik niya ang mikropono sa clown at nagpalakpakan ang mga tao.
"Oh Daddy, ikaw naman."
Tawag ng clown kay Russel.
Tila nahihiya din itong tumayo.
Napapakamot sa ulo nitong inabot ang mikropono.
"Ano pa bang sasabihin ko, eh nasabi na lahat ni misis. Ang mahihiling ko na lang siguro ay maging masunurin siya at laging mahalin kami ng mommy niya."
Muling nagpalakpakan ang mga tao nang ibalik ni Russel ang mikropono sa clown.
"Salamat, Mommy at Daddy. Pwede na kayong umupo." Agad naman silang bumalik sa kanilang mga upuan habang nagpatuloy naman sa pagsasalita ang clown. "Ngayon naman, tawagin natin ang mga ninong at ninang ni Baby Rio para sa kanilang mga birthday gifts! Sino po ang gustong mauna?"
At isa-isa ngang nagpuntahan ang mga tito, tita, ninong, at ninang ni Rio sa harapan at isa-isang inilapag ang mga regalo sa lamesang ipinuwesto ng mga clown sa harapan. Ipinaliwanag din ng mga ito kung bakit iyon ang kanilang regalo. Ang iba namang hindi nagawang makabili ng regalo ay nag-abot na lamang ng pera sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Love
RomanceMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...