CHAPTER 17

158 9 0
                                    

SPG ALERT!!!!! Paalala: wag pong dibdibin ang mga eksena. May mga likod pa kayo. VOTE!!!!!!! XD

For dedication.. comment or vote... pero mas ok kung VOTE.. :p

...............................

DJ POV

"I really miss you too....... Brix."

P*nyetang I miss you na yan! Kahit pabulong narinig ko padin.

LOUD and CLEAR!

At ngayon may pangalan na ang tinamaan ng magaling na caller nya. sa loob ng isang araw na ka dalawang I miss you na sya!

Ang malala pa sinasagot din naman nitong babaeng to ng 'I miss you too'!

"Who's Brix?" tanong sakin ni Jacob. katabi lang namin ng table si Aria.

"Beats me" malay ko ba sa hinayupak na Brix na yan!

"mukhang may date sila sa Friday ah." Date? Friday? Oo nga pala narinig kong magkikita sila sa Friday.

Tang*na lang. hindi sya pwedeng makipagdate ng hindi ako ang kasama nya!

"not in this lifetime!" tumayo na ako Lumapit sa kanya. Tapos na syang makipag-usap dun sa Brix.

Huminto lang ako sa harap ng table nya. alam kong pinagtitinginan kami. Bakit hindi? Ako lang naman si Devon James Vincent Saavedra.

Kasama ko pa tong apat na to. Sikat kami, mayaman, gwapo at talaga namang head turners. Tapos itong babaeng 'to kung isnobin ako kala mo kung sino.

Hindi pa din sya nag-aangat ng tingin. Para syang engot na ngiting-ngiti habang nakatitig sa cp nya.

Tinitigan ko pa din sya. Aantayin kong mapansin nya ako. Pero tang*na! bat ang tagal?!

Lumipas ang tatlong minute. Nagmumukha na akong ewan rito!

Hindi na ako nakatiis, tumikhim ako para makuha ang atensyon nya.

"oh, Vincent. andyan ka pala." Nakangiting bati nya sakin. Ay hindi, wala pa ako dito, naghahallucinate ka lang!!

"hi boys!" nagwave pa sya habang nakatingin sa likod ko.

Pakshet naman oh! Kung di pa pala ako tumikhim, di nya pa malalaman na nakatanga kami sa harap nya!

Hindi ako umimik. "pumasok pala kayo?" nag-init lalo ang ulo ko sa sinabi nya.

Paanong hindi? Simula sa first subject hanggang sa kanina nasa iisang room lang kami. Ang masaklap HINDI NYA PALA ALAM NA NANDOON DIN KAMI!!!

Wow lang ha?! Napakuyom yung kamao ko.

"ahh... actually Aria...." Alanganing sabi ni Marvin

"kanina pa kami dito..." dugtong ni Mervin.

"magkaklase pa nga tayo eh." Segunda ni Darius.

"ah, talaga?" gulat na sabi nya. napahagikhik pa sya. "sorry, hindi ko kayo napansin eh."

That's it!Marahas kong naihampas ang kamay ko sa lamesa nya dahilan para mapapitlag sya at mapatingin ang ibang estudyante sa gawi namin.

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon