ALEX's POV
A month after, finally matutuloy na rin na maipakilala ako ni Sam sa bestfriend niya. Base sa kwento ni Sam, masyadong overprotective ito sa kanya. At wala ni isa sa mga naging karelasyon ni Sam ang nagustuhan nito. I also know that Sam used to like her a lot when they were in college. According to Sam, naka-get over lang ito kay Julia when she met her first girlfriend na si Max. Opo, halos lahat nai-kwento ni Sam sa akin. At sakto 11th monthsary na official kami and 2 years na kami magkakilala ni Sam. Antagal na rin ano? Hindi ko rin in-expect na I would be in a relationship ng ganito katagal with a girl.
Happy naman ako. Sobrang happy, in fact. Almost perfect na nga eh, maliban sa paminsang tampuhan. Minsan kasi sinusumpong pa rin si Sam ng pagka-praning at insecurities niya. Papano nga naman, since hindi widely known ang relationship namin, lalong nagpursige manligaw yung manager ng restaurant na dati kong pinapasukan.
Opo, dati. Nag-resign na ako. And now I'm managing one of our restaurant chains. Kaya sobrang busy ko na rin. Hindi na nga kami masyado nagkakasama ni Sam. Pero syempre we keep in touch ng madalas, usap sa phone, text, vid call.
Minsan nga nagtatanong na si Mom, bakit hindi ko pa daw sagutin yung nanliligaw sa akin. Aware naman kasi si Mom na hindi talaga ako nagtatagal ng ganito na walang boyfriend. Girlfriend kasi ang meron ako. Hindi ko na lang sinasagot si Mom pag ganun. Baka kung saan pa mapunta ang usapan.
Minsan nakaka-guilty rin na nag-entertain ako ng suitors, for show lang sa amin, kasi I'm in a serious relationship. I shouldn't be entertaining any suitors. Kaso hindi pa ako handa na malaman ng pamilya ko ang tungkol sa amin ni Sam. Yes, we managed to keep our relationship a secret for a long time. And kahit papano thankful ako nagiging patient si Sam. Pero hindi ko alam kung hanggang kelan. Nararamdaman ko naman malapit na syang mapagod. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang hirap pala ng ganito. I don't know how long I could take it as well. Nakaka-stress din kasi. I don't want to lose Sam, I love her. And I don't want to disappoint my family, I love them more than my life.
Tutal, mamya pa kami magkikita nina Sam at Jules, I decided to go to my bestfriend. Si Atey (Ate Jo). Sa side ko, si Atey ang isa sa mga nakakaalam ng tungkol sa amin ni Sam. I only told 3 of my friends. Si Atey, si Ness at si Rain. Si Rain, friend ko nung college, she's bisexual. Nahuli niya kami ni Sam one time sa bar na sobrang sweet kaya I have no choice but to tell her.
"Hi baby!" bati sa akin ni Atey.
"Hi baby!" bati ko rin.
"I know may problema ka, c'mon spill!" utos ni Atey. Kung matapang at mataray ako, masi si Atey. Takot kaya ako dito, hehe.
"I don't know what to do na Tey." Malungkot kong sabi.
"Yung sa inyo ni Sam?" tanong nito. Kilalang kilala na ako nito.
"Yup. I love her. But I know nahihirapan na sya sa situation namin. Ako rin nahihirapan na." sabi ko
"Dba sabi naman niya, she could wait? Anong drama niya?" mataray na sabi ni Atey.
"Wala syang drama. I just feel that I'm being unfair." Sabi ko.
"Okay, I'm gonna be frank, as always ha. Ano ba talaga ang pumipigil sa'yo para umamin sa family mo? I know naman eventually matatanggap nila yan. It may take time but alam ko naman open minded si Tita." Sabi ni Atey.
Tahimik lang ako.
"You better ask yourself. Dahil ba concerned ka sa reputation mo? You're a known guy magnet. At alam mo marami ang magma-mock sayo na inagawan mo ng boyfriend dati, mga guys na binasted mo at mga ex na hiniwalayan because you chose to be with a girl." Paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
The One (girlxgirl) - COMPLETED
RomanceSamantha Jimenez. Happy go lucky. Hopeless Romantic. Naniniwala sa true love, kung saan saan niya ito hinahanap. Pero palagi na lang siyang bigo. Will she ever find the right direction in life? Will she ever meet The One? Is it her first true l...