Chapter 53 - Bato sa Buhangin

2K 55 4
                                    

SAM's POV

"Hmmmm." ungol ko. Ang sarap ng tulog ko. Nakapikit pa rin ako at ninanamnam ang comfort ng aking kama at unan. Siniksik ko ang ilong ko sa unan ko na napakalambot at ang bago. Amoy---- Lavander.

Napamulat ako. Pagmulat ko tao. Tao! Hindi unan ang yakap ko. At nakasiksik pa ang mukha ko sa leeg ng taong katabi ko. Shit! Nakalimutan kong hindi ako magisang natulog kagabi. Napabalikwas ako at madaling umupo and covered myself hanggang leeg gamit ang comforter.

"Tsk! Uggh! Ano ba? Ang sarap pa ng tulog ko nakakagulat ka naman jan." inis na sabi ng katabi ko habang bumangon ito, umupo at sumadal sa headrest ng kama ko habang kinakamot pa ang ulo nito.

She laughed when she saw my reaction. "Ano ka ba?! Para ka namang ire-rape nyan eh." natatawang sabi nito. "Unless..You want to." taas-babang kilay na sabi nya.

Kinuha ko ang isang unan at hinampas iyon sa kanya. "Aga-aga dami mong kalokohan!  Tara na, tayo na jan ng makapagbreakfast na." sabi ko dito.

Hindi ito tumalima at pa-side pang humiga ito while resting head on one of her hands. "Ayaw." parang batang sabi nito. "Dito muna tayo, ganda ng view eh." sabi nito habang nakatingin sakin ng nakakaloko. Napatingin naman ako sa sarili ko. Labas pala ang balikat ko dahil sa oversized shirt na suot kong pantulog.

Nanlaki ang mata ko at inis na hinagis sa kanya ang unan na hawak. "Ewan ko sayo, Stevens! Bangon na! Bangoon!" sabi ko dito sabay tayo at nagtungo ako sa banyo. 

After ko mag freshen up lumabas ako ng room at wala na si Alex sa kwarto ko. Kaya lumabas na ako ng kwarto at tumungo sa kusina. Nadatnan ko si Jules na nakatalikod at tila naghahanda ng makakain. Si Alex naman, prenteng nakaupo sa dining area while drinking coffee, gamit pa ang mug ko. Bruhang babaeng ito, walang ibang gumagamit ng mug na yun kung hindi ako eh.

"Coffee?" tanong nito sa akin.

"Ang kulit nyan. Gusto yung mug mo pa, sabi ko sa kanya hindi mo pinapagamit kahit kanino yan eh." inis na sabi ni Jules.

"Bayaan mo na Best, aga-aga init ng ulo mo." sabi ko dito. Wala na rin akong magagawa, ginagamit na eh.

Yumakap ako kay Jules habang sya nakatalikod pa rin, "Hmmm. Bango naman ng niluluto ng bestfriend ko oh. Perem mug  mo ha?" lambing ko dito.

"Yiih! Ano ba Best! Pawisan ako eh. Alis! Kunin mo mug ko dun!" singhal nito sakin.

"Best, meron ka noh? Sungit mo eh! Hahaha" asar ko naman dito

"Kadiri ka Best! Upo ka na lang kaya dun?" pagtataray nito sakin. Nag-flying kiss naman ako dito sabay kindat. Inirapan lang ako. Sungit talaga nito pag umaga.

"Wow! Good mood yata si Sammy baby ah." napatingin naman ako sa nagsalita. Si Kat. Sino pa ba?

"Nakaisa ka yata Lex? Good mood ang isang yun eh. Hahaha" nguso ni Kat sakin.

"Hindi nga eh. Ang pakipot pa kasi." ganting biro naman ni Alex.

Tumawa lang ang dalawa habang ako inis at gusto kong ihagis sa kanila ang plato na nasa mesa. Ang aga-aga ako na naman ang naisip pagkaisahan. Hindi ako papayag! Kaya may naisip akong pang-ganti.

"Kat, san pala si Ella? Bakit wala pa dito? Pinagod mo noh?" pang-aasar ko. Nanlaki naman ang mata ni Kat, pagkatapos ay pinaningkitan ako nito.

"Bwiset ka! Jan ka na nga at gigisingin ko lang ang irog ko." naiiling na sabi nito habang umalis patungo sa kwarto nila.

Tawang-tawa ako sa reaction nya. Alam ko kasi na wala pang ganap sa dalawang yun. Conservative nga kasi ang kapatid ko at alam kong matagal ng nagpipigil at nangigigil itong si Kat. Kala nya ah! Ngingisi-ngisi pa akong napatingin sa katabi ko. Wala akong maisip na pang-asar sa isang ito eh. Kainis! Pagtingin ko, kinindatan naman ako nito. Pakiramdam ko namula ako. At na-confirm ko yun ng marinig ko syang tumawa.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon