Chapter 52 - Begin Again

2.2K 57 18
                                    

SAM's POV

Ilang linggo ang lumipas since that dinner. And I could say everything's been running smoothly. I've decided to give that friendship a chance and let go of the past. Iba rin ang ginhawang dala nun dahil ang laking bigat ang nawala sa dibdib ko, hindi pa ako totally okay sa lahat but at least a huge chunk of the burden I've been carrying all these years is gone. And that my friends, makes a whole lot of difference on how you view things. I've been more aware of my surroundings and the people around it na dati hindi ko nagagawa dahil naging abala ako sa pagintindi sa sarili ko at ng mga bagay-bagay sa aking isipan.

I've noticed one of my good friends seemed to be aloof and lonely. Even though she tried to hide it when everyone is around, napapadalas ang pagiging tahimik at tulala pag sya lang mag-isa. But knowing her, I decided to let her be for the meantime. Alam ko naman na mag-open up din sya pag feeling nya kailangan na nya ng taong makikinig sa kanya. Ganyan naman palagi si Max kahit dati pa.

Nagbalik na rin si Ella sa bahay namin sa Manila dahil tapos na ang project nya pero weekly or every other week pa rin syang pumupunta dito kasama si Kat. Hindi maitatago ang kasiyahan sa itchura ng kapatid ko. Pag-ibig nga naman. It could bring you so much joy, and also so much pain. Nothing in between.

Friday na naman and this is one of the rare weekend na nandito silang lahat. Kaya we decided to go out for tonight. Kailangan ko din kasi yun. Sobrang busy the past few weeks dahil nadadagdagan ang clients namin, plus the anniversary preparations led by Kat and me. Napapadalas din ang pagkikita namin ni Alex pag nasa hotel din sya. Gaya ng sabi ni Hannah, most of the time once a month lang syang nandito pero ngayon halos weekly din ang pagpunta nya dito sa Tagaytay dahil daw first big event ito ng hotel/resort nila and she wants to personally oversee the preparations. Totoo naman dahil kilala na din naman ang company namin dito sa lugar na ito at pag naging successful ang event na yun, advantage yun sa hotel ni Alex. Oo, yun ang dahilan. Wala ng iba. Di ba? Yun lang talaga. (Yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. hehe)

Dahil dun tila nagbalik ang dating closeness ni Alex at ni Kat, though minsan nagbabarahan pa rin ang dalawa hindi na siguro mawawala sa dalawa yun. At minsan may mga iilang arguments na kailangan ko ng makialam dahil hindi sila nagkakasundo sa mga gagawin para sa event. Since it's our company, I have the last say but most of the time I let them do their thing.

Nandito kami ngayon sa hotel, checking out some of the details na na-finalize ni Alex at Kat and next week uumpisahan na ang pagbili at pag prepare ng mga kailangan para sa event. Three weeks na lang kasi. Halos dawalang buwan din kasi ang preparations before the actual event. Gusto ko kasi maging maganda at maayos ito. First time nga kasi na dito sa location ko gaganapin ang party at personal namin na inasikaso ito ngayon. Hindi tulad dati na nag-hire pa kami ng event coordinators. Suggestion ni Alex na kami-kami na lang ang gumawa ng lahat. Sabi nya, aside from being cost-effective may personal touch pa kung kami-kami na lang ang gagawa nito. Which is a great idea. Lalo na kung tulong-tulong naman kami.

"Hay salamat naman almost 6pm na, at pwede na tayong makaalis. Can't wait for tonight!" excited na sabi ni Kat.

"Why? What's with tonight?" tanong naman ni Alex. Ako nakikinig lang. Ganito naman ako palagi pag kasama ako sa preparations. Specially when Alex is around. I know nawala na yung awkwardness, sa una talaga hindi mawawala yun. Pero ayaw ko pa rin masyadong maging feeling close dito.

"Lalabas kasi kami. Ngayon na lang kasi kami na-kumpleto ulit." nakangiting sabi ni Kat

"Kasama pa ang Baby ko. Kaya excited ako. Masyado kasing busy yun kaya hindi na nakalabas-labas minsan." natutuwang sabi pa ni Kat

Alex responded, "So. You and..." she looked my way and looked at Kat again, "Sam's sister, huh?" tanong nito kay Kat.

"Oo naman. Bakit?" tanong ni Kat na nakataas ang kilay. Magtataray na naman yata ang isang ito. Napailing na lang ako at bahagyang ngumiti.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon