Flashback po ulit to..continuation lang nung Chapter 2..
=============================================================================
Hindi ako makapaniwala na babae pala ang katext ko ng ilang araw. Eh papano nga, di ako matanong nung una kame magkatext. Eh Assumerang palaka pa ako. Kala ko talaga lalake! Max daw kase saka lalaki yung boses nung una ko syang makausap!
"Hello? Sam? Anjan ka pa ba?" sabi ni Max. Kasi bigla akong natahimik. "Babae ka? Kala ko lalaki yung nakausap ko.." paliwanag ko sa kanya. Di ko alam papano ako magre-react sa nalaman ko. "Bakit? May difference ba kung babae pala ako? Ayaw mo nakong maging friend?" malungkot na sagot niya sakin. "H-Hindi naman. Di ko lang talaga expect eh. Okay lang naman maging friends noh." Okay din naman yun, friends lang naman. Assumera ka kase, malandi! Makamalandi naman wagas! Oh bakit? Hindi ba? Kala mo kasi lumalablayp yang katext mo sayo! Gusto lang pala talaga ng friend! Eh gusto co nga ng distraction at magka lovelife na rin para mabura na yung nararamdaman ko sa adik kong BFF! Eh di karirin mo yang si Max, db pwede ka naman sa girl? inlove ka nga sa BFF mo na girl db? Hell no! Exemption to the rule yang BFF co, straight ako noh! Na develop lang talaga ako dun! Okay, if you say so!
"Hello? Sam?" naputol ang pakikipagtalo ko sa sarili ko ng nagsalita yung kausap ko sa kabilang linya. "Ayaw mo na yata makipag friends sakin kasi girl din ako. Cge okay lang. Bye na." malungkot na naman nyang sabi. "No. No. Sorry Max. May naisip lang kasi ako. Okay lang na girl ka noh. No big deal. We can still be friends. Nu ka ba. Wag ka na malungkot jan." magiliw kong sabi sa kanya. "So, ano na? Wait lang. Nung una kang tumawag sakin, ikaw ba yung nkausap ko o ibang tao?" tanong ko sa kanya. "Oo, ako yun noh!" natatawa naman niyang sabi. "Eh bat boses lalaki? Ngayon boses babae ka na?" nagtatakang sabi ko. "Ah kakagising ko lang kasi nun." sagot naman niya sakin. Lalo naman ako nagtaka sa sinabi niya, biniro ko sya "Aga aga mo tumawag nun ah! Di ka pa nag toothbrush nun noh!" Sabay tawa. "Oo noh! Eh basta pag gising ko kasi may nag urge sakin na tawagan yung number na nakita ko sa Cable Channel. Ewan ko ba. Basta yun una pumasok sa isip ko pag gising ko nun." Oh, Sam kinikilig ka na nian? Hindi noh! Natutuwa lang ako sa kakulitan ng taong to! OKFoyn! Sabi mo weh!
Bago pa humaba yung pagtatalo ng isip ko "Okay Max, let's start from the beginning...Fullname mo, age, at anong course mo?"
"Maxene Villanueva po, 16, 4th yr HS. Ikaw? Same question, ay wag na pala course kase sabi mo Business Management ka db" natatawang sagot nia.
Nagulat naman ako "What?! High school ka pa lang?" Pero in fairness, natatandaan pa niya una namen pinagusapan. Sweet ng batang to.
"Oo, bakit? Masama ba? Di mo na sinagot yung tanong ko.." nagtatakang tanong naman nya sakin. Oo nga naman Sam! Eh ano ngayon cung bata, eh db sabi mo straight ka? Friends lang db? Walang masama. Tama, may point ka. "Samantha Jimenez, 21" Sagot ko sa tanong niya.
Umabot kami ng alas dose ng madaling araw magkausap. Nakatuwang kausap ang batang to. Daming kakulitan sa katawan. Nakatulog ako ng may ngiti pa sa mga labi ko.
Dumaan ang ilang linggo na palagi kami magkatext at magkausap ni Max. Natutuwa ako sa kanya. Nakakaaliw naman kasi syang kausap. Ang daming kwento. At naging makwento na rin ako sa kanya. Gumaan ang loob ko sa kanya. Nasanay na rin ako na 5:00 am "Good Morning" text or call ako bago sya pumasok sa school at 4:00 pm "How's your day" after ng class nya. Nag-aaral sya sa isang exclusive all girls school.
Dahil naging close na kami at komportable sa pagkkwento ng kahit ano sa isa't isa. Nakwento niya sakin yung ulitimate crush niya, girl! Ka-edad ko daw isang med rep na alumi ng school nila. Di naman ako nag assume na lesbian itong si Max kasi normal lang naman magka crush sa girl, for me wala lang yung crush. Paghanga. Pero nung minsan kinukwento niya sakin yun ng may kilig pa kasi nakita daw niya nakasalubong sa mall. May tila ba naramdaman akong kirot sa dibdib na hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko nanlalamig ang buong katawan ko at umiinit ang batok ko. Sam! Ano ba yan! Nagseselos ka ba? Hindi, bat naman ako magseselos eh crush nya lang naman yun. Saka kahit pa inlove sya dun eh paki ko ba?! Weh? Umamin na kase, nagseselos ka! Bat naman nga ako magseselos?! Friends lang kami ni Max! FRIENDS!
Dahil sa hindi ko maintindihan na dahilan, iniwasan ko muna si Max ng ilang araw. Di ko sinasagot mga text at tawag niya. Gusto ko kasing mag-isip isip. Di ko kasi naiintindihan ang nararamdaman ko sa batang yun. Naramdaman ko na ito dati eh. Pero hindi, magkaiba yun. Hindi yun tulad ng naramdaman ko sa BFF ko. It's something totally different.. Pero wala ito sabi ko sa sarili ko. Naaliw lang ako sa batang to...
BINABASA MO ANG
The One (girlxgirl) - COMPLETED
Roman d'amourSamantha Jimenez. Happy go lucky. Hopeless Romantic. Naniniwala sa true love, kung saan saan niya ito hinahanap. Pero palagi na lang siyang bigo. Will she ever find the right direction in life? Will she ever meet The One? Is it her first true l...