Chapter 2

298 3 0
                                    

Nagtatakang tinignan ni Yumi ang isang baso ng bagong brewed coffee sa ibabaw ng lamesa niya. Bigla na lamang iyon inilapag ng kanyang boss na si Tristan Avenilla.

"Para san po ito, sir?" Tanong niya dito. Trabaho niya ang gawan ito ng kape at hindi ang kabaliktaran.

Hindi naman nito personal na ginawa ang kape dahil kita sa cup ang logo ng isang sikat na coffee shop. Gayunpaman, hindi pa rin iyon normal na gawain ng isang boss.

Sanay naman na siyang itrato si Tristan na parang kaibigan. Hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa. Sa katunayan, sa iisang unibersidad sila nagtapos. Nauna nga lamang ito ng dalawang taon sa kanya.

Nagiging casual lang sila sa isa't-isa kapag nasa labas na sila ng opisina. Bukod sa iyon ang work ethics, iniiwasan din nilang magkaroon ng di magandang usapin patungkol sa kanilang dalawa.

"That's a welcome gift for you. Galing ka sa honeymoon di ba?" Ramdam niyang tinutudyo siya nito. "So, how was your wedding night?"

Kung wala lang sila sa opisina ay baka natampal niya na ang mga labi ng binata. Oo, binata pa si Tristan. Isa din iyon sa mga dahilan kung bakit iniiwasan nilang maging kaswal sa isa't-isa kapag nasa opisina.

"Di ako informed na tsismoso ka na pala ngayon, sir." Sabi niya na binigyang diin ang huling salita para ipaalala dito na nasa opisina sila. "And where all these formality went?"

He chuckled. "Minsan lang naman 'to. Besides, kasal ka na. Less danger kumbaga." He laughed. "So, shall I call you now as Mrs. Kho?"

At the mention of her new name, her cheeks suddenly felt hot. It had been a week pero hindi pa rin siya nasasanay. Mas lalo tuloy natawa si Tristan sa kanya.

Matapos nitong magbilin sa kanya ay agad na itong pumasok sa opisina nito. Siya naman ay sinimulan nang ayusin ang schedule ng kanyang boss.

################################

Mrs. Kho. It almost sounded as misis ko.

Yes. He had a thing for his secretary. Pero huli na siya dahil nag-asawa na ito. Ano man ang nararamdaman niya para dito ay wala nang halaga.

So bakit mo pa siya binilhan ng coffee? Bulong ng isang panig ng kanyang isipan.

Kahit alam niyang wala na siyang pag-asa kay Yumi, he still wants to do small things for her. Kahit man lang sa simpleng paraan ay maipakita niya dito ang kanyang pagmamahal.

He can't blame her if she fell in love with Russel. He was too shy to make a bold move towards her before. In short, natorpe siya.

Hindi naman sa hindi siya marunong manligaw. In fact, he had his share of flings and dating. Pero pagdating kay Yumi ay biglang tiklop siya.

Nagpapahaging siya dito pero lagi niyang idinadaan sa biro. Kaya marahil ay ni minsan di siya nito sineryoso.

Nang makarinig siya ng mahinang pagkatok sa pinto ay agad siyang umayos ng upo. Kunwari ay abala siyang aralin ang mga files sa computer kahit ang totoo ay iniisip niya ang kanyang sekretarya.

"Come in." Sabi niya bilang pagbibigay pahintulot sa sinumang kumakatok.

Bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Yumi.

"Sir, meron po kayong dadaluhang board meeting in thirty minutes. Tumawag and secretary ni president to confirm your attendance."

He slightly smiled at her. "How would I forget. Araw-araw yang nireremind sakin ni Dad. But anyway, salamat pa din. Ako nang bahalang tumawag kay Dad. You can go back to your work."

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon