"I'm so sorry. Sabi ko hindi na ako iiyak, pero heto nanaman ako." Hinging paumanhin ni Yumi kay Tristan.
As soon as makapasok siya sa kanyang opisina ay agad na sumunod sa kanya ang babae at walang babalang nagkwento tungkol sa kung paanong iniuwi ng asawa nito si Ellaine sa kanilang bahay.
Sa simula ay gigil itong magkwento na para bang nasa harapan pa rin nito ang asawa niya at ang kalaguyo nito. Ngunit habang nagpapatuloy ito sa pagkwento ay isa-isa nang naghabulan ang mga luha sa mga mata nito.
Hindi niya na nagawa pang maka-upo sa kanyang upuan. Nang makita niya na itong umiyak ay agad niya na itong dinaluhan at inakay paupo sa couch.
He was so gentle in handling her as if she was an egg that would break at any wrong movement.
At ngayon ngang bahagyang nahihimasmasan na ito ay tila nahihiya itong humingi ng paumanhin sa kanya.
Minsan na kasi nitong nasabi sa kanya na hindi na nito muling iiyakan ang asawa, at hindi niya na ito maririnig na nagrereklamo na parang batang naagawan ng candy.
"Hindi ka naman dapat mag-sorry. You have all the right to feel what you feel." Sagot niya dito.
Sa isang banda, he somehow felt guilty dahil alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit nasa bahay nila ang babae ni Russel.
Hindi siya nagsisisi na binili niya ang bahay na tinutuluyan ng babae na si Russel ang kumuha, nagsisisi siya dahil pakiramdam niya ay isa pa siya sa nagdala ng pasakit dito.
This is due to his recklessness. Kung sana'y pinagana niya ang pagiging business minded niya at hindi ang emosyon niya ang kanyang sinunod, di sana'y wala sa ganitong sitwasyon si Yumi.
Umiling ito sa kanyang sinabi bilang di pagsang-ayon.
"Kahit na," anito. "Hindi ka pa nga nakakapagsimula ng trabaho, hindi pa din kita na-a-update sa mga business engagements mo ngayon, heto na ko't parang batang nagsusumbong sayo. Napaka-unethical ng ginagawa ko."
"Para san pa't naging kaibigan mo ko kung ganito kaliit na bagay eh papansinin ko." Sagot niya.
She half smiled at him, showing that she appreciated what he did for her.
"Ganito na lang. Think about the things you wish to do with your husband. And later after work, let's go out and do those things." Suhestiyon niya.
Kumunot ang noo nito.
"I don't think that's a good idea." Sabi pa nito.
May pagtatakang tumingin siya dito.
"And why is that?"
She looked at him with 'as a matter of fact' face.
"Russel?" Anito.
"Wag mo sabihing iniisip mo pa rin hanggang ngayon ang sasabihin niya. Let me ask you this, when was the last time you fought because you went home late........with me." Sadya niyang ibinitin ang huling salita.
Dahil madalas late natatapos ang mga dinner engagements niya, hindi na lamang miminsan niyang hinatid si Yumi sa bahay nito, sa kabila ng kaalaman na ayaw sa kanya ni Russel.
But to his surprise, never did Yumi complained or even just told him that they fought about it.
Isang buntong-hininga lamang ang isinagot nito.
"See, it wouldn't even matter. Atsaka, ano ang gusto mo mangyari, maabutang naghaharutan yung dalawa dun sa bahay niyo. Would you rather see that?"
"Fine! Panalo ka na." Anito. May bahid ng inis ang boses nito. Clearly he won the argument and she can do nothing but accept defeat.
BINABASA MO ANG
My Love
RomanceMayumi's story with Russel was almost like a fairy tale. He was her first love. After so many years, they finally found their happy ending in each other's arms, or so she thought. Years later in their marriage, Mayumi found out that fairy tales does...