ARIA POV
Yeogi buteora, modu moyeora
We gon' party like, lilililalala~
Mameul yeoreora, meoril biwora
Bureul jjipyeora lilililalala~(Fantastic Baby by Bigbang)
Ano ba yan! Ki-aga aga nag iingay si GD. Ang sarap sarap pa naman ng tulog ko! Kinapa ko ang nag-iingay kong CP sa ilalim ng unan.
"Hello?!" padaskol kong sagot. Istorbo eh!
"Hello, anak? Mukhang nagising ata kita." Natatawang sabi ng nasa kabilang linya.
"Ay hindi-----" teka, Anak daw? ANAK?!!
(⊙.⊙)
Agad akong napabalikwas ng bangon. Pagtingin ko sa caller ID, si mama pala ang natawag!
"MA?! Mama----" tama, boses nga iyon ni mama. Napahinto ako sa pagsasalita ng biglang gumalaw ang kama.
"hmm.. bat ba ang ing----asdafhasf" nakalimutan ko, nasa bahay pala ako ng hinayupak na to! Agad kong tinakpan ang bibig nya at sinenyasan ko syang wag mag-ingay.
Tumango naman ito.
"Sino yun, Aryang?" tss si mama talaga!
"Ma naman! Hanggang ngayon yan pa din ba tawag nyo sakin." face palm.
"Sorry naman, anak. Old habits die hard." Tumawa ulit si mama. "Pero wag mong ibahin ang usapan, sino yun?"
Napalingon kay Vincent na prenteng nakasandal sa headboard at nakikinig sa one side call namin.
"W-wala po yun, ma. Y-yung TV lang po dito sa apartment." Nasabi na sakin ni Vincent kung ano ang idinahilan ng yaya nya sa magulang ko nung tumawag sila kagabi na hindi nga ako makakauwi.
Malamang pinatawagan na ako ni papa kay mama para kamustahin.
"Ganun ba? Akala ko, may kasama kang lalaki dyan sa kwarto mo eh. hahah"
Baliw din 'to si Mama. Tumawa pa talaga.. tsk. Tsk.
Masayahin talaga si mama. Kung may pacontest ng pinakamasayahing tao, malamang gold medalist na ang mama ko!
Kung alam mo lang , Ma. Tama naman kasi ang hula nya, ang pinagkaiba lang, hindi ko kwarto to. (_ _")
Tumayo si Vincent at nagpuntang banyo. Tinanong lang ako ni mama kung kumusta yung tutuluyan ko, kung kelan ako lilipat at kung anu-ano pa.
Saktong tapos na kaming mag-usap ni mama ng lumabas si Vincent na nakatapi lang ng tuwalya. Nasa paanan na ako ngayon ng kama at nakaupo.
Oh la la, Shalala!! Lumapit sya sakin. Kaya ito ako ngayon, nakikipag face-to-face sa katawan nya.
Hi, abs! We meet again!
"Alam kong masarap na almusal ang pandesal sa umaga. Pero di ka mabubusog kung tititigan mo lang yan."
Lahat ata ng dugo ko umakyat sa mukha ko. Ramdam ko ang pag-iinit nun.
Nakakahiya ka, Aria!! Pero wag kang papatalo.
Huminga ako ng malalim at tinignan ito ng diretso sa mata. Mabagal akong tumayo habang nakatitig pa din rito.
Napangiti ako ng mapalunok ito. Bahagya akong lumapit dito at kinuha ang isa pang tuwalya na nakasabit sa balikat nito.
BINABASA MO ANG
The Playmate's Deal
Teen FictionWala naman akong balak masangkot sa kahit anong gulo. Pero dahil nagfeeling superhero ako, nakaharap ko ang 'Devil Prince'. Ako si Aria at dito maguumpisa ang gulo sa pagitan naming dalawa.