Chapter 32 - Bitter Sweet

2.5K 72 8
                                    

Sabi ko kahapon ako mag update, nasobrahan ang excitement ko sa The Rich Man's Daughter kaya tinamad na akong magsulat.

Salamat sa kantang to na inspire ako magsulat ngayon kahit wala pa akong tulog. Hehe

· Yakap - Charice on media

===================================================================


SAM's POV

Dalawang araw ang lumipas since pumunta ako ng Laguna to see Kate, pero hanggang ngayon hindi ko sya ma-contact. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa loob ng dalawang araw na yun - pag-aalala, lungkot, galit at kung ano-ano na rin ang pumasok sa isip ko. Pero patuloy pa rin ako sa pagte-text sa kanya at pagtawag pero palaging unattended ang number niya.

At last! Tapos na rin ang work for the day. Miyerkules na bukas, hump day. Nakakatamad pumasok. Kakasahod pa man din, eh kung punta kaya ako ng Laguna? That will just be crazy, right? Pag hindi ko pa yun nakakausap by the end of the day, I might just do that. Kaya nag decide ako na magtext sa kanya. Sinabi ko yung pina-plano ko. Pero wala pa ring reply. Haist!

Si Alex? Ayun medyo busy pero nagte-text pa rin pag may time, asking me if nagparamdam na yung isa. Sabi ko syempre hindi pa rin. (-_-)

Mag-8pm na.

Beep Beep!

1 message received

Dali-dali kong kinuha ang phone ko.

Kate.

At last, nagparamdam ang bruha!

Kate: Call me, we need to talk.

Huh? So serious. Ni walang "Hi There" or "How are you?" okaya "I'm sorry."??

Dali-dali ako lumabas para magpaload.

Calling Kate...

"Hello." Malamig na sagot niya.

"What happened to you? Bakit hindi ka nagparamdam ng ilang araw? Hindi ko na alam kung ano ang iisipin at nararamdaman ko sa ginagawa mo." Sabi ko na para bang may nakabara sa lalamunan ko.

"....." Kate

"Hindi ka ba magpapaliwanag?!" naiinis na ako.

"I'm s-sorry." Umiiyak na sagot niya.

"Sorry for what? Ano bang nangyayari?" sabi ko na may pag-aalala sa boses ko.

"I-I'm b-breaking up with y-you. A-ayaw ko n-na." humahagulgol na sya.

Ako naman O_O!!!!!

"A-anong nangyari? D-db o-okay pa tayo n-naghiwalay?!" natatarantang sagot ko. Ano bang nangyari?!

"H-hindi ako maka-move on..N-nung s-sa inyo n-ni.....A-Alex." Mahinang sabi niya, pero dinig mo pa rin ang mahinang hikbi sa kabilang linya.

"What?! You know we're friends right? I thought you understood that from the beginning? Ano yung sa atin? Laro lang para sa 'yo? I can't believe this Kate!" galit na sabi ko.

"Oo, sinabi mo nga yun pero obvious naman na mahal mo pa si Alex! Pakiramdam ko ginawa mo lang akong panakip-butas! At yung Alex na yon? May gusto pa yun sa 'yo!" galit na ring sabi niya.

"My God Kate! Wala ka palang tiwala sa akin! At walang gusto sa akin si Alex! Una pa lang alam ko na yun! Kaya nga kami naghiwalay db?!" ang sakit ng loob ko. Pero at the back of my head, I felt a little bit of guilt. Why? Di ko rin alam. Basta yun ang naramdaman ko. I just tried to mask it with anger. Kapal ko rin noh?

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon