Chapter 13 - Trouble in Paradise Part 1

3.3K 79 3
                                    

Medyo bibilisan ko na ang kwento mga kakosa...Masyado ng mahaba ang flashback na ito..hihihi

===============================================================================

Mabilis na dumaan ang anim na buwan.  Naging smooth naman ang relationship ni Max at Sam.  May paminsan minsan na tampuhan na hindi naman mawawala sa isang relationship. Isang linggo na lang at graduation na ni Max.  As expected, hindi makakadalo si Sam dahil na rin sa tago sa pamilya niya ang relationship nila ni Sam. At ganon din naman sa pamilya ni Sam.  Tanging mga malalapit na kaibigan lang nila ang nakakaalam.  Si Ella naman, kapatid ni Sam, ay may konting pagdududa sa totoong ugnayan ng dalawa dahil madalas siyang tinutukso nito.  Pero deny pa din itong si Sam.

Handa na ba si Sam malaman ng pamilya niya ang tungkol sa kanila? Handa na ba niyang harapin ang consequences sa pakikipagugnayan sa kapwa niya babae? Sa ngayon, hindi pa gaanong iniisip ni Sam ang mga ganitong bagay.  Ang importante masaya siya.  Masaya silang dalawa ni Max.

GRADUATION DAY

May konting celebration sa bahay nina Max.  Halos lahat ng pinsan at ibang mga kamag-anak at importanteng tao sa buhay niya ay nandoon.  Maliban kay Sam.

"I wish you were here, love. I want to celebrate this day with you." malungkot na bulong ni Max.  Kausap niya sa telepono si Sam, nakatago sa likod ng bahay.  Iniiwasang may makarinig sa kanila. "It's okay, love.  I want to celebrate this day with you din kaso alam naman natin pareho na hindi pwede db?" malungkot na sabi ni Sam.  "Don't worry, we will have our own celebration soon.  And we'll celebrate it with a bang!" masayang sabi ni Sam. "Promise mo yan, love?" sagot naman ni Max.

"Max, baby!" narinig ni Max ang tawag ng Mommy niya. "Oh love, bye na muna. Tawag na ako Mommy.  I miss you and I love you. See you soon." nagmamadaling bulong ni Max.  "See you soon, love. I love you too." sagot ni Sam.

"Baby, parang di ko napansin yung friend mo sa graduation ceremonies ah. Sino kasi yun? Yung Sam." nanlaki ang mata ni Max sa sinabing yun ng Mommy niya.  Shit! Oo nga pala! Napakilala ko si Sam na classmate ko! Oh my God, Oh my God! Ano sasabihin ko!?! Natatarantang naisip ni Max.

Minsan kasing nadatnan sila ng Mommy ni Max si Sam sa bahay. Di nila namalayan ang oras kaya hindi kaagad nakauwi si Sam.  Nagtaka pa nga ang Mommy niya kasi kilala lahat ng Mommy niya ang lahat ng kaibigan niya at noon lang niya nameet si Max.  Kaya pinakilala na classmate, transferee mula sa sister school nila.  Feeling naman nila na convince nila ang Mommy niya.  Hindi naman kasi mukhang 21 si Sam.  Baby-face kasi ito.

"Ah eh, Mommy hindi naka attend ng ceremonies.  Na advance yung graduation gift ng parents niya.  Trip to Hongkong. Naka-book kasi yung parents niya ng discounted rate kaso nataon yung flight sa graduation." palusot niya sa Mommy niya. "Ah..Ganon ba? Okay." sagot ng Mommy. Whew! That was close! Isip ni Max. Akala niya convinced ang Mommy niya sa palusot niya at nakahinga sya ng maluwag.

Or so she thought.....

Riiing! Riiing! Riing!

Sinagot ng Mama ni Sam ang landline nila.  Nasa may dining area si Sam noon, busy na nakatungo sa laptop. "Yes, ito nga. Sino ito?" narinig niyang sabi ng Mama niya. "Yes, Sam.  Samantha Villanueva. 21 years old. Mama niya ko. Ah ganun ba? Hindi kasi nya sinasabi sa akin eh. Nandito sya, gusto niyo ba makausap? Ah, okay. Salamat sa tawag. Sige sabihin ko sa kanya." sabi ng Mama ni Sam sabay baba ng telepono.

"Ma, sino yun? Bakit narinig ko yung pangalan ko?" tanong ni Sam sa Mama niya. "Wala 'nak.  Background check daw. Di mo naman sinabi nag apply ka na pala ng bagong trabaho." tuwang tuwang sabi ng Mama ni Sam. "Huh?! Hindi naman ah. Hindi pa nga ako nakakagawa ng resume eh." nagtatakang sagot ni Sam.  "Ah, baka yung Tito Manding mo na naman, baka inirekumenda ka niya sa trabaho 'nak." excited na sabi ng Mama niya.  "Ah, baka nga.." walang interes na sagot naman ni Sam.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon