CHAPTER 35: BAHAY-BAHAYAN

44 5 0
                                    

ARIA POV

Ang cute-cute ni Devin, magkamukha sila ni Vincent. Parang mini me nga nya eh. Kung di ko lang alam, baka isipin ko pang anak nya to.

Gwapong bata! Mana sa kanya..kaya sure ako someday magpapaiyak din to ng sangkaterbang babae.

Inugoy-ugoy ko si Devin na sumisigok-sigok na lang habang nakatingin sakin.

"ano, inaway ka ni Kuya? Yaan mo di natin yan bati.. ang cute mo pa naman tapos pinaiiyak ka lang ni kuya, noh?" napangiti ako ng unti-unti na itong ngumiti.

"AKO PA NGAYON?!" napapitlag kaming dalawa ni Devin ng biglang sumigaw si Vincent.

At dahil nga nagulat si Devin nag umpisa na naman itong umiyak.

Sinamaan ko ng tingin si Vincent na natigilan.

"sorry."

"tsk. Umayos ka nga, wala ka ng magagawa kundi ang alagaan ang kapatid mo.. hala, magtimpla ka ng gatas dun!"

"uy bat, maraming bata dito? Nagtayo ba kayo ng orphanage?" napalingon ako sa nagsalita.

At tenenenen! Ang mga alipores nandito na.

"uy, may baby, kanino yan----"nagtaka ako ng matigilan si Darius at titig na titig kay Devin.

Tapos tumingin sya sakin tapos kay Vincent na nakatitig sa bote ng kapatid nya pabalik kay Devin.

At yung bata naman nagsumiksik sa leeg ko habang iniiwas ng tingin kila Darius. Nakisali na din kasi yung kambal at pati si Jacob.

"anong problema nyo? Tinatakot nyo yung bata."

Napalunok na tumingin sila sa isa't-isa.

"a-ano..." Marvin

Tinaasan ko sila ng kilay.

"yung totoo, umamin kayong dalawa samin." Mervin

Nagkatinginan kami ni Vincent na ngayon ay may hawak na karton ng gatas.

"ano namang aaminin namin sainyo?" alam ko ng may pagkaweirdo sila pero di ko alam na may iweweirdo pa sila.

"a-ano.. yang b-baby.." Darius

"what about the baby?"

..

..

..

"ANAK NYO YAN NOH?!"

Sabay pa kami na napatalon ni Vincent sa lakas ng sigaw nilang apat.

At dahil lahat kami nagulat pati ang mga kapatid ko ay nakiiyak na din kay Devin at tumakbo papunta sakin.

"WHAT THE----" mabilis kong sinaway si Vincent ng sisigaw na naman sya.

"hindi noh!" ang sarap nilang pagpepektusan. Ano bang tingin nila sakin, instant?

Dinaig ko pa ang instant noodles na sobrang instant, overnight nagbuntis kinabukasan nanganak agad!?

Isinayaw sayaw ko si Devin para tumahan pero dahil nakakapit ang mga kapatid ko sakin medyo nahirapan akong gumalaw.

"e-eh kaninong baby yan.. i-imposible namang di inyo kasi kamukhang kamukha ni DJ yan eh.."

"a-and those two.. they look l-like you!"

"kapatid nya to, ok? At ang kambal na to kapatid ko. Ok na ba?"

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon