Chapter 10 - Girlfriend

3.1K 86 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo na palaging magkausap sina Max at Sam. Hindi pa naulit ang muli nilang pagkikita dahil nga sa sobrang istrikto ng parents nito.

Kinulit kulit ni Max ang bestfriend niyang si MJ para magkita ulit sila ni Sam.

"Friend, sige na naman. Kausapin mo na sina Mommy, ikaw na bahalang magdahilan. Gusto ko ng makita ulit si Sam eh." pakiusap ni Max kay MJ. "Eh friend, alam mo namang takot ako kina Tito at Tita eh, eh kung mabuking edi patay ako sa kanila." reklamong sabi naman ni MJ.

"Friend db love mo 'ko? Please naman oh.. Sabihin mo may project tayo or something..Please? I'll do anything you want. Please?" nagmamakaawang sabi ni Max. "Anything?" tanong ni MJ. "Yes, anything!" may bakas ng tuwang sabi ni Max. "Okay, ikaw gagawa ng project ko sa Physics at pag kailangan ko ng palusot kina Momsy, you'd help me too!" pagpayag ni MJ. "Yes! I love you friend!" tuwang tuwang sabi ni Max. "You must really like this girl for you to do this. I know how much you hate doing Physics projects." natatawang sabi naman ni MJ. "No, friend. I don't just like her. I think I've fallen in love with her."

Tuwang tuwang sinabi ni Max kay Sam ang magandang balita. And as expected, pumayag si Sam na magkita sila. As usual, sa Mall pa rin ang date. Yes, date. Max didn't consider this as a friendly date. This would be the "date" that she will ask Sam to be her girlfriend. At sobrang nerbyos itong si Max.

At tulad ng dati, nanuod sila ng sine but instead of dinner she asked Sam sa coffeeshop na lang. Kasi feeling ni Max hindi sya makakakain sa sobrang nerbyos. She bought Sam a gift and a letter which she gave habang nasa coffeeshop sila.

"Oh, you smoke?" tanong ni Max. "Yes, why is it a problem ba?" sagot naman ni Sam. "No, I've always wanted to try one. Can I?" sabi naman ni Max. "No you --" bago pa makatanggi si Sam, kinuha na ni Max yung yosi na hawak ni Sam at hinithit niya ito. Napaubo sya at namula. Hindi naman kasi talaga sya nagyoyosi. "I said no Max! Ayan tuloy!" galit na sabi ni Sam. "Sorry na po. I just want to try kasi." paliwanag ni Max. Pinatay na ni Sam yung yosi nya at hindi na nagsindi pa ng kasama niya si Max.

"By the way, thank you pala sa gift. I'm sorry I did't get you one." sabi ni Sam. "It's okay. I don't expect anything in return naman. I just saw that and I remembered you so I bought it." sabi ni Max. "Thanks again." nakangiting sabi ni Sam. "Uhm, Sam...I just want you to know and feel how important you are to me. And I was not kidding when I said you're special to me." seryosong sabi ni Max habang nakatitig sa mga mata ni Sam. "Don't look at me like that!" sabi naman ni Sam. "Why?" tila nalungkot na sabi naman ni Max. "I feel like I'm melting and weak. I can't handle it." namumulang sabi ni Sam

Biglang hinawakan ni Max ang kamay ni Sam. At naramdaman na naman ni Sam ang boltahe ng kuryenteng naramdaman niya nung unang nagdikit ang mga palad nila. "Sam, I think...No, I know...I've fallen in love with you. Would you give me the honor of being your girlfriend?" Nabigla at natulala si Sam sa sinabi ni Max. She never expected na sasabihin ng dalaga yun.

Ano'ng isasagot si Sam? At ano ba ang nararamdaman talaga niya para sa mas nakababatang dalaga? Habang iniisip ni Sam kung anong isasagot kay Max, muling nagsalita si Max "I don't expect an answer now. I just want it to be know. I love you Sam. And I'm going to do everything to show it to you and for you to love me back." parang maiiyak na sabi ni Max.

"Uhm, Max...." magsasalita na sana si Sam ng biglang magsalita ulit si Max. "I know you're still in love with your bestfriend. I understand that. But I'm not gonna give up. I will fight for what I feel for you." naluluhang sabi ni Max. "Max, listen. Let me talk first..." sabi ni Sam. "Yes, I still love her..pero naging special ka na rin sa akin. I'm starting to have feelings for you too..If this is love, I don't know yet. But I'm willing and ready to find out." parang maiiyak na rin si Sam. Tila ba walang naririnig si Max na yumuko at tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

"Hey...Hush now..Why are you crying?" sabi ni Sam. Hinawakan ni Sam ang baba ni Max at iniangat yun upang magtama ang mga mata nila. "Max, yes...I'd love to be your girlfriend." naiiyak na ring sabi ni Sam. Si Max naman ay tulalang hindi pa rin makapaniwala sa mga sinabi ni Sam. Naramdaman na lang niya ang mainit na yakap ni Sam at hagod sa buhok at likod nito. Dahan dahang nilayo ni Sam ang sarili sa pagkakayakap kay Max at nagtama ulit ang mga mata nilang pareho pang may luha. Hinawakan ni Sam ang baba ni Max at inilapit ang mukha nito dito. Unti unting nagdikit ang mga labi nila and shared the sweetest kiss they've had.

Naghiwalay sila ng gabing yun na sila na. It's official. Girlfriend na ni Max si Sam.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon