CHAPTER 9

233 8 0
                                    

KINABUKASAN

Maaga pa lang ay umalis na ako ng bahay kasi nagpipilit si papa na ihatid ako sa tutuluyan ko.

Kaya ito ako ngayon alas kwarto pa lang ng umaga nasa tapat na ako ng bahay nila Vincent.

Gising na kaya yung mga tao rito? Nakakahiyang mangatok.

Isipan pa ng kulungong Vincent na yun na excited akong makita sya, as if! Tumalikod ako. Maghahanap na muna ako ng matatambayan habang----

“O Ma’am Aria, andyan na pala kayo. Bat hindi kayo nagdodoorbell?” napalingon ako sa nagsalita. May matandang babae na nakatayo malapit sa gate at may hawak syang garbage bag.

Kilala nya ako. Paano? Ngumiti ito, napansin siguro nya na nagtataka ako.

“Pasensya na at hindi mo pa nga pala ako kilala. Ako nga pala si Siony. Tulog ka kasi ng dumating kayo dito nila DJ, kaya malamang hindi mo ako nakita.” agad na namula ang mukha ko.

Shit! nakakahiya, baka isipan nyang ma---

“wag kang mag-alala, hija. Wala akong iniisip na masama tungkol sayo. Tara na sa loob.”

Pumasok na kami ni Aling Siony pagkatapos nitong itapon yung garbage bag. “sabi nga pala ni DJ na kung sakaling dumating ka at tulog pa sya, padiretsuhin ka na lang daw sa kwarto nya.”

 
WHAT????!

Tumawa ito “oh, bakit nagulat ka?” hindi ako umumik.

“wag kang mag-alala, hija. Maloko man yun, hindi yun namimilit kung ayaw.”

Ngek! Bakit kung magsalita to si Aling Siony parang wala lang sa kanya yung ginagawa ng alaga nya.

“Alam ko ang tingin na yan.” Tumawa ito uli “Bata pa lang si Vincent, ako na ang nag-alaga sa kanya. Kaya alam ko ang ugali nya. At wag mong isipan na kinukunsinti ko sya. Sadyang hindi ko lang sya mapigilan sa mga ginagawa nya, dahil andyan na. Tulad na lang ng dalhin ka nya dito ng walang malay. Akala ko nga kinidnap ka nya. Wag kang ding mag-alala dahil ako lang ang nakakitang dinala ka nya rito kasama ang mga kaibigan nya.”

 
Ganun, buti naman.

 
“Pero ipinaliwanag naman nya yung sitwasyon nyo kaya hinayaan ko na ka, kasi nagkasundo na kayo.” Lumapit ito at hinawakan ang dalawa nyang kamay.

“kaya sasusunod na magkaroon kayo ng di pagkakaunawaan, pag-usapan nyong magkasintahan. Nang hindi kayo mauwi sa kidnapan. Nakapagsinungaling tuloy ako sa magulang mo ng wala sa oras para magkaayos kayo ni DJ.” Tumawa ito.

Si aling Siony pala yung nagpanggap na landlady ko at nagdahilan sa magulang ko.

Pero teka nga, rewind..

kaya sasusunod na magkaroon kayo ng di pagkakaunawaan, pag-usapan nyong magkasintahan....

kaya sasusunod na magkaroon kayo ng di pagkakaunawaan, pag-usapan nyong magkasintahan....

 

kaya sasusunod na magkaroon kayo ng di pagkakaunawaan, pag-usapan nyong magkasintahan....

MAGKASINTAHAN?????! What the eff!!!

“Oh, your here already. Ang aga mo naman akong mamiss.”

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon