Chapter 27 - Another One

2.5K 73 14
                                    

Time Check: 6:56 am

Dahil wala pa akong tulog at naalala ko bigla may lakad ako with the Family this morning, naisipan kong magdagdag pa ng chapters para hindi ako antukin. Pagpasensyahan niyo na po, medyo bagangers na, kung magulo, let me know, madali lang mag edit. Hehe

=====================================================================================

And like all other relationships, hindi naman totally smooth ang kay Sam at Alex. Though, marami silang mga happy and funny moments together, meron din silang mga away at tampuhan. Pero kahit na ganito, lalo pang lumalim ang feelings ni Sam kay Alex. At si Alex, let's just say may special na syang nararamdaman para kay Sam.

At lumipas pa ang 2 buwan mula ng magkabalikan ang 2, ang relationship status nila ay 'open relationship' pa rin. Ito ang madalas nilang pag-awayan. Dahil sa lalong lumalalim na pag-ibig ni Sam kay Alex, lumalim din ang takot nito na mawala sya. That turned into insecurities, na hate na hate naman nitong si Alex.

Gaya nitong minsang paguusap nila sa telepono...

"Babe, I know you hate it when I ask you this but I really have to. Hindi ako mapakali eh." Si Sam.

"I think I know what's it all about, but go ahead." Si Alex.

"I know you know that I'm already in love with you right? I told you that many times. How about you? Do you love me na rin ba?" seryosong tanong ni Sam.

"Here we go again." Alex mentally rolling her eyes. Paulit ulit na lang kasi ang tanong na ito ni Sam.

"You know I will always be honest with you right? And I can't say that I'm IN LOVE with you na but you're definitely special to me. I care about you a lot and I don't want to lose you in my life." Mahabang paliwanag ni Alex. "Okay na babe?" pahabol pa nito.

"Okay, I appreciate that. Kahit papano may developments. Uhmmmm.." si Sam.

"What else?" si Alex, alam niyang hindi pa natatapos doon ang mga tanong ni Sam.

"Si Liz. Kayo pa rin db? Sino ang mas matimbang sa yo?" may pagaalinlangan na tanong ni Sam. She knows Liz is a very sensitive topic kay Alex. Pero kailangan niyang malaman. Binabalot na naman kasi sya ng insecurities niya.

"There we go! Alam ko naman na dito rin pupunta ang usapan." Frustrated na sabi ni Alex. "Bakit ba tuwing binabalot ka ng pagka praning mo, palagi mong inuungkat si Liz?" sabi pa ni Alex.

"I just want to know babe." Pangungulit ni Sam.

"Ang kulit mo naman kasi, you will hear the same answer from me over and over again. Magkaiba kayo ni Liz. She came to my life at my darkest time babe. And though you came a little bit later, ikaw ang palagi kong nakakasama." Tila ba naiinis na paliwanag ni Alex.

"But you didn't answer my question." Si Sam.

Naglabas ng malalim na buntong hininga si Alex na dinig na dinig sa kabilang linya. Kinabahan na si Sam. Ng huling ganito ang reaction ni Alex ay ilang araw silang hindi naguusap. Kahit text wala. Binalot na ng takot si Sam.

"Babe, sorry na. Sige, hindi na kita kukulitin. Sorry na talaga." Pakiusap ni Sam.

"Hanggang kailan ka hindi mangungulit? I'm sure one of these days you'll bring up the topic again. Napapagod na ako sa mga tanong mo. Paulit-ulit na lang. Nakakasawa na sa totoo lang." naiinis na sabi ni Alex.

"What do you mean?" tanong ni Sam.

"I think we should end this." Malamig na sabi ni Alex. "You're making things too complicated and I'm not ready for complicated." Sabi pa ni Alex.

"So, sa bandang huli iiwan mo rin pala ako at mas pipiliin mo ang Liz na yun?" galit na sabi ni Sam.

"God! You're so difficult to deal with! Wala akong sinabi na mas pinipili ko sya. I'm just so sick and tired of your unending questions! And things are not supposed to get this complicated pero ginagawa mong complicated ang mga bagay. I'm so sorry Sam. Pag ready ka na, we can continue to be friends but as far as a relationship, for now ayaw ko na." seryosong sabi ni Alex sabay baba ng telepono.

Naiwang tulala si Sam. Para syang napako sa kinauupuang kama. Di niya namalayan tumutulo na pala ang mga luha. Wala na syang magagawa. Kasalanan naman niya. Alex just got fed up. Pero masakit pa rin. Ilang beses na ba syang iniwan ni Alex? Dalawang beses na. Ang sakit sakit lang.

