Chapter 31 - Full Moon

2.5K 73 1
                                    

Dahil mahal ko kayo. Heto pa isa. Medyo masipag eh..hehe


Partida, brownout pa dito nung ginagawa ko ang kalahati nito. Buti na lang hindi nagtagal kaya publish agad! hehe

===================================================================


SAM's POV

Alex: Uhm, can you come over before you go home?

Binasa ko ulit ang text ni Alex. Ano kaya trip ng babaeng to? Makikichismis nga siguro. Oo, yun lang. Bumaba na ako ng jeep. Lakad na lang ako papunta sa bahay nila, kahit gabi na. Maganda ang panahon, ang daming bitwin sa langit, ang bilog ng buwan. Sarap maglakad. Magisip. Bakit hindi pa nagtetext si Kate? Haay, yaan ko na lang tawagan ko na lang kauwi.

Me: Nasa kanto na ako, lakad lang ako papunta dyan.

Alex: Okay, just ring the bell. Ingat ka, baka matapilok ka, lampa ka pa man din. Haha!

Hayup na babae to, lampa daw ako? Di naman. Makalakad na nga.

Ding Dong!

Lumabas sa front door si Alex. She looks gorgeous as usual. Nakabihis sya? May lakad ang gaga. Date? Hmmm...

She's wearing a white and maroon ¾ shirt, fitted jeans, strappy sandals na may heels. Nakalugay ang buhok niya, she styled it na medyo curly sa baba. Naamoy ko ang pabango niya nung pagbuksan ako ng gate. Kahit kailan ang bango bango ng bruhang to. Sarap panggigilan!

Ay! Ano bang naiisip ko!

"Hi! May lakad ka yata? You look good." Sabi ko.

"I always look good. Anong bago dun?" natatawang sabi niya.

"Bakit mo pa ko pinapunta dito, mukhang may lakad ka naman." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"I was supposed to go out pero parang tinatamad ako, bahala na.." sabi niya. "Tara sa taas." Sabi pa niya.

"Wala yata sina Tita?" tanong ko, pansin ko wala yung isang kotse sa garahe.

"Wala, gumimik kasama mga amiga niya. Kasama yung bagong BF. Alam mo naman si Mom." Sabi pa niya.

"Bagong BF? Wala na sila ni kalbo? Haha! May pinagmanahan ka pala eh." Natatawang sabi ko.

Pinagtaasan naman ako ng kilay. Yih! Katakot! Magtataray na naman yata.

"Mana sa akin si Mom. Haha" natatawang sabi niya. Whew! Kala ko magtataray na naman.

Naiiling na lang ako habang nakangiting sumunod sa kanya sa taas.

"Do you want anything to drink?" tanong niya.

"Hindi na, uminom na ako ng soda sa terminal kanina eh." Sabi ko.

Pumasok na kami sa room niya, iniwang bukas ang pinto at dumerecho sya sa may window. Nakatayo lang sya dun, "Upo ka, or kung gusto mo tumayo ka na lang." nakangising sabi niya.

I decided na umupo na lang. I sat by the bed at sumandal sa headboard ng bed niya. Humarap sya sa akin, nakatingin lang sa akin, nakasandal sa pader malapit sa sliding window at nakahalukipkip.

"Don't look at me like that?" sabi ko.

"Like what?" may pangaasar sa tono niya but she's has that all familiar evil grin on her face. Ano na naman kayang kapilyahan naiisip ng bruhang ito?

"Like that! You got that look on your face again na parang may naiisip na hindi maganda." Natatawang sabi ko. Pero sa totoo nito, I'm uncomfortable with the way she looks at me.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon