Chapter 30 - Who are You Kidding?

2.7K 79 25
                                    

Dahil siguro umuulan dito ngayon, naisipan ko magsulat..I said bibilisan ko pag update pero umabot ng halos isang linggo na wala. Pasensya na po sa mga nag-aabang.

Dumadami na readers ah, 2k+ views. This is nothing compared to others, but I never expected na meron magbibigay ng time para basahin niyo ang story ko. Salamat!

===================================================================

SAM's POV

Beep! Beep! Beep! Beep!

I checked my phone, isang mata lang ang bukas..4:00 am, Grrrr! Aga aga pa! Tutulog pa ako eh! Snooze!

Beep! Beep! Beep! Beep!

Ayan na naman sya! Bakit pa kasi naimbento ang alarm! Grrr!

Alarm Reminder: Trip to Laguna.

Trip to Laguna?

Trip to Laguna!

Oh shoot! Ngayon pala ang alis ko!

Dali dali akong bumangon, kuha ng towel at derecho sa banyo.

30min later..

I checked my phone again...

3 messages received

Isa from Globe, isa from Kate, isa from O_o Alex? Hmmm..

Kate: Morning hon, excited nako makasama ka. Love you!

Alex: Morning! Ingat ka sa lakad ha...Sure ka na ba talaga itutuloy mo yan? Sige,text text ha..

Mamya na ako magre-reply. Bihis muna ko.. Bakit ganon magtext yung bruhang Alex na yun! Kagabi pa sya ah!

Sa terminal...

Nagreply ako kay Kate at kay Alex. Walang reply from Kate, natulog siguro ulit.

Alex: Excited ka ba?

Me: Oo na hindi...hehe

Alex: Bakit naman?

Me: Excited kasi 2 months na kami syempre gusto ko sya makasama. Hindi, kasi ninenerbyos ako.

Alex: Bakit naman nerbyos ka?

Me: Eh, ewan..Iba kasi pag kausap mo sa text, phone at vid call sa personal db? What if di pala kami okay in person? Pero hindi lang yun..basta ewan.

Alex: Relax lang kasi. Dapat kasi di ka na tumuloy. Hehe

Me: Bakit naman? Kaw ah! Nung isang araw ka pa! hehe. Parang ayaw mokong umalis.

Kapal ko naman. Hihi. Eh bakit ba? Gusto ko sya asarin eh.

Alex: Nah! Wala naman ako karapatan pigilan ka eh.

Me: Bakit? Gusto mo ba akong pigilan?

Hala! Sige Sam, asar pa more.

Alex: Hindi rin. Just like I said, I don't have the right. So why would I?

Me: Eh kung bigyan kita ng right? Would you?

Sige lang Sam, landiin mo ex mo habang papunta ka sa GF mo! Eh kung sabihin niyan na oo, anong gagawin mo? Pipigilan mo ang bus?! Baliw! Hindi, inaasar ko lang to...

Hmm.. Di na sumagot..

After 15min..

Alex: Nag-breakfast ka ba niyan bago ka nagbyahe?

Hmm? Ang layo ng sagot. Yaan ko na nga..

Me: Hindi eh. Late na kasi nagising. Mamya na, doon na lang.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon