Bumangon ako at nakita si Rio na natutulog sa sahig. Nakabalot pa rin sa katawan ko ang tatlong makakapal na kumot. Tumayo ako sa kinaroroonan ko at ibinalot sa katawan ni Rio ang isang kumot. Pumunta ako sa aking banyo at naligo. Nanlalamig ang katawan ko pero pakiramdam ko, namamanhid rin ako. Patuloy na umaagos ang tubig na nanggagaling sa dutsa at para ako nitong niyayakap.
Kasabay sa pag-agos ng tubig sa mukha ko, mga butil naman ng luha ang umagos galing sa mga mata ko. Akala ko tapos na ako. Akala ko magiging maayos na ako. Akala ko lang pala. Kasi kahit iniyak ko na ang lahat, heto pa rin ako. Nasasaktan.
Life sucks. Life never fails to disappoint me every second of my time.
Pagkatapos kong maghilod sa aking buong katawan ay lumabas na ako sa banyo para maghanap ng masusuot sa closet. Pagkalabas ko ay nakita ko si Rio sa harapan ko na mukhang hinahanap ako ngunit napalitan rin kaagad ang kanyang ekspresyon na para bang siya ay nagulat o nahihiya.
Napakunot ang noo ko sa inasal niya at kumuha ng masusuot sa damitan. Habang kinakalkal ko ang damitan ko ay napansin ko siyang lalabas ng kwarto ko pero mabuti at naharangan ko siya agad.
“Saan ka pupunta? Maghintay ka lang dyan, bihis lang ako,” sagot ko at tinalikuran siya. Kumuha muna ako ng isang sigarilyo sa kaha nito at sinindihan.
Napalingon ulit ako sa kanya at inobserbahan ang kanyang ekspresyon. Dahil madilim ang kwarto ko, hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. Pero pansin kong namumula ang kanyang mga tainga. Tinanong ko siya kung anong problema pero tumalikod na lang siya bago lumabas sa kwarto ko.
Nagtatanong ang isip ko sa kung anong nangyari sa kanya hanggang sa napagtanto kong towel lang pala ang nakatakip sa buong katawan ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking towel at napairap na lang sa ere.
Nakabihis na ako. Simpleng t-shirt, loose pants, at hoodie lang ang sinuot ko. Sa ngayon, aayain ko lang si Rio na kumain sa kung saan. Pasasalamat na rin sa mga ginawa niya. Kahit magka-galit sila ni Marina, ay tinanggap niya pa rin ang pabor nito na samahan ako kahit ayaw ko naman ng kasama.
Pero doon sa ginawa ni Rio, nailabas ko rin lahat ng mga saloobin ko. Tumanda ako na si Marina lang ang tumayong ate na gumagabay sa akin kahit na mas matanda ako sa kanya ng ilang buwan. Naging magkaklase kami nung high school, hanggang sa tumibay ang aming pagkakaibigan.
Sabay kaming nangarap. Pinangarap namin noon na magkakaroon kami ng condo o apartment. At natupad nga namin. Sabay naming pinangarap na makapagtapos ng pag-aaral ngunit siya lang ang makakatupad no’n kasi tumigil ako sa kadahilanang wala namang nagpapaaral sa akin.
I’m only eighteen and I don’t have a job to pay for my expenses. Wala namang sumusuporta sa akin. Nagbibigay naman ang mama ko pero tatlong beses lang sa isang buong taon. Si kuya ko naman, minsan lang magpadala at wala na akong balita sa kanya sa ngayon. ’Yung kabit naman ni papa, naglalagay ng pera sa bank account ko pero wala naman akong pake doon. Ni hindi ko pa nagagalaw kasi alam kong galing ’yung pera nila sa mga illegal na ginagawa nila. At ang kapal ng pagmumukha niyang isampal sa akin ang pera nilang galing sa basura.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nahagip ng mga mata ko si Rio na nasa sala at mukhang naiinip na kakahintay sa akin. Nang mapansin niya ako sa harapan niya ay hindi siya nagsalita at napatitig na lang.
I snapped at him at doon naman siya natauhan. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Parang nung isang araw, napakadaldal niya. Ngayon naman ay parang ibang tao siya.
Magsasalita na sana ako pero napansin ko ulit ang kanyang mga tainga na namumula. Nang tingnan ko ’yon ay napa-iwas siya ng tingin na tila ba nahihiya. Natawa ako ng bahagya sa itsura niya at inaya siyang lumabas.
BINABASA MO ANG
The Archer
Lãng mạn‣ Book 1 of Melomania Trilogy 🏹 १. Artemis Colfer is not only a famous archer as a kid but also a highly skilled pianist who captivates audiences with her emotional performances. But behind her perfect appearance, she battles with life's hardships...