Chapter 39 - Julia Clemente

3K 73 13
                                    

JULES' POV

"Ha? Bakit? Kailangan pa ba yun? Wag na! Pare-pareho lang naman ang mangyayari kaya hindi na kinakailangan pang gawin yun..." sabi ko, pero nagsalita pa rin ang sa kabilang linya.

"Eh ayaw ko nga. Wag ka ng makulit dyan! Oo nga..pero..tsk...sige na nga! Ang kulit mo talaga kahit kelan!" naiinis kong sabi.

"Oo na. Sige na. Baboosh! I love you too.." sabi ko.

Nagtataka kayo sino kausap ko? Eh sino pa ba ang bida sa story na ito? Imposibleng ako db? Edi si Sam! Ang bestfriend kong ewan.

Opo, may POV rin ako sa istoryang ito. Kala ni Max at Alex sila lang ha! Hmp! At hindi ako masyadong mahilig mag-english di tulad ng bestfriend kong adik na si Sam. Mula ng makilala niya yung hilaw na Amerkanang iyon, panay na sya English!

Mag- 2 years na daw since una niyang nakilala yung bago niyang girlfriend na si Alex. 10 months na rin silang official. Tagal na noh? At ano ang kailangan niya sa akin? Ipapakilala daw niya sa akin in person ang gf niya.

Opo, ipapakilala pa lang. Kahit mag-bestfriends kami, hindi lahat ng naging karelasyon nito ay nakilala ko sa personal. Madalas sa kwento lang. Sa totoo lang, pangalawa pa lang ito sa mga makikilala ko niyan. Bakit? Kasi ayaw ko silang makilala. At pangalawa, hindi niya ipinapakilala sa akin unless seryoso talaga siya sa nagiging kasintahan. Meron din namang iba na gusto niyang ipakilala sa akin, pero tumatanggi ako.

Ayaw ko na kasi ulit makakilala sa mga nagiging karelasyon niya mula nung ipakilala niya sa akin yung Max. Pag naalala ko ang Max na yun gusto ko talaga yun hanapin at pasabugin eh!

Sinaktan niya ng sobra ang bestfriend ko. Sa kanya nagumpisa ang unending failure ni Sam sa mga nagiging karelasyon. Sya ang pinagmulan ng lahat lahat.

At ngayon, gusto niyang makilala ko ang Alex na yun. Eh una palang badshot na sa akin ang gagang yun. Playgirl daw kasi at ilang beses na rin niyang nasaktan ang bestfriend ko. Para sa akin, a cheater will always be a cheater. Kahit pa sabihin ni Sam na iba na si Alex ngayon at mahal na mahal nila ang isa't isa. Wala pa rin akong tiwala. Pero mapilit ang bestfriend ko, kaya pagbibigyan ko na.

At sa inyo ko lang aaminin, matagal na akong may lihim na pagtingin kay Sam. College pa kami. Pero walang nangyari. Pareho kaming naunahan ng takot. Takot sa rejection, takot kasi pareho kaming babae at takot na mawala ang friendship namin.

Nakakatawa nga tuwing naaalala ko ang mga pangyayari mula nung una kaming magkakilala. We never liked each other. Hindi ko pa man sya kilala sa personal, ayaw ko na sa kanya...

FLASHBACK

First day of school. 1st year college ako, I'm taking up Business Administration. Dito rin ako sa school na ito nag elementary at high school. Masasabi kong isa ako sa pinaka-sikat sa school. Maliban sa isa akong athlete, volleyball player po, matalino rin ako. Marami rin nagkakagusto sa akin kahit hindi ako ganun ka-pansinin physically. Ma-appeal. Yun ang perfect description ng tao sa akin.

Excited ako sa totoo lang, hindi lang dahil sa unang araw ko sa kolehiyo. Makikilala ko na rin kasi ang isang estudyante dito na hindi man kasing-sikat ko, ay sikat din dito sa school, sa college nga lang. Hindi sya gaanong kilala ng mga high school students pero madalas syang bukambibig ng ibang mga guro sa high school na paminsan nagtuturo din sa college.

Samantha Jimenez daw ang pangalan. Matangkad daw ito, matalino, maganda in her own way, athletic din. Ang dami daw sinasalihang activities pero napapanatili niyang mataas ang mga grades niya. Consistant Dean's Lister pa daw. I'm not impressed, but I saw her as a threat.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon