Chapter 33 - Birthday

2.8K 82 11
                                    

Lumipas ang mga araw, parang nagbalik sa dati sina Alex at Sam. They became close friends, they talk more often and hang out pag may free time silang pareho. Ikinatuwa ito ni Sam, di maikakaila na habang tumatagal ay lalo nitong minamahal si Alex. But she chose to keep it to herself at nakuntento na sa friendship na alam niyang kaya lang ibigay ni Alex sa kanya.

Pero may mga pagkakataon na nagbabangayan pa rin sila kasi masyadong lapitin ng guys itong si Alex, at di maiwasan ni Sam ang magselos. Natural charmer kasi itong si Alex at minsan ine-entertain nito ang pagf-flirt ng mga lalaki sa kanya pag lumalabas sila. Pero nagkakaayos din sila agad. Alam naman kasi nito na wala naman syang karapatan magalit o magselos. Hindi na sila, they're just friends. Kaya nagtitiis na lang ito kahit nagngingitngit ang kalooban nito.

Minsan hindi nito pinapansin si Alex at di rin nakikipagkita dito dahil sa sobrang selos and everytime reality hits her. Yung realidad na silang dalawa ay magkaibigan lang. Nasasaktan si Sam pero tinitiis na lang niya, pinili niyang manatili sa buhay niya si Alex eh. Wala syang choice. So the only thing she could do when this happens is to avoid Alex for a few days. Magpapalamig lang at ipapamuka sa sarili niya na they're just friends. Only friends. Yan ang lagi niyang sinasaksak sa utak niya. At pag okay na sya, dun lang sya nagpaparamdam kay Alex.

Si Alex naman, naiinis kay Sam everytime na ganun sya. Syempre, susuyuin ni Sam si Alex para hindi na ito magalit sa kanya. Nagtataka si Alex bakit minsan ganun umakto si Sam. Walang ideya si Alex sa nararamdaman ni Sam para sa kanya, though madalas nitong inaasar si Sam about it. At syempre dahil sa ayaw mapahiya ni Sam, deny to death naman ito.

Pero sa loob-loob ni Alex, minsan gusto niyang nakikita na nagseselos o nagtatampo si Sam. Kaya minsan, sinasadya nito makipag-flirt sa mga lalaki na lumalapit sa kanya. Gustong gusto niya talagang inaasar si Sam, pwera na lang pag tinotopak si Sam. Yung tipong hindi nagpaparamdam sa kanya si Sam. Pero minsan advantage pag ganun si Sam kasi pag nawala na ang topak nito, nilalambing siya ng bongga ni Sam.

Sobrang special si Sam kay Alex, pero hindi nito sinasabi kay Sam iyon. Ayaw rin niya kasing paasahin si Sam, baka masaktan na niya naman kasi ito. Hindi kasi maintindihan ni Alex ang tunay na nararamdaman niya kay Sam. Basta ang alam ni Alex, hindi sya handa na magkaroon ng serious relationship, serious same sex relationship pa kaya? Alam niya kung gaano ka-complicated ito. Basta nasa buhay niya si Sam. At iyon ang importante.

May mga pagkakataon na nagpaparamdam si Sam kay Alex sa nararamdaman nito. Kadalasan dinadaan lang niya sa biro pero hindi ito tinutugon ni Alex. Palaging change topic lang ang isa sa mga ganung pagkakataon.

Malapit na ang birthday ni Sam. Napagkasunduan nila na mag celebrate silang dalawa in advance kasi may party sa bahay nina Sam with the Family and some friends lang naman ang guests. Hindi pwede si Alex sa araw ng celebration, kaya they agreed na mag-celebrate silang dalawa.

Mga two weeks before yung lakad nilang dalawa, may na-meet si Alex na guy na naging client nila sa isa sa mga restaurant chains nila. Dahil sa taglay na ganda at natural charm ni Alex, naging interesado ang lalaki sa kanya at nanligaw ito kay Alex. Pero pinili ni Alex na itago kay Sam ang bagong manliligaw na si Brian. Businessman si Brian, he's only 27 but he's accomplished a lot. The ideal man ika nga. Matangkad, matipuno ang pangangatawan, tisoy, gwapo.

Alex entertained Brian, madalas nitong dalawin si Alex sa Hotel, minsan sa school at sa restaurant nila. Never nagkwento si Alex about kay Brian. She just can't get herself to tell her about him. Baka kasi magalit si Sam. At sa aminin ni Alex o hindi, takot sya na pag nalaman ni Sam na nag entertain siya ng manliligaw eh piliing lumayo ni Sam sa kanya.

Si Brian ang tipikal na tipo ng lalaki ni Alex. At hindi maikakaila ni Alex na type niya si Brian pero hindi nya alam kung sasagutin niya ito. Naiisip niya palagi ang mararamdaman ni Sam. At pinangako niya sa sarili niya na hindi nito sasagutin ang binata hanggat hindi niya nasasabi kay Sam na nanliligaw ito sa kanya. Pero papano? She don't even have the courage to tell Sam na may manliligaw sya. Isabay pa dito ang thesis at OJT, dalawang buwan na lang kasi eh graduation na niya. Sobrang stressed si Alex.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon