25 pesos 5 hrs. 12-5 am?! game!!! puyatan.. baka matagalan uli sa pag UD kaya sulitin natin.. XD
............................
ARIA’S POV
Haaaaay!!! Kakapagod. Pero worth it naman kasi ngayon na lang uli ako nagperform after 2 years. Nagkasakit kasi ang mga bunso namin kaya kailangan kong tumigil at tumulong sa pag aalaga sa kanila. Sakitin kasi sila before pero ok na sila ngayon.
Paakyat na ako ngayon sa pad ni Vincent. Sana lang hindi nya napansing hindi ako umuwi kagabi kundi katakot takot na interrogation ang aabutin ko dun. Kalalaking tao pa naman nun pero napakatsismoso.
Hinubad ko muna ang sapatos ko bago dahan-dahang pumasok sa pad. Sinisigurado ko na wala akong gagawing ingay. Dim ang paligid. Alas kwatro pa kasi ng umaga kaya medyo madilim pa sa labas at tanging ilaw lang sa lamp shade sa may sala ang nagsisilbing liwanag sa paligid.
Maingat akong umakyat sa kwarto namin. Sana lang talaga hindi sya magising kapag pumasok ako. Malakas ang tibok ng puso ko. Feeling ko tuloy para akong magnanakaw.
Pagkabukas ko ng pinto mabillis kong tinignan ang kama. Maayos, malinis katulad ng kung paano ko sya niligpit kaninang umaga.
Ibig sabihin hindi din sya umuwi? YES!
Eh paano kung umuwi sya at ng makitang wala ako ay lumabas uli para hanapin ako? Oo nga pala hindi ako nagpaalam sa kanya malamang nag-aa-------ano bang sinasabi ko! Napaka imposible naman nun. Ano ba nya ako para mag-alala sya?
Napatalon ako ng makarinig ako ng kaluskos sa baba.
Shit! Andito na sya!
Natatarantang inihagis ko ang gamit ko sa ilalim ng kama ni Vincent at mabilis na nagdive sa kutson ko sa tabi nun at nagtalukbong ng kumot.
*CREAK*
Halos hindi ako humihinga ng maramdaman kong pumasok na sya sa kwarto. Kaluskos lang ang naririnig ko. Maya-maya nakarinig ako uli ng pagbukas at pagsara ng pinto. Akala ko lumabas uli sya pero nakarinig ako ng lagaslas ng tubig kaya malamang nagshoshower na sya.
Nakahinga ako ng maluwag at sumilip mula sa pagkakakubli ko sa kumot pero agad ko ding napigil ng lumabas din agad ito. Hindi ko na nagawang magtalukbong at napapikit na lang.
Dumaan sya banda sa pwesto ko kasi malapit lang sakin ang closet nya. Nakagat ko ang labi ko.
Damn Aria! Don’t you dare open your flirty eyes!
Yes, I have flirty eyes. Since when? Simula ng makilala ko yang lalaking yan nadevirginized na ang mata ko kaya ito ang resulta. When it comes to Vincent she becomes flirty and greedy to see his body again.
Damn me and this flirty side of mine!
Pero dahil nga flirt ang matang to, hindi ko sya napigilan ng bumuka sya ng kusa at mabilis na hinanap ang subject of her desire. What can I say? He has the face, the money and most important thing, his goddam body!
BINABASA MO ANG
The Playmate's Deal
Genç KurguWala naman akong balak masangkot sa kahit anong gulo. Pero dahil nagfeeling superhero ako, nakaharap ko ang 'Devil Prince'. Ako si Aria at dito maguumpisa ang gulo sa pagitan naming dalawa.