CHAPTER 32: HIS PAST

60 6 0
                                    

thank you for supporting TPD... please read the next story of their friends.. :)

............................

ARIA POV

Nakauwi na kami ni Vincent. Nakakain na din kami at nakapagpalit.

Sa totoo lang, tapos na nga namin lahat ng dapat naming gawin..pagtulog na lang ang kulang.

Alas dyes na pero di pa kami makatulog kaya napagtripan muna naming tumambay dito sa terrace ng kwarto namin--este nya pala.

"alam mo bang dati kong bestfriend si... si BJ?" nanlalaki ang mata kong nilingon sya.

Bestfriend? Sila?

Mukhang di naman! Kung sinabi nyang mortal enemy nya si Brix, hindi na ako magugulat. Pero yung bestfriend?!

Bahagya syang natawa.

"so hindi mo nga alam. Wala syang sinasabi tungkol samin?" Mabilis naman akong umiling.

Napairit ako ng bigla nya akong binuhat at iniupo sa kandungan nito.

"ok lang ba sayong magkwento ako?" namumulang tumango ako.

Aba, First time nya kayang magkukwento sakin. hindi naman kasi sya mahilig mag-open kaya kung feel nyang magkwento ngayon, why not di ba?

Lagi na syang ganyan. Naglalambing. Nagiging sweet. Nakakapanibago pero nakakakilig.

I don't know what's happening to him but I like it.

I like him--WHAT THE HECK?!

>////<

Ok, Aria don't panic. Maybe you like him.....as a friend.

Yeah as a friend.. a kissing friend

Oh, shut up!

"hey, what's wrong?" umiling lang ako at nginitian sya.

Nakapalibot sa katawan ko ang mga braso nya habang nilalaro ng isang kamay nya ang kamay ko.

"before magkakabarkada kaming anim. Ako , si Jacob, yung kambal, si Darius at..... si Brix. They are like brothers to me." Nagpatuloy sya ng hindi ako nagsalita.

"sa kanilang lahat si BJ--Brix ang pinaka close ko. Halos hindi kami mapaghiwalay. Kung asan sya nandun ako, kung asan ako nandun sya. Simula pre-school hanggang sa maghigh school kami magkakasama kaming anim. Masaya, puro kami kalokohan, hanggang isang araw

..

..

Nainlove ako."

Napasinghap ako. Hindi sya tumitingin sakin. nakayuko lang sya habang nilalaro nya pa rin yung kamay ko.

"16 kami that time at 15 naman si.. si.. si Nichole. wala namang problema eh. Niligawan ko sya. Katulong ko pa nga silang lahat eh. Hanggang sa sagutin nya ako."

So 2 years ago sya nangyari.. matagal na pala but not long enough..

Bumuntong hininga ako. I can see the smile on his face. Tila ba naalala nito yung nakaraan kung saan una nito nakilala ang salitang pagmamahal.

"pakiramdam ko yun na ata ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Halos gustong sumabog ng puso ko sa tuwa nun. Lagi kaming magkasama, ayaw ko kasing mapalayo sa kanya..... Mahal na mahal ko kasi sya eh."

OUCH! Damn, bakit ba biglang may kung anong masakit sa dibdib ko? Hindi ko na lang yun pinansin at tumingin na lang ako sa kanya.

Pero biglang nagbago ang ekspresyon nito at napahigpit ang hawak nya sa mga kamay ko.

"aww"

Mabilis naman nyang niluwagan yun at humingi ng paumanhin. Hinimas nya ang parte ng mapansin nyang napangiwi ako.

"akala ko ok na.. akala ko katulad sa fairy tale magkakaron din kami ng happily ever after, pero nagkamali ako.. Kasi isang araw nakita ko sya... sa k-kwarto nya---"

Nagulat ako ng bigla nya akong hinapit at niyakap ng mahigpit. Halos di na nga ako makahinga, pero hinayaan ko lang sya.

Pero ang sumunod na sinabi nya ang mas nagpagulat sakin.

"---I-I saw her laying on h-her bed... while k-kissing with o-other guy.. and that g-guy is...

..Brix."

Nakasubsub sya sa may dibdib ko at mariing nakapikit. Para bang bumalik sya sa nakaraan kung san nakikita nya muli ang nagyari.

Kung saan nararamdaman nya uli yung sakit.

Niyakap ko sya. I don't know what to say. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong magkomento sa sinabi nya sakin.

Brix betrayed him. I can't believe it. Pero di ko naman sinasabi na nagsisinungaling si Vincent.

Mahirap lang isipin na ang gentleman at understanding na si Brix ay kayang traydurin ang kaibigan nya.

Worst nakipaghalikan pa sya sa girlfriend ng kaibigan nya.

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako bigla ng galit para kay Brix.

How could he do this to his friend--bestfriend to be exact?

I sudden feel a strong feeling of protectiveness for Vincent.

Pero unfair naman yun kaya pinigil ko ang sarili ko. Kailangan kong makausap si Brix tungkol dito. Kailangan kong malaman yung side nya. Ayokong magconclude.

Hinaplos ko ang buhok nya, ng sa tingin ko ay kalmado na sya tsaka ako nagtanong.

"kaya ba... ganun kayo makitungo sa kanya?" tumango ito pero hindi pa din sya nag-aangat ng mukha sakin.

"hindi naman talaga galit si Jacob, mas pinili lang nila na ako ang samahan nila. Hindi ko alam kung bakit." Tumango tango lang ako at bumuntong hininga.

Hindi sya tumutol ng tumayo na ako mula sa pagkakandong sa kanya. Tumingin lang sya sakin with a sad smile in his lips.

"kaya everytime na nasa malapit sya at nandyan ka..na... n-nakakaramdam kagad ako ng t-takot na b-baka... maulit yung dati at k-kunin ka nya sakin.."

Bigla ko na namang naramdaman yung protectiveness ko para kay Vincent ng Makita ko yung lungkot sa mga mata nya.

Nginitian ko sya at hinila patayo.

"di kita iiwan, promise."

Hindi ko alam kung saan galing at bakit ko nasabi yun. kahit ako nagulat sa sinabi ko.

"tulog na tayo." Sabi ko.

Bagaman nagulat din sya sinabi ko nakita ko uli ang ngiti nya.

A genuine one.

Iginaya ko sya sa kwarto at inihiga sa kama nya.

I touch his cheek. he look so...fragile. Na kahit ata anong gawin mo sa kanya hindi sya lalaban at hahayaan ka nyang saktan sya.

Hindi ganito ang nakilala kong Vincent. Ayoko syang makitang ganito.

Ayoko.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako para sa kanya.

Hindi ako nakatiis. Imbes na humiga ako sa higaan ko ay nakisukob ako sa kumot nito.

"Aria..." nginitian ko lang sya.

"don't worry.... I'll help you."

......................................

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon