At dahil nakaflood like ka sakin.. Dedic ko to sayo.. :)
.............................................................................
ARIA
"akala ko, ako na ang pinaka masayang lalaki sa mundo..... Until I discover DJ feel inlove with her." Pabulong na sabi ni Brix.
.........................
BRIX
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. History is repeating itself and this time kami na ni DJ ang involve.
Mahal ko si Nicole pero mahalaga din naman sakin si DJ dahil kapatid ko sya. Sila ang naging pamilya ko ng pakiramdam ko na mag-isa na lang ako.
Hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi sa kanya na hindi na sila pwede ng Mama Mary nya dahil girlfriend ko na si Nicole.
I'm torn between the one I love and my brother.
Pagsinabi ko kay DJ ang ugnayan namin ni Nicole alam kong masasaktan sya dahil kahit hindi pa sila nakakapag-usap ng personal ay minahal na nya agad ang babae.
Pero kapag nagpaubaya naman ako masasaktan silang dalawa ni Nicole. Di baling ako na lang pero yung masaktan pati si Nicole? Hindi sya makakapayag.
Hindi ko napigilang mapasabunot sa ulo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kakaisang buwan lang naming magkasintahan tapos malalaman ko tong kay DJ?
F*CK you, life!
"alam ko na may problema ka. At nasasaktan ako dahil wala akong magawa para sayo." Napalingon ako bigla ng may nagsalita.
"nicky..." anong ginagawa ni Nicole rito?
Malungkot itong ngumiti at lumapit sakin.
"hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?" mahinang tanong nito.
"Of course not! I trust you, nicky baby.."
"But?" napabuntong hininga ako. Isa pa sa nadiskobre kong ugali nito ay ang pagiging persistent nya.
Umiling ako. "Hindi ko alam kung matutulungan mo ko-----"
"Try me." mapanghamon nitong sabi.
Tinitigan ko sya na tinapatan naman nito ng determinadong tingin.
I took a deep breath. "My brother is inlove with you." Bumakas ang gulat sa mukha nito.
"W-what?!.. How?" kinuwento ko sa kanya ang nangyari at ang plano ni DJ na makipaglapit sa rito at manligaw.
"kahit naman na manligaw sya sakin hindi ko din naman sya sasagutin eh. You know how much I love you, Brix, right?"
"Yeah. And I love you too. But..." napayuko ako.
"I don't want to hurt him.... but I don't want to give you up too!" hindi ko napigilan ang luha ko. Kusa na iyong tumulo.
Naguguluhan na ako. Malaki ang utang na loob ko sakanila ni Mama Beatrice, pero masyado kong mahal si Nicole para pakawalan sya.
"baby..." niyakap ko sya ng mahigpit ng marinig ko ang tawagan namin. Brixxy and Nicky, its just came out from nowhere. Ang gay pa nga nung Brixxy. Pero since sa kanya nanggaling, ok na din.
"I have an idea." Napabitaw ako sa kanya sa sinabi nya.
"Let him do what he want--------"
"WHAT?!-------"
"relax, Brixxy.." paano ako kakalma? Gusto nyang pabayaan ko si DJ na makipaglapit sa kanya?! paano naman ako? Kami?!
"Katulad ng sinabi ko kanina, hindi ko naman sya sasagutin kapag nanligaw sya eh. I'll reject him properly when he ask me to be his girlfriend."
"Pero paano naman tayo?" nakaramdam ako ng panic. Hindi ko gusto ang tinutumbok nito. Gusto ba munang nyang magcool-off muna kami?
"I'm not asking for cool-off." Sabi nito na para bang nabasa nya yung nasa isip ko. "tayo pa din habang nangyayari yun."
Naguluhan naman ako sa sinabi nya na ikinatawa lang nito. Napapitlag pa ako ng hinalikan nya ako bigla sa labi.
"For now, we will keep our relationship.... secret."
Napaisip ako sa sinabi nya. Hindi ko na kailangang ipaalam kay DJ na kami ni Nicole.. well, as of now. At hindi ko na kailangang mamili sa kanilang dalawa.
Though ayoko nito, it is the only thing na sa tingin ko ay magiging safe kaming tatlo.
At kung dadating ang time na malaman ni DJ ang tungkol samin I'll make sure na that time nakaget over na sya kay Nicole.
"Ok." Ngumiti sya sakin at lahat ng problema ko kanina, lumipad na sa kung saan.
"I love you, Nicky baby."
"I love you too, Brixxy baby."
..............................
Corny ng tawagan nila, LOL. Well, that's love, folks! Lahat ng kakornihan magagawa mo dahil sa pag-ibig chuchu..
BINABASA MO ANG
The Playmate's Deal
Teen FictionWala naman akong balak masangkot sa kahit anong gulo. Pero dahil nagfeeling superhero ako, nakaharap ko ang 'Devil Prince'. Ako si Aria at dito maguumpisa ang gulo sa pagitan naming dalawa.