ARIA POV
Sinusundan ko ng tingin si Vincent habang nagpapalakad lakad sya sa harap namin.
"bro, ano sa tingin mong ginagawa nya?" Adrian.
Nakabalik na ako mula sa pagsundo ko sa mga kapatid ko. Ang mother dear ko kasi late na sinabi na aalis sila same day na tumawag sakin. Which is kanina lang!
Kaya ito kami magkakatabing nakaupo sa sofa habang pinapanood namin si Vincent. Ang lalaking di mapaihi.
"ewan ko. Kung ano yung nakikita mo, yun din ang nakikita ko. Kambal kaya tayo." Andrei.
Napaface palm ako. Kambal nga sila pero hindi iisa ang organ nila para maging pareho ang nakikita nila. Tsk, kids!
"ahh, Vincent-----"
"what should I do?!" wow, naninigaw galit lang?
"ok lang sana yang mga kapatid mo dahil hindi na naman sila ganun kaalagain pero pano si----"
Napahinto sya ng biglang may umatungal ng iyak.
"uwaaaaah! Uwaaaaah!"
naiinis na ginulo nya ang buhok nya at lumapit sa crib di kalayuan sa inuupuan ko.
"ano bang gagawin ko sayo? Hindi ako marunong mag-alaga ng... ng.. tulad mo for God sake!"
at dahil mesa tanga nga si Vincent at sinigawan ang baby, imbes na tumahimik ay lalong umiyak.bago pa maasar ng tuluyan si Vincent ay umeksena na ako.
Natigilan sya ng binuhat ko si Devin na bahagyang humina sa pag-iyak.
Si Devin ay kapatid ni Vincent at ngayon lang nya nalaman na may kapatid na pala sya..As in now lang. astig ng parents nya di ba?
*DJ'S FLASHBACK*
Kakaalis lang ni Aria para sunduin ang mga kapatid nya. Wala namang problema dahil malalaki na yung mga yun kaya di masyadong alagain.
Ang ayoko lang eh yung mga new born tsaka yung mga bata laging kailangang buhatin. Ang hassle kaya.
Inabot ko yung cellphone ko ng marinig ko yung tumunog.
'Mommy Calling'
Mabilis na sinagot ko yun. I miss her already almost one year ko na kasi syang di nakikita eh.
"Mom!" narinig kong humagikhik sya sa kabilang linya.
Ganyan talaga sya, masayahin. Kaya mahal na mahal ko sya kahit na mas madalas na samahan nya si Daddy kesa sakin.
Naiintindihan ko naman sya. And besides, it's the only thing I can give to her. Her happiness.
Nasa America ngayon at inaasikaso ang negosyo namin na dun nakabase.
"excited much, baby? How are you?"
"I'm fine, mom. How about you?"
"great!" yeah, I can feel that she's happy.
"ahh... baby..."
"hmm?"
"ano k-kasi..." kinabahan ako bigla. May problema kaya?
"Mom, what is it? Nag away na naman ba kayo ni Daddy-----"
"No, silly." Tapos tumawa sya. Nakahinga ako ng maluwag.
"then what, mom?"
"anak... ok lang ba sayo na magkaroon ng...
..
..
Kapatid?"
"WHAT?!" hindi naman sa ayaw kong magkakapatid kaso..
"kaya mo pa ba, ma? Baka mapano ka kapag nanganak ka!"
"My God, DJ! 36 pa lang ako, kaya kayang-kaya ko pa. and besides...
nakapanganak na ko."
Pakiramdam ko bigla akong pinompyang ng malakas sa ulo. Parang gusto ko ng panawan ng ulirat sa sinabi nya.
Nakapanganak na sya, ibig sabihin sa buong syam na bwan na dinala nya ang kapatid ko hindi man lang nila naalalang balitaan ako?!
Sinong nagsabi na ang mga kabataan lang ang sakit sa ulo ng mga magulang? Di ba nila naiisip na sakit din sa ulo naming mga kabataan ang mga magulang namin?
"Mom..."
"I know anak." Bumuntong hininga si mama "I'm sorry. Actually anim na buwan na simula ng manganak ako."
I should expect the worst now. Nahilot ko ng wala sa oras ang sentido ko. Bale, 6 months na din ang kapatid ko.
"at ngayon nyo lang naalala na may isa pa pala kayong anak rito?" nakasimangot na sabi ko.
"we're really sorry anak..ahmmm"
Ito na nga bang sinasabi ko. When it rain, it pours.
"what is it...again, mom?" nahahapong napaupo ako sa sofa para lang mapatayo uli.
"ano kasi.. pinadala namin dyan si Devin para ikaw muna ang mag-alaga at makapagbonding muna kayo... sembreak nyo naman di ba?.."
*END OF FLASHBACK*
Kaya ito sya ngayon namomroblema dahil wala syang kaide-ideya kung paano mag alaga ng isang sanggol.
Everyone meet Devin Jared Saavedra. Buti wala ng 'V' masyado ng mahaba kasi eh.
......................
BINABASA MO ANG
The Playmate's Deal
Teen FictionWala naman akong balak masangkot sa kahit anong gulo. Pero dahil nagfeeling superhero ako, nakaharap ko ang 'Devil Prince'. Ako si Aria at dito maguumpisa ang gulo sa pagitan naming dalawa.