Chapter 14 - Trouble in Paradise Part 2

2.8K 66 0
                                    

Lumipas ang isang buwan na walang communication si Sam at Max.  Halos araw araw at gabi gabing umiiyak si Sam.  At napapansin na yun ng mga kasambahay niya.

Narinig niyang may kumatok sa pinto ng kwarto niya, madali niyang pinahid at pinatuyo ang mata niya na puno ng luha. "Pasok." sagot niya. " Nak, bakit hindi ka pa kumakain? Bumabagsak na yang katawan mo ah. Baka kung mapano ka." may pagaalalang sabi ng Mama ni Sam.

"Ma, wala akong gana. Mamaya na lang." sagot nito sa Mama niya. "Nak, kung ano man yang pinagdadaanan mo, malalampasan mo rin yan.  Kailangan mong magpakatatag. Mas maraming malaking problema pa ang dadaan sa buhay mo. Bata ka pa." seryoso at malumanay na sabi ng Mama niya. 

Hindi mapigilan ni Sam ang humagulgol ay yumakap sa ina, "Ma, bat ganito? Ang hirap pala. Ang sakit sakit na eh." umiiyak na sabi ni Sam. "Kaya mo yan. Pakatatag ka anak. Palagi mong tandaan, nandito lang si Mama. Mahal na mahal ka namin." tila ba may nalalaman ang Mama niya sa situwasyon at yumakap din sa anak.

Gumaan ng konti ang pakiramdam ni Sam sa pagdamay sa kanya ng Mama niya.

Samantala, sa bahay ni Max....

Umiiyak din ito. Kausap si MJ. Pinayagan na ng Mommy niya na makipag-usap si Max sa kaibigan pero may kondisyon at limitasyon ito. 

"Friend, miss na miss ko na sya. Papano kung sumuko na sya?" umiiyak na daing ni Max sa kaibigan. "Hindi naman siguro friend. Mahal na mahal ka ni Sam at sabi niya hindi ka niya iiwan. Tiwala lang friend." paliwanag naman ni MJ kay Max.

"Friend, pinayagan na ako mag enrol ni Mommy bukas.  Hindi nya ko sasamahan kasi may trabaho sila. Hihingi sana ako ng favor." parang nagmamakaawang sabi ni Max. "Friend, baka mahuli na naman tayo ni Tita." nagaalangan na sabi ni MJ "Please friend, kailangan ko lang makita si Sam. Gusto kong malaman niya na hindi pa ako sumusuko. Ayokong mawala sya. Hindi ko kaya." humahagulgol na pakiusap ni Max. "O sige friend. Pero magiingat kayo. Baka pati ako ipa salvage nina Tita." pabirong sabi ni MJ just to lighten her mood. "Salamat friend! Babawi ako sa yo!" natutuwang sabi naman ni Max.

Kinabukasan enrollment na nina Max at MJ. Pareho sila ng kursong kukunin sa kolehiyo. Kinasabwat na naman ni Max ang kaibigan para makatakas at makipagkita kay Sam. Kukuha lang sila ng forms at pipirmahan ang dapat pirmahan.  Dahil pareho sila ng kursong kukunin, pareho lang sila ng mga kailangang requirements, si MJ na rin ang mag fill out ng forms ni Max.  Iniabot na rin ni Max ang pera na kailangan para sa mga babayarin doon.

Napagkasunduan nina Sam at MJ na kikitain niya si Max sa harapan ng University pagkaalis ng Daddy ni Max at sisiguraduhing nasa University na si Max bago pa siya sunduin.  Wala pa ring celphone si Max kaya si MJ ang point of contact nila.

Nakatago ang sasakyan na gamit ni Sam, malayo sa gate pero kitang kita ang mga sasakyan na labas pasok sa University.  Ng makita niyang umalis na ang sasakyan ng Daddy ni Max, naghintay pa ito ng ilang minuto upang masigurado na nakaalis na talaga ang Daddy ni Max bago paandarin ang sasakyan niya at ihinto sa harapan ng gate ng University.

Pagpatigil ng sasakyan ni Sam, kaagad niyang binuksan ang pinto ng passenger seat at dali-daling sumakay si Max.  Hindi na sila nagpasalamat kay MJ dahil kailangan nilang sulitin ang bawat minutong magkasama sila.

Dumerecho sila sa isang hotel at nag check in doon.  Pagkapasok nila sa hotel, wala silang sinayang na sandali.  Walang usap usap na hinalikan ang isa't isa pagkasara ng pinto.  Damang-dama nila ang pananabik sa isa't isa. Ang pagka miss sa isa't isa. Ang pagmamahal sa isa't isa. At ayun nga, wala silang sinayang na sandali. Ilang beses nilang pinagsaluhan ang mainit na pagmamahal nila sa isa't isa.

Matapos nilang gawin yun biglang umiyak si Max.  Hindi na rin mapigilan ni Sam ang luhang kanina pa niya pinipigilan.  Hubad na magkayakap sila sa isa't isa. Ilang minuto rin silang ganon. "I missed you so much, love." Sam broke the silent tears between them at masuyong humalik sa noo ni Max. "I missed you so much din love."

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon