CHAPTER 24: FRIDAY

171 10 3
                                    

Happy New Year mga ka-Playmates .. lage na lang noh? heheh

dedicated kay: trixieyuuki- kinilig ako sa comment mo eh.. tinawanan tuloy ako ni boyfriend :)

………………………

ARIA POV

Nagising ako kinabukasan na nakahiga pa din sa kama ni Vincent at hubad, tinignan ko yung side kung san sya nahiga bago ako nakatulog.

Wala. Wala sya.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Masaya ako kasi wala sya. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong ikilos matapos ang nangyari samin kagabi.

Pero bakit nakakaramdam ako ng lungkot at disappointment ng di ko sya naabutan sa tabi ko.

Why am I even expecting to wake up, with him, beside me?

……………………….

Buong araw hindi ko napagkikita si Vincent. Tanging yung apat lang nyang alipores na kung saan ako magpunta ay isa sa kanila ang nasa malapit sakin.

Konti na lang iisipin ko ng sinusundan nila ako. Kaso ang assuming ko naman ata, kasi may kasama naman sila eh. Puro babae nga lang.

Tulad ngayon, nasa cafeteria ako habang inaantay si Amber. Nasa kalapit lang sila na table at pasimpleng tumitingin sakin.

“Aria!” napangiti ako ng makita kong palapit sakin si Amber. Crush ko talaga sya heheh. Ang ganda naman kasi nya eh.

Don’t get me wrong, di ako tomboy. Sadyang natural na sakin ang humanga sa ganda ng ibang babae.

Napakunot ang noo ko ng may mapansin ako sa kanyang kakaiba. Blooming kasi sya eh..

I know matagal na syang blooming kahit hindi naman sya inlove, natural ika nga nila. Pero hindi talaga eh. May something.

“B-bakit?” napakurap naman ako bigla. Hindi ko pala napansin na OA na yung pagkakatingin ko sa kanya kaya mukhang naiilang sya sakin.

Sorry naman.. TT_TT nacucurious lang kasi ako.

Lalong akong nacurious ng Makita kong may dumaan sa likod ni Amber at tila may kung anong inihulog sa may lap nya.

Nakita kong natigilan sya kasabay nun ang pamumula ng mukha nya. Nilingon ko kung sino yung dumaan pero nakatalikod na sya sakin.

Sino kaya yun?

“Ahh A-aria… a-ano..” napatingin ako kay Amber. Mukhang balisa sya na ewan.

“Hey, ok ka lang ba?” iniiwas nya ang tingin sakin at tumango.

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon