CHAPTER 46: LOVE

31 3 0
                                    

Sorry! Medyo naging busy kasi sa work tsaka dumami yung work loads ko ehh.. pero ito na!!♥ enjoy..


Dedicate ko nga pala sa kanya kasi flinoodlike nya yung mga stories ko.. hindi ko nga lang kung nabasa na ba talaga nya,. Nonetheless, I'm happy! Thank you!♥


================

ARIA POV

I don't know what to say. After ikwento sakin ni Brix yung nangyari bigla na lang kaming natahimik. Kahit ako, hindi ako makapaniwala na pwede pa lang mangyari yung nangyari sa kanila. Para akong nakinig sa narration ng pelikula habang nagkukwento sya.

Napaigtad ako ng biglang may tumunog. Napatingin pa ako kay Brix ng makita kong si Vincent ang natawag.

"Go on. Just don't tell him na kasama mo ako kasi malamang magwawala ang isang yan." Tumango lang ako at sinagot ang tawag.

"Asan ka?"

Napakunot ang noo ko sa tono ng boses nya. Cold. Tulad ng dati.

"Vincent, may problema---" he cut me off

"Asan ka?" mariing sabi nito.

"a-ano.. a-asa mall. Oo, tama nasa mall ako. K-kasama ko si A-amber." Damn! Matagal-tagal na din yung panahon na ganito yung tono nya. ewan ko ba, bigla akong nakaramdam ng takot sa boses nya.

"Umuwi ka na. Now!"

"Vince----Hello?"

"Ano daw?" saglit kong tinignan si Brix at binalik ko din ang tingin sa cellphone ko, tila ba nakikita ko si Vincent gamit yun.

"K-kailangan ko ng umuwi." Tumayo na ako. Nahihiwagaan ako sa kinikilos nito. Alam ko naman na ganung -ganun din yung pakikitungo at pakikipag-sap nya sakin noon. Pero sa mga nakalipas na linggo, napapansin kong nagbabago na sya. Yung tipong ang bait bait nya lagi sakin.

Ano na naman bang nangyayari sa isang yun at parang bumabalik na naman ito sa dati nitong ugali. Hindi ko malalaman kung anong nangyayari kung hindi ko sya agad pupuntahan.

"What happen?" hindi ko napansin na nakasunod pala sakin si Brix.

"I don't know." Sakto naman na may dumaang taxi kaya pinara ko kagad yun at walang lingon-likod na sumakay.

Alam kong naguguluhan si Brix sa kinikilos ko. Eh paano pa ako? Ako din naman nawewerduhan na din sa sarili ko.

Alam kong gusto ko si Vincent pero hindi ko alam na to the point na handa akong makipagsapalaran sa larong inumpisahan nito ilang buwan ng nakakalipas.

"Vincent?" tawag ko sa kanya ng makapasok ako ng condo. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam pero pakiramdam ko, may nagawa akong dapat kong ikaguilty.

Napapitlag ako ng may narinig akong nabasag. Lalo akong kinabahan, kaya mabilis kong hinanap yung pinanggalingan ng tunog. Tinumbok ng paa ko ang mini bar dito sa bahay ni Vincent.

Napahinto ako ng Makita ko syang nakaupo habang may hawak na dart, habang nasa bandang paanan naman nito ang basag na baso.

"Vince----"

"Why?" naguluhan ako. Anong bakit?

"bakit ka nagsisinungaling sakin?" napaatras ako ng dalawang hakbang ng tumingin ito sakin. pakiramdam ko hinihiwa ako ng mga tingin nya.

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon