Chapter 37 - The Threat

2.7K 79 7
                                    

Mabilis na lumipas ang mga buwan, at ngayon ay mahigit ng 6 na buwan na official sina Sam at Alex.  Everything is going smoothly.  Syempre gaya ng lahat ng relationships, hindi naman ito perpekto.  Syempre may mga konting away at tampuhan ang dalawa.  Mostly ay time and selosan.  Busy kasi sila pareho.

Si Alex ay kasalukuyang apprentice sa isang restaurant na pag-aari ng isang family friend.  Kahit meron silang restaurant chain, ayaw ni Alex na magtrabaho agad doon.  She wants to start from the bottom up. Sa ngayon ay 4 months na sya bilang apprentice.

Si Sam naman ay senior manager na sa isang branch ng supermarket nila.  Kaya lalo itong naging busy kasi more responsibilities.  Pero hindi pa rin sya nawawalan ng time para kay Alex.  Na sya namang pinagtatampo minsan ni Sam kay Alex.  Madalas kasi na si Alex pa ang nagca-cancel sa mga lakad nila. Conflict sa schedule.

Pero they both make sure na magkita sila at least once a week or kung di talaga uubra, every other week tapos binibisita nila ang isa't isa kahit mga 30 minutes lang.

At dahil hindi pa nila nilalantad ang kanilang relasyon, maliban sa ibang malalapit na kaibigan, hindi maiwasan na may mga umaaligid sa kanilang dalawa.  Lalo na kay Alex.  Eh ito ba naman ang parang diyosang bumabas sa kalangitan, kahit sinong mortal ay maakit dito.  Na minsan ikinaseselos ni Sam.  Lalo na pansin niya na type si Alex ng manager ng restaurant kung saan ito nagttrabaho.

Si Sam naman, kahit hindi lantad ang relasyon nila, medyo nakakahalata ang kapatid nitong si Ella.  Minsan nagtatanong itong si Ella kung anong relasyon nila ni Alex.  Syempre hindi umaamin itong isa, pero alam niyang hindi convinced ang kapatid.  Kung si Sam lang ang tatanungin, handa na syang sabihin sa buong mundo ang tungkol sa kanila ni Alex.  Si Alex lang naman itong hindi pa handa, na naiintindihan naman ni Sam.  Hindi ito big deal sa kanya, dahil ayaw niyang maulit ang nangyari sa kanila ng unang babaeng minahal at nanakit sa kanya.

Aside sa mga maliliit na issues na ito, wala naman nagiging problema si Sam at Alex. Mahal na mahal nila ang isa't isa.  At nararamdaman ni Sam na unti-unting nagbabago ang pananaw niya sa buhay.  Gusto niya talagang umasenso at maging proud sa kanya ang girlfriend.  Gusto niyang makapundar sila, para pag dumating yung panahon na malaman ng mga magulang nila ang relasyon nila, anuman ang mangyari kaya na nila ang mga sarili nila.

Naiisip lang ni Sam na magkakasama sila ni Alex habang-buhay, yung si Alex ang makita niya pagdilat ng mga mata niya sa umaga at kayakap nito tuwing gabi, ay kakaibang saya ang nararamdaman nito.  Pakiramdam niya, she's falling deeply in love with her green-eyed girl everyday.

Si Alex naman, bagama't hindi talaga showy at hindi talaga naturally sweet, hindi rin nagkukulang ito sa pagpaparamdam kay Sam kung gaano niya ito kamahal in her own simple ways.  Minsan, out of the blue susulpot na lang si Alex sa opisina na Sam just to catch a glimpse of her and talk to her a bit. Syempre kinikilig naman itong si Sam everytime Alex does that.  Out of the way naman kasi talaga ang opisina ni Sam sa restaurant.

SAM's POV

Almost lunch time na, ang dami ko pa ring ginagawa.  Review ng paperwork, basa ng financial reports at inventory.  Ang hirap magpaka-mature! Pero worth it naman, para naman ito sa future.  At ibang saya ang nararamdaman ko, feeling ko sobrang accomplished ako.

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

"Yes? Come in." sabi ko na nakatutok pa rin sa mga papeles na hawak ko.

"Hi there sweety! I brought you lunch. Alam ko kasi di ka pa kumakain kasi di pa kita nakitang lumabas dyan sa lungga mo." Natatawang sabi ng babae sa harap ko na pagka-flirty ang tono.

"Hey, Katrina! Ikaw pala." Sabi ko.

Si Katrina Meneses.  Auditor sa branch na ito.  Anak sya ng isa sa mga investors namin.  She's bisexual.  Alam ng lahat yun.  Hindi kasi super close friends, pero friends kami.  Isa sya sa mga nakaka-alam ng sexual preference ko.  Pero syempre hindi niya alam na may girlfriend ako.  Not because I chose not to reveal it to her.  Kasi nga ayaw ni Alex na ilantad sa iba ang relationship namin.

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon