Chapter 12 - Meet the Girlfriend

3.7K 85 3
                                    

WARNING!  This chapter contains explicit scenes.  Read at your own risk!   :)))

Bawal ang bata!   :)))

=============================================================================

Lumipas ang tatlong buwan.  Masayang masaya si Sam at Max.  Lalo na si Sam dahil ramdam na ramdam nito ang pagmamahal sa kanya ng girlfriend niya.  At ramdam rin ni Sam na mahal na mahal niya si Max.  Pero may isang bagay pa rin na gumugulo sa isip niya.  Si Jules. Magmula kasi ng maging sila ni Max ay hindi na ito masyadong nagpapakita sa mga ito.  Para na rin hindi sila magka problema ni Max.  Alam kasi ni Sam na hanggang ngayon ay insecure si Max kay Jules.

Naging determinado si Sam na malaman kung ano ang nararamdaman sa kaibigan.  Ayaw rin kasi nitong maging unfair kay Max. Kaya may naisip siyang paraan.

"Love, I guess it's time for you to meet Jules." casual na sabi nito kay Max.  Natigilan naman si Max sa sinabi ng nobya. "Huh? Why?" malamig na tanong ni Max.  "Love, she's my bestfriend.  And she will always be a part of my life.  And I want you to get to know each other." sagot naman ni Sam.

Pero sa isip ni Sam, kailangan ko malaman once and for all kung sino ang mas matimbang sa dalawa.

"Please, love?" pakiusap ni Sam. "Di ba may school carnival kayo this week? Pakiusapan mo ulit si MJ para makatakas ka. Punta tayo sa University ng Friday?" she looked at Max with puppy dog eyes.  Alam kasi nito na hindi ito matiis nung isa pag tinignan na niya ito ng ganon. "Haay, okay love.  Anything for you." buntong hiningang sagot ni Max. "Thanks, love! I love you.." tuwang tuwang sabi ni Sam at binigyan niya ng matamis na halik sa labi si Max.

At ayun nga, pinagplanuhan nila kung papano makakatakas si Max upang makilala nito ang mga kaibigan ni Sam.  Nakipagsabwatan sila kay MJ.  Hindi masusundo ni Sam si Max nun kaya kailangan ni Max magbyahe mag-isa.  Hindi kasi sinabi ni Sam sa mga kaibigan ang pagdalaw ni Max sa kanila.  Ang alam lang nila si Sam lang ang dadalaw sa University.  Alam kasi ni Sam na hanggang ngayon ayaw pa rin ni Jules si Max para kay Sam.

Dumating ang araw ni hinihintay ni Sam.  

Pagkapasok sa University, dumerecho ito sa gym kung saan alam niyang nagt-training ang mga kaibigan niya. Sakto kakatapos lang ng training.

Nakita ni Jules si Sam na paparating at tuwang tuwang tumakbo palapit kay Sam na para bang walang ibang tao siyang kasama.  Tinalon niya ng yakap ang matalik na kaibigan.  "BFF! Buti nadalaw ka! Miss na miss na miss na kita ng ganto ganto karami!" inikot ikit nito ang mga kamay para ipakita kung gaano karami ang pagkamiss nito sa matalik na kaibigan. 

"Eherm..Eherm!" OA na tikhim ni Majo sa likod. "Parang kayong dalawa lang ang tao sa mundo ah." asar na sabi nito sa magkaibigan. "Oh, sweetie! Si BFF oh! Dinalaw tayo!" tuwang tuwang sabi ni Jules, di pansin ang inis ng nobya. "Buti naalala mo pa kami.  Mula nung maging kayo nung bata mo eh parang di mo na kami naalala.." pagpapa-cute na tampo nito kay Sam. "Eh bestfriend, alam mo naman na kailangan samantalahin namin ni Love ang bawat pagkakataon na pwede kami magkita. Kamag-anak ni Hitler mga magulang nun eh." masayang sabi ni Sam.

"Wow, Ate Sam. Going strong yata kayo ng girlfriend mo.." pagdidiin ni Majo sa salitang girlfriend. Halatang hanggang ngayon insecure din itong si Majo kay Sam. "Oo, salamat naman.  Eh swerte ko kaya dun! Feeling ko isa akong napakagandang prinsesa!" sagot naman ni Sam. "Maganda ka naman talaga ah bestfriend, pero prinsesa?? Ako kaya yun!" sabat naman nitong si Jules na ikinasimangot naman ni Majo.  "Tara dun muna tayo sa cafeteria magtambay." yaya ni Jules.

Habang nasa cafeteria sila, text ng text si Sam kay Max, inaalam kung nasaan na ba ito.  "Hoy! BFF! Tigilan mo muna yang pagtext text mo sa jowa mong bubwit!" asar na sabi ni Jules. "Ngayon na nga lang tayo nagkita eh." pagtatampo pang sabi nito. Binitawan na ni Sam ang cp.  Malapit na daw si Max.  Tuloy tuloy ang kwentuhan ng grupo habang si Majo ay nakasimangot lang sa tabi.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon