ARIA POV
"m-mag- ano?"
I know they were bestfriend pero yung magkapatid?!
"you heard it right, Janelle. Will start from there."
......................
ALONG TIME AGO
Nandito kami ni papa sa isang restaurant na medyo sosyal. Buti na lang nakaayos ako. Ayokong magmukhang pulubi.
Sabi ni papa ipapakilala nya daw ako sa pamilya nya.
Pamilya? Pssh.
"BJ, meet your brother... DJ." pakilala ni papa sa batang nasa harap namin. May kasama syang magandang babae. Mama nya siguro.
Buti pa sya, buhay pa ang mama nya. Tapos sila pa yung legal na pamilya.
Limang taon pa lang ako pero hindi naman tago sakin na anak ako sa labas ni papa.
Araw-araw kasing pinagsisigawan sakin ni mama na inagaw ng babaeng nasa harap ko ngayon si papa. Kaya galit ako sa kanya! dahil sa kanya hindi ko nakasama si papa!
Dahil sa kanya laging malungkot at galit si mama! Dahil sa kanya, nadepress at hindi nakayanan ni mama kaya nagpakamatay na lang sya.
Oo, kinilala ako ni papa pero hindi sapat yun! kami dapat ni mama ang nasa katayuan nila ngayon hindi sila!
Sabi ni mama sya naman talaga yung unang minahal ni papa, pero inagaw sya ng bestfriend nito.
Inakit nya si papa at nagpabuntis, huli na ng malaman ni mama na buntis din pala sya dahil..... kasal na si papa.
"Hi! Ako nga pala si DJ----"
"alam ko! Sinabi na ni papa kanina. Ano bang tingin mo sakin tanga?" napasinghap silang lahat. Ano bang magagawa ko? Galit ako sa kanila.
Kasalanan nila kung bakit kami hindi napanagutan ni papa.
Pero ako naman yung nagulat ng ngumit sya sakin. "yeah. Sorry about that. Bali I'm your kuya, though moths lang naman ang tanda ko sayo still I'm older than you. You can call me kuya if you want, pero ok lang din kung DJ."
Anong problema nya? Binara ko na't lahat nakangiti pa din sya?
"Hi, BJ. Nice to meet you. Naayos ko na yung kwarto mo, katabi yun ng room ni Devon. Sana magustuhan mo." Napatingin ako sa babaeng katabi nung bata.
"Oh, I'm sorry I haven't introduced myself yet. I'm your tita Beatrice." She smiled at me. hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng hiya.
"hey, are you ok? Your face is red." Tinignan ko ng masama yung bata. Pero imbes na magalit sya ngumiti lang sya sakin.
"Dad?" tawag nung bata kay papa ng maka-order sila ng pagkain. 'Sila' dahil hindi ko naman sila kinakausap maliban kay papa.
"Yes, DJ?"
"can I eat beside him?" napakunot noo ako. Ano naman bang trip nya?
Hindi nya pa napapansin na ayoko sa kanya?
Pero bago pa ako makaangal ay nagpalit na sila ng upuan.
Habang kumakain kami panay ang kwento nung bata. Hindi ko sya pinapansin. Pero hindi ko din naman napigilan ang mamula kapag nilalagyan ako ng pagkain nung nanay nya.
"You know what? We can be friends! Brothers na tayo, bestfriend pa!" ang weird nya! Manhid ba sya o ano?
"ayoko ko."
"ay ganun?" halatang disappointed sya. Nakita ko din ang paglungkot ng mukha nya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilt.
Pero bago ko pa mapigilan ang sarili ko bigla ko na lang nasabi na. "Fine. Friends."
Tapos bigla na lang nagliwanag ang mukha nya na daig pa nya yung nanalo sa lotto. Hindi pa sya nakontento. Nagtatalon-talon pa sya at nagsasayaw.
......................
AFTER 3 MONTHS
"hindi ka ba makatulog?" muntik akong mapatalon sa pool ng may magsalita sa likod ko.
"I'm sorry. I didn't mean to startle you." Inalalayan nya ako at umupo kami sa gilid ng pool.
Matagal na din ako sa bahay nila. Nagtataka ako na nga ako kasi kahit anong pangbabara at pagsusungit ko kay DJ at kay Tita Beatrice kahit kailan hindi sila nagalit sakin.
Parang ngang hindi sila marunong magalit eh. Ako pa yung nagiguilty kapag nakakapagsalita ako ng masakit sa kanila.
"hindi ka ba Masaya dito samin?" naramdaman ko yung lungkot sa boses nya. Sa totoo lang naging Masaya ako kasama sila.
Hindi ko lang maamin dahil pakiramdam ko tinatraydor ko si mama. Kahit sa huling hininga ni mama sinasabi nya pa din kung gaano sya sinusumpa ang babaeng to at ang anak nya.
"Sorry ha?" nagulat ako. Bakit sya nagsosorry?
"S-sorry kasi.... dahil samin h-hindi mo nakasama ang p-papa mo.... H-hindi nya kayo napanagutan. Sorry.... K-kasi minahal ko din ang lalaking m-minahal ng kaibigan ko."
Hindi ko alam ang gagawin ko. Umiiyak ang babaeng nang-agaw samin kay papa at humihingi ng tawad.
"S-sorry... kasi d-dahil samin h-hindi ka lubusang maging Masaya. Sorry BJ ha? A-alam ko h-hindi ako mapapatawad ng mama mo. Pero sana kahit ikaw na lang m-mapatawad mo ko. At sana wag kang m-magalit kay Devon, wala syang k-kasalanan. Ako ang m-may mali."
Hinawakan nya ang kamay ko. Mainit yun, mapagmahal. Pagmamahal na hindi ko naramdaman kay mama. Pero kahit ganun mahal ko pa din sya.
Siguro nga nagkamali si Tita Beatrice pero hindi sya masamang tao. Alam ko yun. ramdam ko. Hindi lang matanggap ni mama na hindi sya ang pinili ni papa.
Patawarin sana ako ni mama sa gagawin ko pero kailangan ko tong gawin. Kailangan kong maging Masaya. Hindi lang para sakin, para samin to ni mama.
Hinawi ko ang buhok niya. Nakita ko ang gulat sa mga mukha nya. Hindi na ako nagtataka kung bakit naakit din sa kanya si papa.
Napakaganda kasi ni Tita Beatrice. Mas maganda pa nga sya kaysa kay mama, hindi lang yun, napakabait pa nya.
Hindi na ako nagtataka kung bakit mabait at mapagbigay din si DJ.
"Alam ko magagalit si mama, pero sasabihin ko pa din..." pinahid ko ang mga luha niya at ngumiti. Isang tunay na ngiti.
"Pinapatawad na po kita...
..M-mama Beatrice" nakakilang pero ito ang tama kong gawin.
My life should go on.
Mabubuti silang tao. Oo may kasalanan sila samin pero alam ko baling araw maiintindihan ko din kung bakit sila umabot sa ganun.
Bata lang ako, hindi ko pa dapat to pinoproblema.
Kaya simula bukas, ako na ang bagong Brix Joseph Salvador.
BINABASA MO ANG
The Playmate's Deal
Teen FictionWala naman akong balak masangkot sa kahit anong gulo. Pero dahil nagfeeling superhero ako, nakaharap ko ang 'Devil Prince'. Ako si Aria at dito maguumpisa ang gulo sa pagitan naming dalawa.