Chapter 47 - The Date & Realization

2K 58 21
                                    

A/N: Backstory ulit ito ha..Hehe..Bibilisan ko lang ang flow para balik na tayo kay Sam ulit. Kaya habang nag-iisip pa rin ako ng gagawin kay Sam eh, sa iba muna tayo mag focus.. Hehe.. Salamat ulit sa mga walang-sawang naghintay ng update nito at pasensya na kung ang tagal tagal tagal (madami, kasi sadyang napakatagal naman talaga..hehe)

KAT's POV

Sa wakas at pumayag si Jules na lumabas kami na kaming dalawa lang. Paalala nyo sakin mamaya na mag-novena at magpamisa doon sa Manaoag ha..Dahil sa haba haba ng panahon, sa simbahan din ang tuloy.. Sabi nga ng kasabihan. Hehe.. Pero nagtataka naman ako at hindi kumontra ang isang ito ngayon. Nakakapagtaka talaga. Kayo? Hindi ba kayo nagtataka? Wag kayo mag-worry tatanong ko mamaya sa kanya ha.

Pero sa totoo lang, hindi naman talaga ako dapat pumunta pa dito ngayon eh. Sa Sunday pa usapan namin talaga ni Sam para pag-usapan ang negosyo. Weekly reports. Kaso biglang sumulpot si Bubwit sa shop kanina eh ayaw ko munang makita ang isang yun after ng nangyari nung isang gabi. At dahil sadyang swerte ako, sumama pa sakin. Wala kaming imikan sa kotse on the way to Tagaytay, na dati hindi naman ganun. Madalas ang ingay namin sa kotse, nagkakantahan kasi pareho kaming wala sa tono. Birit pa more!

Hindi ko kasi alam ang talagang gagawin ko after she told me she's inlove with me. Sabagay hindi ako magtataka. Diyosa eh, DIYOSA! Hehe..Sorry kung GGSS ang lola nyo. But kidding aside, I was shocked. Honestly, I didn't know how to react and act around her after that.

But...When she kissed me, I'd admit I sort of liked it. It was sweet and tender kaya hindi ko mapigilang tumugon kaso ng natauhan ako itinigil ko rin yun and then she dropped the bomb. At yun ang hindi ko inaasahan sa lahat. I knew the kiss was coming, we both had a drink that night. I though she just got carried away and me? Well, I was damn lonely! Yes, selfish but in my defense I didn't know what she felt. Or did I?

"Huy! Anong nangyari sa'yo?" putol ni Jules sa pag-iisip ko. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa loob ng mall. Para akong robot na naglalakad sa sobrang lalim ng iniisip ko.

"Anong gusto mong panoorin sabi ko?" tanong ni Jules

"Kala ko ba may gusto kang panoorin kaya pumayag kang lumabas tayo? Kung ano na lang gusto mo my labs." Sabi kong nagpapa-cute pa.

I saw her roll her eyes at sumimangot ng slight. Sungit talaga ng bruhang to.. Kung hindi ko lang ito mahal hindi ko magta-tyaga eh.

"Fast and Furious na lang." sabi nito

"Uy, ikaw labs ah..Gusto mo pala FAST and FURIOUS..hihi" asar ko dito sabay taas baba ng kilay.

"Tigil-tigilan mo nga ako, iiwan kita dyan eh. Bahala ka sa buhay mo." Inis na sabi nya

"Uuuy, biro lang naman. Pikon naman nito. Sige yun na lang. Crush ko si Michelle Rodriguez eh.." excited kong sabi.

Sya na ang bumili ng tickets namin at ako naman sa popcorn at giant softdrinks. Tig-isa lang para share na lang kami. Ayiie..Share kami sa straw para na rin kaming nag kiss nun. In-direct kiss.. hihi..

Kiss..Naalala ko naman ang kiss namin ni Ella. Bigla akong may naramdamang kung ano ng maalala ko yun. Tila ba lumakas ang pintig ng puso ko. But I erased that thought. Ayaw kong i-entertain. Hindi pwede.

At dahil ako ang pinaka-swerteng tao sa mundo. Parang nag-rewind ang utak ko sa mga nangyari..

A few days ago...

Nandito kami ngayon sa isang bar. Niyaya ko si Ella na lumabas eh papano nakakainis si Jules lagi na lang nya ko tinatanggihan. Ewan ko ba bakit ako nagta-tyaga dun. Alam ko naman na wala akong pag-asa dun pero sige lang ako ng sige. Mahal eh, pag mahal talaga magtitiis ka kahit gaano kasakit db? Db? Ganun yun?

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon