CHAPTER 45: FAULT

40 7 0
                                    

Hala ka.. nagbackread ako tapos may nakita akong comment a year ago pa sya.. Sorry, ngayon ko lang nakita.. di bale dedicate ko na lang to sayo.. :)


Thank you!!♥♥

..................................................


ARIA

"ok na sana yung plano nya. hinayaan ko na mapalapit si DJ sa kanya.." bumuga si Brix ng hangin. Halatang mahirap sya na sabihin sakin ang mga sumunod na nangyari sa nakaraan.

"at madalas yun ang nagiging dahilan ng pag-aaway namin, pero nagkakaayos din naman kami kaagad."

"pero katulad nga ng sabi nila.. walang sekreto ang hindi na bubunyag."

...............................

"magtatapat na ako sa kanya bukas, bro!" napahinto ako sa pag-aayos ng gamit ko ng marinig kong nagsalita si DJ.

He looks happy. Bakit nga naman hindi? Kinakausap ka na, nakakasama mo pa ng crush mo.

Samantalang ako? Nakatingin lang sa kanila at nagpapatay malisya.

Dapat talaga hindi ako pumayag sa usapang to eh!

Nagseselos ako! Ako ang boyfriend pero hindi ko man lang mabakuran ang babaeng mahal ko mula sa kapatid kong santo ata sa bait!

Nandito kami ngayon sa condo unit na pagmamay-ari ko. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa nya dito eh.

Kung iniisip nyo na lumayas ako samin, hindi. Gusto ko lang tumayo sa sarili kong paa, at ayoko ng umasa kila papa.

Malaki na ako, at kailangan marunong na akong magprovide para sa sarili ko dahil hindi habang buhay na nadyan sila papa.

Hindi naman problema sakin kung ako lahat gagawa ng gawaing bahay dahil mahirap lang kami ni mama bago ako kunin ni papa at dalhin sa poder nya.

"bro, sa tingin mo ba okay kung......" tapos nagkwento na sya kung paano nya gagawin yung plano nyang pagpapasagot kay Nicole.

Gusto ko na nga syang singhalan na 'kahit ano pang gawin mo, AKIN lang ang girlfriend ko!'

Ilang beses na din akong natukso na ipagtapat ang ugnayan namin ni Nicole pero bigla ko na lang navivisualize kung gaano sya masasaktan.

Kahit si Nicole bigla na lang nag-aalangan sa plano nya. hindi na din sya komportable na lagi nasa malapit si DJ.

Nakokonsensya sya. Ganun din naman ako eh. Pero for some reason, pinigilan ko sya.

Hindi ko nga alam kung anong sumapi sakin nun eh. I beg her to go on with the plan and end this charade as soon as we can.

Nahahapong napaupo ako sa sofa pagkaalis ni DJ. Para akong nadrain sa pinagsasabi nya kanina.

Mantakin mo ba namang hindi pa man sinasagot may plano na sya kung ano na ang gagawin nyang surprise sa monthsarry at anniversary nila, tsk!

Napabalikwas ako ng bangon ng may maramdaman ako ng kamay na humahaplos sa ulo ko.

"NICOLE!" grabe ang pintig ng puso ko! Kala ko naman binisita ako bigla ni mama at nagpaparamdam na sya. Thank God!

Kahit mahal ko si mama, takot pa din akong makita sya na kaluluwa na lang.

"ahahah" tsss.. kita mo tong babeng to. Kung makatawa, wagas!

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon