CHAPTER 21: CLASSMATE

109 10 0
                                    

Sareh sa late UD.. purita ang lola nyo, wala akong wifi at lalong minsan lang magkapera para pang load sa broadband ko.. kaya madaming thank you sa mga nagtsatsagang mag antay ng UD ng hindi ako inaaway..

 

Busy din kasi nagoOJT na ako.. susubukan ko talagang makapagUD atleast once a week. THANK YOU EVERYONE! Muah!

 

DEDICATE sa mga nag-add ng TPD sa kanilang reading list at sa mga nagfollow.. you know who you are guys.. maraming

THANK YOU, ang blessings koy kayo! thank you, thank you ang babait ninyo!♥♥♥

………………………….

ARIA POV

Ano ba talaga kami? Kasi kung ako ang tatanungin…… HINDI KO ALAM!!!

Hindi kami friends….

Hindi din kami lovers….

So ano kami? Fling-fling lang? geez! Ang sakit sa ulo.

Kung makafling pa ako, ano ako cheap?!

Hays.. kala ko madali lang tong gagawin ko. Papakaalila ako para hindi makarating sa magulang ko yung picture kong pang model..

Kasi naman eh! Ang ganda ko kaya dun.. kung hindi lang yun pamblackmail baka ipaframe ko pa yun at idisplay sa bahay namin.

Kaso pagnalaman nila mama yun, shet na malagkit! Baka ipashot gun wedding ako nila papa kahit wala pa talagang nagyayari samin.

Kasi tulad ng sinabi ko dati…. Kahit san angulo tignan, mukhang kakatapos lang naming gumawa ng milagro ng bwisit na Vincent na yun!

Kaya kahit itanggi ko alam ko, hindi naman sila maniniwala sakin. Di dahil wala silang tiwala sakin kundi dahil ayaw nilang maagrabyado ako!

Pero alam ko madidisappoint ko talaga sila kahit ano pang mangyari kaya… kaya ko to!

“hoy! Kanina ka pa tulala jan sa pagkain mo. Tumatango-tango ka pa. sabog ka na naman no?” tch! Kainis talaga to. Paggising ko sa umaga sya nakikita ko. Bago ako matulog sya pa din!?

Ang malas naman oh!

Hindi ko na lang sya pinansin. Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami sa school.

Katulad ng sinabi nya. hatid-sundo na nya ako. Tapos sa school na din sila nagkikita ng mga katropa nya.

Pagkapark nya ay bumaba kaagad ako at nauna na sa room. Wala akong balak machismis at malink sa ungas na Vincent na yun noh!

Balita ko pa naman na sikat pala silang lima lalo na si Vincent. Heartthrob ang peg nilang lima!

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon