Chapter 26 - Once Upon a Time...At the Amusement Park

2.9K 79 12
                                    

WARNING: This chapter may, or may not (hehe), contain mild sexual contents. Skip if you're not comfortable reading these types of scenes. Proceed at your own risk.

You've been warned. Hardiharhar! *evil grin*

===================================================================

Pinagpatuloy ni Sam at Alex ang ganoong setup. Kahit napag usapan na open relationship sila, Sam never thought of looking for someone else. Si Alex naman, hindi naman nakikipagkita kay Liz kahit ilang beses na nagyaya ito sa kanya.

Naging smooth naman ang samahan ng 2 over the next month. At ramdam na ni Sam na mahal na niya talaga si Alex. Pero takot na sabihin ito ni Sam kay Alex dahil sa takot na ma-pressure ito at makipag hiwalay na naman. Alam na niya sa sarili niya na she can't just be friends with Alex.

Minsan, niyaya ni Alex si Sam na sumamang mag chaperone sa lakad ng nakababata nitong kapatid na si Brittney. Nagkayayaan kasi si Brittney at ng mga friends niya nag mag-out of town, pumunta ng amusement park. 5 silang sasamahan nina Alex, kasama ang boyfriend ni Brittney. Kahit na 3rd year high school pa lang ito ay pinayagan na ng Mom nila na mag-boyfriend.

Kilala na si Sam sa bahay nina Alex, pinakilala na kaibigan. Syempre, hindi kayang ipagtapat ni Alex ang tunay na relasyon nilang 2 ni Sam. Dahil una, hindi pa talaga totally committed sa isa't isa. Pangalawa, hindi pa alam ni Sam kung mahal na rin ni Alex si Sam. At pangatlo, hindi handa si Alex na malaman ng pamilya niya na pumatol sya sa kapwa babae. One of Alex's greatest fears is disappointing her family. At pakiramdam niya, hindi matatanggap ng pamilya niya ito kung sakali.

Panay si Sam sa bahay nina Alex, kaya sanay na rin ang mga kapatid at Mom ni Alex sa presensya ni Sam sa buhay ni Alex.

Okay, sa pagpapatuloy ng kwento...

Kaya ng araw na aalis sila, madaling araw pa lang umalis na si Sam sa bahay dahil 5am ang usapan nila na magkikita sa bahay nina Alex.

"Hi, Ate Sam! Aga mo ah. Lika na breakfast na tayo. Ay! Thank you nga pala pumayag kang samahan si Ate. Hindi kasi sasama yan sa amin kung sya lang ang magiging julalay namin eh." Magiliw na sabi ni Brittney kay Sam.

Sadyang jolly ang personality ni Brittney. Makulit at kalog.

"Anong julalay ka dyan! Pagdating natin dun, kanya kanyang agenda tayo noh! Ano kami, bodyguard niyo." Sabi ni Alex sa kapatid.

"Oo para makapag moment naman kayo ng BF mo." Bulong ni Sam kay Brittney sabay kindat. Para rin makapagmoment kami ng ate mo, sa isip ni Sam.

Nakaramdam ng mahinang sipa sa paa si Sam. Si Alex. Para bang nababasa nito ang naiisip ni Sam.

"Ay! Oo nga noh! Ang galing mo talaga Ate Sam! The best ka talaga!" parang kinikilig pa na sabi ni Brittney.

"Nga pala, buti hindi sasama si Ethan?" tanong ni Sam.

Si Ethan, yung bunsong kapatid nina Alex.

"May practice daw ng basketball." Si Alex ang sumagot.

Varsity player kasi ng basketball si Ethan. Palibhasa may lahing Amerikano, matangkad ito kahit 2nd year HS pa lang. Sa edad na 14, 5'9" na yata ang height nito.

After breakfast, sakto dumating yung van na ni-rent nila. Nagpaalam at bumeso ang magkapatid sa Mommy nila at sumakay na ng van.

Ganito ang pwesto sa van. Sa harapan sa may passenger seat si Mike, barkada ng bf ni Brittney. Sa likod ng driver si Brittney at si Eric, boyfriend niya. Kasunod naman si Margot at Jasmin, mga kaibigan at kaklase ni Brittney. At sa likuran si Sam at Alex.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon