CHAPTER 39: THEIR PAST I

43 6 0
                                    

Sorry short UD lang. Kakahire ko lang kasi at busy ako sa training ko. Kaya pagpasensyahan na po, Dyosa lang nagiging busy din.. :P

...................................

ARIA POV

Hindi ko alam sa pag-amin kong yun mauuwi kami sa sa holding hands while walking, konting PDA kahit saan—lalo na kapag di kita ng mga bata at ang matindi ay yung pagpuslit namin kapag tulog na ang mga iba just to kissed each other until we run out of air to breath!

We are just kissing. Nothing more, nothing less.

Ang tanong na nga lang, ano na kami ngayon? Playmate pa din ba?

With that thought, nakaramdam agad ako ng lungkot. Alam ko sa sarili ko na, hindi ko na lang sya basta gusto kaya kung laro lang pala to kay Vincent siguradong masasaktan ako.

Muntik na akong mapasigaw ng biglang may umakap sakin mula sa likod. Hindi ko na sya kailangang lingunin dahil kahit nakapikit pa ako makikilala ko pa rin sya.

"a penny for your thoughts?" napabuntong hininga na lang ako. Ang sarap sa feeling na nayayakap ko sya at nalalambing na parang kami.

Parang. Kasi tulad ng sinabi ko, hindi ko naman alam kung ano na ba talaga kami.

"hey" hinarap nya ako sa kanya pero nanatili lang akong nakayuko.

"are you sad? Babe, tell me.. please...." Pilit nyang pinaghaharap ang mukha namin. Hanggang sa hindi ko na maiiwas ang mukha ko sa kanya.

Bakas ang pag-aalala sa mukha nya. May mga sinasabi sya pero hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko napakalayo ng boses nya.

Alam ko, nararamdaman ko yung takot sa magiging sagot nya sa tanong ko. Pero kung patatagalin ko pa baka mas lalo lang akong masaktan.

Ayokong pahabain ang oras naming dalawa ng wala akong panghahawakan sa kanya. dahil kung wala pala tong patutunguhan handa ko syang bitawan.

At ang isipin pa lang yun, ang sakit-sakit na.

"a-ano.... ano b-ba ako s-sayo, Vincent?" halatang nagulat ito. "sabihin mo, ano n-na ba t-talaga tayo?"

Hindi agad sya nakasagot at nanatiling naka titig lang sakin. habang tumatagal na hindi sya sumasagot mas lalo akong nasasaktan.

Nag iwas na ako ng tingin at marahang kumalas sa yakap nya. Akala ko kakayanin ko yung pressure, yung antisipasyon at kaba. Nagkamali ako.

Hindi ko pa pala kaya.

"S-sorry, kalimutan muna. O-ok lang k-kahit di mo na s-sagutin." Lumunok ako para mawala yung bara sa lalamunan ko. At pilit na pinipigilan ang nagbabadyang mga luha.

Bago pa sya makasagot mabilis na tumalikod na ako at pumasok sa kwarto. Alam kong nakasunod sya sakin pero pilit kong iniignora yun at patuloy sa pagpigil ng mga luha ko.

Mamaya na ako iiyak, kapag ako na lang ang gising at wala ng iba pang makakakita.

"I like you." Napahinto ako sa sinabi nya at marahan syang nilingon. Gusto ko pang ipaulit sa kanya.

Narinig ko naman sya. Pero gusto ko nakaharap ako at nakikita kong sa bibig nya mismo nanggaling ang mga salita na yun.

"Gusto kita." Hindi ko na napigilan ng mag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. "b-but... c-can you give me time? I almost there, Aria. Can you... Can you wait for me?"

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isagot ko kaya mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap sya.

"Yes, Vincent. I'll wait for you."

Susugal na ako. Mas ok na to. Kahit hindi man direkta pero alam ko may laban ako.

.................................

Kinabukasan

"sorry I'm late." Mabilis akong umupo sa harap nya.

"no, it's ok, kakarating ko lang din naman." Nginitian ko sya.

Kaya hindi na ako nagtataka na nagkagusto ako sa kanya. bukod sa gwapo na gentleman pa. tinanong ko kasi sa waiter ng restaurant kung anong oras dumating si Brix. Ang sabi nito mga kalahating oras na daw. Yun ba ang kakarating pa lang?

"Ahh... Brix may itatanong sana ako sayo, kung ok lang?" nginitian nya lang ako sabay sabing...

"ok. Pero kain muna tayo?" pumayag naman agad ako.

"so, where do you want me to start?" sabi nito after naming kumain

"huh?"

"San mo ba gusto ako magsimula sa pagkukwento ng past namin ni DJ?" nagulat ako. Paano nya nalaman na about dun ang itatanong ko sa kanya? ganun ba ako ka transparent?

"how did I know? Wild guess." See?! Hindi ko pa naitatanong may sagot na sya sakin!

I guess wala na akong magagawa. Since aware na naman sya, diretsuhin ko na.

"mula sa umpisa." Ngumisi sya sakin.

"handa ka na bang malaman na bukod kay Nicole at sa barkada may isa pang nagkokonekta samin dalawa?" hindi ako sumagot pero hindi ko inaasahan yung isinagot nya sakin.

"Magkapatid kami."

.......................

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon