Chapter 48 - Baffled and Troubled

1.7K 59 29
                                    

SAM's POV

Kung kailan okay na lahat. Business is doing well, I have a great friendship with my ex. My family is happy. I am happy. Then the unexpected happened! Akala ko okay na eh. Pauwi ako nito kasama si Max at Jules. Inabangan nila ako sa office at pinilit ng umuwi na.

They thought I was back on my old ways coz for the past 2 weeks, halos araw-araw akong nasa bar at nag-iinom pero hindi naman nalalasing ng sobra. Sakto lang para makatulog at hindi na mag-isip pa. Kaso ang OA lang ng dalawang ito that they felt the need na bantayan ulit ako gaya ng dati.

Not that I'm not grateful, coz I am. Imagine, I have these two to care enough..Well, care too much. Kaso praning sila. I'm not that stupid to take the same path I took years ago. Yeah, they both know the reason why I go out almost every night. They don't follow me around like they used to though. But pag 12mn na wala pako sa bahay, isa sa kanila ang susundo sakin sa bar. Feeling ko ako si Cinderella, may curfew! My gosh! No matter how many times I told them that I won't get too wasted, ayan pa rin sila.

Normally, nag-aaway ang dalawang ito eh. But today, I don't know. For some reason, they both decided that they won't let me go out tonight. Hinayaan na daw nila ako the past 2 weeks, it's time na daw to deal with everything instead of drowning myself in alcohol. Alam ko naman hindi titigil ang dalawang ito sa pangungulit kaya pumayag na ako na sumamang umuwi sa kanila. Besides, wala naman akong planong lumabas ngayon. Madami akong paperwork na kailangan ma-review.

Pagdating ko sa bahay, nakita ko ang isang sasakyan na sobrang pamilyar sakin. Alam na alam ko kanino yun, na ipinagtaka ko naman dahil alam ko bukas pa dapat ito dadating. Pero binalewala ko na lang. Baka tinawagan sya ng dalawang ito for an "intervention". I just rolled my eyes with that thought. As if an intervention would help me get off my mind of things that bothers me lately.

Pagkapasok ko ng bahay, pumunta muna ako sa kwarto ko para ilagay doon ang mga gamit ko. Then I went to my sister's room pero wala sya doon. Naisip ko baka nasa set. Pagkatapos ay dumerecho ako sa kusina ngunit walang tao dun. Hinahanap ko ang may-ari ng sasakyan na nasa labas. Ah, baka nasa veranda. Paborito kasi naming tambayan yun pag nandito sila.

"Best, Max..Tara puntahan natin sa veranda si Kat. I'm sure nandun yun. Wala sya sa kusina eh." sabi ko sa dalawa na prenteng nakaupo sa sala. Walang kibuan as usual.

Sabay silang tumayo at sumunod sakin patungo sa veranda.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng makita ko si Kat....At Ella! OMG!

Blag!

"Anong ibig sabihin nito?!" sigaw ko sa dalawa. Gulat na gulat ako sa nakita ko. I've never thought...

Kitang-kita sa mata ng kapatid ko ang takot at pagkabigla. Si Kat naman nabigla lang pero hindi pa rin nya inalis ang pagkakayakap sa kapatid ko!

"My God! Katrina! Pinagkatiwala ko sa'yo ang kapatid ko! Hindi ko sinabing samantalahin mo ang kahinaan nya!" galit na usig ko kay Kat.

"At ikaw!" galit kong turo sa kapatid ko. "Kailan pa ito ha?! Alam ba ito ni Mama?!" galit na tanong ko.

Umalis na sa pagkakayakap si Kat kay Ella but she held her hand and intertwined them and put on a brave face na taliwas sa ginawa ng kapatid ko na nakayuko lang.

"I trusted you, Kat! And you betray me like this?! Of all people, kapatid ko pa?!" sumbat ko dito

"I love her. We're in love." Kat bravely and firmly said without breaking our contact.

"Bullshit! We both know how easily you fall in and out of love with anyone Kat! Huwag mong isama sa listahan mo ang kapatid ko!" galit na sabi ko

Nakita kong bumitaw sya sa kamay ng kapatid ko at mabilis akong nilapitan with anger in her eyes...

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon