Chapter 42 - Shattered Dreams

2.8K 80 51
                                    

ALEX's POV

It's been more than 2 weeks since our trip.  Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakausap si Sam tungkol sa pagbabalik ni Marco.  Buti na lang yung isang iyon ay nasa ibang bansa for a business trip.  Bakit ko alam? Nagtext sya, hindi ko naman tinugon.  I'm really showing him na wala akong interest sa kanya.  And as for me, I'm still gathering up the courage to talk to Sam about him.  Ilang beses na akong nag-practice para hindi naman ma-praning itong girlfriend kong alam kong selosa.  Kahit alam kong understanding ito, alam ko na magiging issue ito.

Pero sa ngayon, di ko muna iisipin ang mga yan.  Kasi busy ako ngayon sa event na ginagawa namin.  May business party kasi ang company ni Sam ngayon.  Lahat ng investors at potential inverstors sa dalawang business ng pamilya ni Sam ay dadalo.  At dito nga sa isang function hall ng isang branch ng restaurant namin gagawin ang party.  Hindi lang kasi kami girlfriends ni Sam.  Somehow naging connected ang business nila at business ng pamilya namin.  Ang Superstore nila ang supplier namin ng mga stock dito sa restaurant, yearly ang renewal ng contract deal namin sa kanila.  At pag may mga parties, caterings, etc naman ang kumpanya nina Sam ay kami ang nagke-cater or sa isa sa mga restaurants namin ginagaw.  Hindi naman din kasi pipitsugin ang restaurants namin.

Kaya heto, nakikipag-coordinate ako kay Katrina about sa last minute changes kasi mags-start na ang party in less than 2 hours.  Si Katrina palagi ang kausap ko sa mga ganitong events, kasi mas magaling itong mag-organize ng ganito kaysa kay Sam.  Paperwork lang ang kay Sam dito, approval ng mga expenses, etc.

After ng trip namin, masyado kaming naging busy.  Nagkikita naman kami ni Sam, minsan sya ang pupunta sa restaurant, minsan ako naman ang pupunta sa office niya.  Pero hindi pa kami nag-date ulit.  Hindi kami magka-chance kasi ang daming events sa restaurant at sya naman fina-finalize na yung deal sa bagong branch ng Superstore sa Tagaytay.  Isa rin ito sa mga dahilan bakit hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos ni Sam.

Tila ba natulala ako sa pagiisip, napansin ito ni Katrina.

"Huy! Earth to Alex! Don't tell me nag-away kayo ni Sam ah! Ano na naman ginawa mo dun ha?" sabi ni Katrina

"OA ka Kat ha! Hindi kami nag-away ni Sam.   Bakit mo na naman nasabi yun?" tanong ko

"Ganyan na naman kasi ang mukha mo.  Pag ganyan ka, madalas si Sam ang dahilan." Sabi nito

"Wow ah! You know me too well?" sarcastic kong tanong.

"No.  Masyado lang kasing obvious! Remember nung nadatnan dito ni Sam yung dati mong boss? Tapos nag-away kayo.  Pero dahil ma-pride ka, hindi mo agad kinausap itong si Sam?Ganyan ang mukha mo nun! Tapos sabi mo sa akin may problema kayo ni Sam at gusto mo na syang kausapin pero hindi mo magawa." Derechong sabi ni Katrina.

Oo nga pala, nakalimutan ko. Palagi ko itong nakakasama lately.  Masasabi kong close na kami kahit na naging karibal ko pa ito dati kay Sam. Hindi naman na nga sya naglandi kay Sam after niyang nalaman yung tungkol sa amin.  At isa rin ito sa mga taong nakakausap ko ng tungkol sa amin ni Sam, kasi nga hindi pa talaga ako out at  hindi lahat ng kaibigan ko alam yung sa amin ni Sam.  At least si Katrina, she knows us both kaya naging madali sa akin ang minsan mag-open up sa kanya.

"Uhm..Wala naman kaming problema.  Pero tama ka, sya ang naiisip ko.  May gusto akong sabihin sa kanya pero...." Pag-aalangan kong sabi.

"Anong pero, pero?! Alam mo kung ano man yang sasabihin mo dapat sabihin mo na! Alam mo naman yang girlfriend mo, malakas ang pakiramdam nun.  Lalo na pagdating sayo, pasalamat ka busy yun ngayon baka sumpungin na naman ng kakulitan yun kasi siguro mase-sense niyang may buma-bother sa yo.  Ako nga napansin ko, yang girlfriend mo pa kaya." Sermon ni Katrina

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon