Chapter 8 - Mixed Emotions

3.5K 77 0
                                    

MAXENE's POV

Monday, nasa school.  The day after namin mag meet ni Sam.  Nandito kami ngayon sa isang plant box ng bestfriend kong si MJ.  Nakatingin lang ako sa kawalan, nagiisip.. Hindi pa rin kasi ako nagpaparamdam kay Sam after namin magkita kahapon.  Hindi na rin sya nagparamdam sa akin after ng last text niya sakin asking me if I got home. Natural akong makulit when I'm with my friends, kaya nagtataka siguro itong si MJ bakit hindi ako kumikibo.

"Huy! Earth to Max!" sabi ni MJ.  Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. Hindi pa rin ako nagsasalita. "I know may problema ka, I know you dear friend.  Remember, uhugin pa lang tayo magkasama na tayo kaya alam na alam ko when something's bothering you." sabi pa ni MJ.  Sasabihin ko ba sa kanya? Baka pagtawanan lang nya ko.  Nababaduyan kasi si MJ sa mga textmates textmates eh. Jojologs daw. "May ikukwento ako sa yo pero wag mo akong pagtawanan or i-judge ha..." nakitingin lang sya sa akiin, naghihintay sa susunod kong sasabihin. "Mag-promise ka muna...Hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh.." sabi ko pa.

Nagseryoso ang mukha ni MJ "O sige, promise!" naniwala naman ako sa kanya, so I decided to tell her about everything.  Since the time I met Sam thru text, until we met in person.  Sinabi ko rin sa kanya yung nararamdaman ko para kay Sam.  "Dear friend, are you sure sa nafi-feel mo para sa textmate mo na yan? Isn't it too soon to fall for someone you barely know?" seryosong tanong nito. "Kasi, look at it realistically, you just exchanged messages and phone calls then you just met this person once. Are you sure na love yang nafi-feel mo?" itunuloy pa rin nya.

Ako naman, nagisip din.  Love na nga ba to? O simpleng paghanga lang.  Ah, ewan! Basta ang alam ko lang, I want to get to know Sam in a more personal level at hindi lang as friends. "I also don't know friend. But I want to find out for myself and be sure." sagot ko naman kay MJ.  "O yan naman pala eh! Ano pang ginagawa mong drama dyan! Edi get to know the person! Stupid! Drama drama ka pa dyan! Alam mo naman pala ang gusto mo!" sermon ni MJ sa akin.

"But...what if....she just wants to be friends?" pagaalinlangan ko namang sagot sa kanya. "Eh stupid ka talaga! Papano mo malalaman if you just stop? Alam mo dear friend, wala kang mapapala kung magmumukmok ka lang. Take a risk for God's sake! And if she wants to be just friends, then accept it.  At least you tried..hindi yang puro ka na lang what if!" paliwanag ni MJ.  May point naman sya.  Takot lang talaga ako ma-reject ulit.  Bahala na nga!

SAMANTHA's POV

Monday na, wala pa ring paramdam yung batang makulit. Oh, ano? Namimiss mo? Oo, wala kasi akong kakulitan.  Sure kang yun lang? Oo! Sure ka? Oo nga sabi eh! 

Busy ako nakikipagtalo sa sarili ko..

Riing Riing Riing!

Jules calling...

"Hello?" matamlay kong sagot. "Hoy! BFF! May problema ba? Bat ang tamlay mo? May sakit ka ba? Puntahan kita!" pagaalalang tanong ni Jules.  "Wala, I'm okay.  Nagmumuni muni lang.." sagot ko naman dito. "Sino naman yang dine-daydream mo? Yung high school! Haha" tawang sabi nito sakin.  "Wag mo nga akong pagtawanan!" pasungit na sagot ko sa kanya.

"Hoy! Hoy! Wag mo nga ako sungitan! Alam mong di ka uubra sakin! Anong ginawa nung batang yun sa 'yo? Ipapaharang ko na ba?" may pagbabanta talaga sa boses ni Jules.  Natawa naman ako sa concern niya "Hindi noh, wala..Nagmeet na kasi kami kahapon.  Tapos hindi na nagparamdam..Ewan ko ba.."

"Huwaaaht?!? Nakipagkita ka ng ikaw lang mag-isa? What if holdaper yun?! What if serial killer yun? Sira ka talaga!" sermon sakin. "OA ka talaga! Hindi noh, dala ko naman si Buknoy, saka nakalumutan mo na ba marunong ako ng self-defense!" Natatawa kong sagot sa kanya.  Haaay. Kahit kailan alam nito kung papano ako patatawanin. Kaya nga mahal na mahal mo di ba? Shut up! 

Kasalukuyan kong nakikipagtalo ulit sa sarili ko ng marinig ko syang magsalita ulit.  At seryoso sya ngayon, "BFF, alam mo naman na ayaw kong naagrabyado ka db? Feeling ko talaga nagttrip lang yun. Bata pa kasi. Ano ba yung nararamdaman mo para sa kanya?" Ano nga ba? Seryoso din akong sumagot, "Ewan ko, basta lately kasi sya yung palagi ko kausap.  Naaliw ako.  Nakakalimot..."

Hindi na sya nagusisa na para bang alam niya ang sinasabi ko. "Kung sa palagay mo, mabuti syang tao, edi pagpatuloy mo yung pakikipag kaibigan sa kanya. And kung may maramdaman kang mas higit sa kaibigan, hayaan mo.  You deserve to experience love." Seryosong sabi ni Jules. Natutuwa akong nalulungkot sa mga salita niyang yun.  Gusto niya talagang sumaya talaga ako.  Pero ibig bang sabihin nito wala ng pag-asa na mahal din niya ako? Tanga! May GF na yan, dapat dati mo pang alam yan! Kahit na masakit pa rin.  Pero okay lang, importante di mawala ang friendship namin, mas importante yun. 

"Eh, ano gagawin ko? Di na nga nagparamdam." paliwanag ko kay Jules.  "Edi ikaw magparamdam! Pride lang yan! Ayaw mo lang mapahiya! Walang mangyayari sayo kung puro pride pairalin mo!" sabi naman ni Jules.  May point sya.  Pero mamya na ko magttext, may class pa yun. "Huy! Tama na ulit ang daydream.  Magkwento ka! Ano ichura?" may pangaasar sa tono ni Jules.

At kinwento ko kay Jules lahat ng nangyari sa first meeting namin ni Max.  Nakinig naman si Jules na paminsan eh inaasar ako.  Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko.  "BFF, thank you ha." sabi ni Jules. "Huh?! Thank you for what? Ako nga dapat magpa thank you eh.." nagtatakang sabi ko.  "Kasi I have my bestfriend back." seryosong sabi niya. "Huh?! Di naman ako nawala eh." natatawang sabi ko naman dito. "Para kasing nawala ka the past few months.  Kahit pag kasama ka namin, di ka tulad ng dati. Alam ko naman may pinagdadaanan ka at ayaw mo sabihin sa akin." seryosong sabi ni Jules. "Ah...Wag kang mag-alala.  I'm back.  And I'll never leave..Andito lang ako palagi.." seryosong sagot ko sa kanya. "Pasensya ka na rin if I'm not myself the past few months.  Wag ka mag-alala, nagiging okay na rin naman ako eh.  At yung pinagdadaanan ko? Sasabihin ko rin yun sa yo pag handa na ako." pahabol ko pang paliwanag at binaba na namin ang telepono.

Kaya ko bang aminin sa kanya na may nararamdaman ako sa kanya? Bahala na.  I have to deal with one issue at a time.  Yung kay Jules, that needs time.  Too much is at risk.  

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon