SAM's POV
"Ma'am, excuse me po." tawag sakin ng assistant ko.
"Yes?" sagot ko dito.
Nasa office ako nito at busy na nagre-review ng financial report at ilan pang mga documents.
"May delivery po para sa inyo. sabi ng assistant ko
"Sige. Ilapag mo na lang sa side desk, tignan ko later. Thank you." sabi ko dito ng hindi man lang tinitignan ang dala. Busy kasi talaga. Dumating na kasi ang bagong job order para sa kakabukas na 3-star hotel at kami ang nanalo sa bidding ng supplies.
Naging babala ko sa mga gawain dito sa office.
"Wow! Cheesecake!" excited na sabi ng pumasok sa office. Si Kat. Hindi talaga marunong kumatok ang isang ito, sabi ko sa sarili ko.
"Cheesecake?" tanong ko dito
"Here oh. May cheesecake dito sa desk." sabi ni Kat. Ah yun siguro yung delivery na sinasabi ng assistant ko.
Iniabot ni Kat sa akin ang cake at may kalakip itong card.
Hope you still love cheesecakes, Babe!
Have a nice day!
-A
Ayan ang nakasulat sa card. Alam ko na kanino galing yun. For the past weeks, halos every other day may padala itong something sa akin. Flowers, cakes, snacks at kung ano-ano pa. And everytime na may ipapadala ito sa akin, most often than not, I go out and have a drink dahil ayaw kong mag-isip. Pagod ako the whole day sa office tapos iisipin ko pa ang isang yun? Ka-stress diba?
Mula nung makita ko sya ulit, hindi na ko pa sya ulit nakikita pero palagi namang nagpapadala ng kung ano. Ni hindi ko alam kung bakit nandito sya at kung bakit nya ginagawa ang mga ito. Arrgh! Sumasakit na naman ang ulo ko. Pagdating talaga sa taong yun, sobrang na-stress ako.
Itinigil ko saglit ang ginagawa ko at minasahe ang sentido ko.
"Okay ka lang? Uminom ka kaya ng gamot?" si Kat
"No, I'm okay. Napagod lang ako." sabi ko dito
"Kanino galing ang cake?" usisa ni Kat.
"Gusto mo? Iuwi mo na sa bahay for sure matutuwa si Ella jan." pagiiba ko ng usapan.
"Talaga?! Thank you sweetie!" excited na yumakap ito sa akin at lumabas dala-dala ang cake.
Wala sa sarili kong tinitigan ang card. Hanggang ngayon puzzled pa rin ako. Ang dami kong tanong na hanggang ngayon hindi pa rin nasasagot.
Sumandal ako sa swivel chair at humarap sa bintana, kinuha ko ang remote para sa blinds para mahawi yun ng konti. The view in my office always relaxes me. Maybe it's what I need. Ngunit mali ako. Dahil naisip ko ang mga nangyari ng mga nakaraang linggo.
FLASHBACK
I was out that weekend. I'm by myself dahil need ko mag unwind. Halos isang buwan na rin akong hindi lumalabas dahil puro trabaho ang inatupag ko. So tonight, I'm having fun.
And that's what I did. Took a few drinks, liquid courage. And scouted the bar for what I'm looking for tonight.
At the dance floor, may isang girl na sumasayaw and she's hot. May mga iilang nakikipagsayaw dito pero she's dancing with no one in particular. I was able to have enough courage to join the crowd and dance with this girl.
She seems to like the attention I was giving her, so she wrapped her arms around my neck as she danced with me. Sinabayan ko naman sya. And I was starting to have fun myself. Tuloy-tuloy lang kami sa pagsasayaw na paminsan minsan pumupunta sa bar to get a drink then back to the dance floor. Masayang kasama ang girl na ito, and it's obvious na we're both attracted to one another. Flirty smiles, sexy whispers have been exchanged between us. And I know sa sarili ko kung saan mapupunta ito by the end of the night.
BINABASA MO ANG
The One (girlxgirl) - COMPLETED
RomanceSamantha Jimenez. Happy go lucky. Hopeless Romantic. Naniniwala sa true love, kung saan saan niya ito hinahanap. Pero palagi na lang siyang bigo. Will she ever find the right direction in life? Will she ever meet The One? Is it her first true l...