Ilang araw ang lumipas, miss na miss na ni Sam si Alex. Pilit niya itong tinatawagan at tinetext pero hindi sumagot ni isa si Alex hanggang sa isang araw, can't be reached na ang number nito. Parang gumuho ang mundo ni Sam. Ngayon lang sya nakaramdam ng ganitong sakit since....Max.

Ang sakit ay napalitan ng hinanakit. Pakiramdam ni Sam ay wala lang kay Alex ang lahat ng pinagsamahan nila. Minsan naisip niyang gumawa ng dummy account sa FB dahil tila blocked na sya sa mga accounts ni Alex, pareho niyang hindi ma search ang main at dummy account nito. Gusto lang niyang masilayan si Alex kahit sa picture lang, kahit yung dummy account lang ni Alex. At nakita nga niya, yung dummy account nga lang. At ang nasa profile picture ay photoshopped photo ni Alex...at ni Liz! Hindi maipaliwanag ni Sam ang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na ito. Ito ba ang hindi pinili??? Sumbat ng isip niya.

Dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman nito, isinulat niya ang lahat ng sakit at lahat ng hinanakit kay Alex. Umabot ng 4 na pahina ang sulat na nagawa niya. Bahala na kung ipapadala ito o hindi. Ang importante, she was able to express her pain.

At dahil din doon, nagdecide si Sam na mag move on. Papano? Gaya ng dati. At may nakilala syang isang babae thru an online dating app. Si Kate, she's from Laguna. Naging confidant ito sa lahat ng sakit na nararamdaman niya kay Alex. Kahit papano, napapasaya ni Kate ang ibang malulungkot na araw ni Sam. Eventually naging sila ni Kate kahit hindi pa sila nagkikita sa personal. Another long distance relationship. Pero kahit ganon, ramdam ni Sam na mahal sya ni Kate. Mas okay na ito, alam niyang hindi sya sasaktan ni Kate.

Dumaan halos isang buwan na wala silang communication ni Alex. Ni hindi man sila nagkakapang-abot sa Mall or sa mga social gatherings dahil magkaiba sila ng mundong ginagalawan. At paminsan ay napapatingin pa rin sya sa dummy account ni Alex. Andun pa rin yung sakit, pero it's getting better. Nagdesisyon si Sam na ipadala ang sulat na ginawa niya para kay Alex kalakip ang sim card niya. Upang ipahiwatig kay Alex that she's moving on. Kahit papano, nagkakaroon na rin ng feelings si Sam kay Kate.

Hanggang sa isang araw nakatanggap si Sam ng email and it was from Alex. Nanghihingi ng sorry and hoping that they'd be friends. Hindi tinugon ni Sam ang email kahit nabigla sya sa biglang pag email ni Alex. Ah! Siguro natanggap na niya ang sulat na pinadala ko, sa isip ni Sam.

Lumipas ang mahigit isang linggo, naisipan niyang insert ang isang sim card na matagal tagal na rin niyang ginagamit. Ito ang number niya nung bago pa lang silang magkakilala ni Alex. Yung sim card na pinadala niya kay Alex ay yung binili niya para maiwasan si Lara, ang ex niyang pumatol sa isa pa niyang ex. Madalas pa rin kasing manggulo ito after nilang officially mag break.

You have 10 missed calls without a voice message and 1 missed call with voice message. Sabi ng recording.

You have 1 new voice message from 0922-xxx-xxxx tooot! (voice recording): "H-Hi. This is A-Alex. Do you still remember me? I just got your letter. I-I'm sorry if I hurt you. Can we please be friends again?" End of new message. If you want to hear the message again, please press 1. (voice recording)

Sam pressed 1. She wanted to hear Alex's voice again. Kapansin-pansin ang pagbreak ng boses ni Alex sa recording na para bang may nakabara sa lalamunan nito. Sam listened to the recording at least 10x. Namiss niya ang boses na iyon.

Nakwento ni Sam kay Kate ang message na na-receive niya. Nung una nalungkot si Kate. Oo, nalungkot hindi sya nagalit dahil naiintindihan niya si Sam. Pinayuhan niya ito na magtext dito, sayang naman kasi ang friendship na nabuo sa kanila.

Ginawa naman ni Sam iyon. Nag-try si Sam na i-text yung number sa recording. And after a few hours doon pa lang may reply. Tuwang tuwa si Alex, at natuwa na rin si Sam. Para kay Sam, hindi man nag work ang relationship nila, they managed to save the friendship. At okay na sya doon. And besides, andyan na si Kate na nagmamahal sa kanya.

But is that enough?

The One (girlxgirl) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon