Chapter 5 - Special Feeling

4K 101 0
                                    

EXHIBITION GAME

Antagal ko ng hindi naglalaro. Namiss ko to. Nanalo kami. After ng game, kumain kami sa fastfood kasama ang buong team.

Beep! Beep!

1 message received.

Max. Si Max na talaga yung nagtext. Nakita ko palang yung pangalan niya parang lumundang ung puso ko. Na excite ako ng slight. Kahit papano namiss ko rin ang loka.

Max: Hi. Sana di ka na busy. Magpapaalam lang sana ako ng maayos. Para kasing ayaw mo nako katext at kausap. May nagawa ba ko? Haay, yaan mo na. Gusto ko na rin magpa-thank you sa time na binigay mo. Ingat ka palagi.

Nakaramdam naman ako ng....lungkot? awa? Ewan! Basta may naramdaman ako na hindi maganda sa pakiramdam pagkabasa ko ng text niya. Nagdecide ako magreply. Baka kasi isipin niya may ginawa sya eh wala naman.

Me: Hello Max! Sorry naging busy lang ng ilang araw. Saka wala akong load. Alam mo naman walang work. :) Wag ka na magisip ng kung ano ano jan ok?

Max: Thank you! Kala ko naman galit ka sakin eh..

Magrereply sana ako ng..

Max: I missed you.. :'(

Me: Oh, bakit sad? wag ka na ma-sad jan. Heto na oh, reply na ko oh.. ;) Drama Queen! :P

Me: ..And I missed you too.. :*

Yiih! Sam! Landi much!

Ngingiti ngiti ako habang kumakain at nagttext di ko napansin na nakitingin na lahat ng kateam ko sakin. Binato ako ng sachet ng ketchup ni Jules. "Aray ko naman!" singhal ko sa kanya. "Eh, pano! Parang kang baliw jan! Nakakunot noo mo, may pa-smile smile ka pa jan!" tatawa tawang sabi naman ni Jules. Sabay sabay pang tumawa mga kasama namin kaya di ko maiwasang pamulahan ng mukha. "Hala, kinikilig ka pa jan! Sino ba yang katext mo ha! Yung High school noh?!" si Jules. Pasimple na lang akong ngumiti at tumango. "Landiiiiii!" sigaw nilang lahat. Tinginan mga taong nasa fastfood. Lalo akong pinamulahan ng mukha.

Pero kahit hiyang hiya ako. Masaya ako. At hindi yun dahil kasama ko si Jules.

Dahil kay Max. Sam, gusto mo na sya noh? Hindi pa! Weeh! Denial Queen! Hindi naman talaga. Namiss ko lang yung batang makulit. Cge na, kunwari naniniwala ako.

Pak! "Aray ko!" Binatukan pala ko ni Jules. "Hoy! Tama na daydream jan. Uwi na tayo!" tawa niyang sabi.

Paguwi ko sa bahay, dali kong kinuha cp ko.

Me: Hey! What you doin'?

Max: Gumagawa ng assignments. Pero patapos na. Ikaw?

Me: Heto kauwi lang, galing sa game.

Ring! Ring! Ring!

Max calling...

"Hello" pagkasagot ko sa call niya. "Hi. Anong game?" si Max. "Basketball, nag exhibition game kami. Panalo!" tuwang tuwa kong kwento sa kanya. "Kala ko ba gumagwa ka ng assignments?" pahabol kong tanong. "Tapos na po. Kakatapos lang..Dinner ka na?" si Max. "Opo, tapos na..ikaw?" balik kong tanong sa kanya. "Done na rin po, walang pasok bukas eh. Pero ginawa ko na assignments ko ngayon para free ako ng weekend." naramdaman ko yung ngiti sa sinabi niya.

Tuloy tuloy ang kwentuhan namen. Kung ano mga pinaggagawa namin ng time na di kami nagkakausap/text. Kinwento ko rin yung basketball game. Saka yung bestfriend ko. Pati yung feelings ko sa bestfriend ko kinwento ko na. Di ko kasi kinukwento sa kanya yun dati kasi nasasaktan ako pag nakukwento ko. Pero ngayon di na gaanong masakit. Bakit Sam? Dahil ba yan kay Max? Shut up! Nakikipagtalo na naman ako sa sarili ko. Tahimik bigla ang linya. "Hello. Max? You still there?" sabi ko. "Yes." malungkot na sabi ni Max. "Oh, bat parang malungkot ka?" tanong ko naman sa kanya. Tahimik ulit.

"Sam...may tatanong ako..wag ka magagalit ha.." malumanay na sabi ni Max. "Oh, ano un?" nakangiti ko namang sabi. "Mahal mo pa rin sya?" narinig ko na naman yung malungkot na tono sa boses nya. Sabay hinga ko ng malalim saka ako sumagot "Hindi naman basta basta mawawala agad yun db? Minahal ko sya the past 3 years. Hindi madaling kalimutan yung ganong pakiramdam Max. Pero I can honestly say na it's getting better now." paliwanag ko sa kanya. "Naiintindihan mo naman yun db?" pahabol ko pa. "Oo naman. Totoo kasi yung pagmamahal mo kaya alam ko hindi madaling mawala yun." nabawasan na yung lungkot sa tono ng boses niya.

"Sam..." si Max na parang may gustong sabihin. "Ano yun?" sagot ko naman. "Pwede na ba tayong magkita?" Ano daw? Magkita? Ha? Ano? Oh, bat natataranta ka jan? Kala ko ba friends lang? Eh bat di ka mapakali jan ha? Ewan ko sayo! Nabigla lang ako, out of the blue kasi! Yeah right! Busy na nakikipagtalo ako sa sarili ko di ko namalayan na naghihintay pala ng sagot si Max. "Kung ayaw mo okay lang. Natanong ko lang naman.." nagsalita na si Max. "No. I mean yes. I mean it's not a problem. Pwede tayo magkita. Kailan ba saka saan?" natatarantang sagot ko naman. Narinig ko si Max napatawa ng konti. "Sa Sunday sana after lunch, after namin mag church. Sa Mall lang. We can watch a movie or eat. Okay lang sa yo?" maririnig mo yung excitement sa boses na sabi ni Max. "Sure sure. Sunday. Around 1 pm?" sagot ko naman. "Yes, thank you! Matulog na tayo. See you Sunday!" natutuwa pa ring sabi ni Max. "Sure, cge. Goodnight." sabi ko. "Goodnight sweet Sam" sabay end call. Haliparot na to, di man lang ako hinintay sumagot.

Natulog akong may ngiti sa labi ng gabing yun. Parang ang gaan gaan lang ng pakiramdam ko.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon