CHAPTER 37: LITTLE IMPS

60 6 0
                                    

last UD for tonight... ^_^ kailangan ko ng magpahinga.. ayoko magmukhang nilamon ng lupa bukas sa interview ko. kailangan makapasa!

.................

ARIA POV

"Fuck!"

Napabalikwas ako bigla ng may narinig akong nagsalita.

"Aww... Shit!" napatawa ako ng malingunan ko si Vincent. Nakaindian sit sya sa kutson ko habang iniistretch yung braso nya.

Malamang masakit ang katawan nyan. Sa likot ba naman matulog ng mga kapatid ko himala na lang kung hindi ka malamog paggising mo.

"hey, you ok?" sinamaan nya lang ako ng tingin. Hindi ko kasi mapigilang mapangisi eh. Ang cute nya kasing tignan habang minamasahe yung mga part na masakit sa kanya.

Dagdagan pa na bagong gising lang sya kaya magulo pa ang buhok nya at bahagyang mapungay pa ang mga mata nya.

"Ate, lusaw na si Kuya DJ sa tingin mo ahh." Napatalon ako pababa ng kama ng marinig ko ang boses ng mga kapatid ko. Gising na pala sila.

Seyet! Nahuli pa nila akong tinititigan si Vincent! Nakakahiya!

"Hindi ahh!" tsk! Tunog defensive.

Bago pa sila makapang-asar ay binuhat ko na si Baby Devin na gising na din at tahimik lang na nakamasid samin.

......................

DJ POV

Gabi na ng makauwi ako. Matapos ko kasing maihatid si Aria sa school nagpunta na ako sa kompanya na ihahandle after kong makagraduate.

Ngayon pa lang kasi tinitrain na nila ako. Kaya ngayon pagod na pagod ako. Pero bumili muna ako ng pasalubong para sa mga bata.

Sigurado akong nakauwi na si Aria, nainform na sakin ni Nanay Siony.

Napailing ako ng maalala ko bigla kung paano nya pagsabihan ang mga kapatid nya. Tsk. Hindi ko alam na strikto pala sya sa mga bata.

Mukha namang hindi mga pasaway ang mga kapatid nya. Pero ito lang ang sinabi nya sakin.

"kung hindi mo talaga sila kilala malamang yan talaga ang sasabihin mo. Pero ang hindi nyo alam napakapasaway ng mga yan. Muntik na nga nilang sunugin ang bahay namin ng sindihin nila ng itim nila ng itim na kandila ang buong sala namin dahil naglalaro daw sila ng kulto-kultuhan."

Natawa lang ako sa sinabi nya. Mukha ngang delikado ang mga kapatid nya. Seriously? Kultu-kultuhan?

Sa sitwasyon namin ni Aria para lang talaga kami nagbabahay-bahayan. Ako syempre ang Daddy, si Aria ang Mommy tapos panganay daw namin sila Andrei at Adrian tapos bunso namin si Devin.

Damn! Hindi ko napigilan, nasuntok ko tuloy yung pader ng elevator na maghahatid sakin sa palapag ng unit ko.

Daig ko pa ang teenager na nahalikan sa pisngi ng crush nya. Nakakabakla amputsa!

Napangiti naman ako ng maalala ko ang kapatid ko.

Although ngayon ko lang nakilala si baby Devin at medyo nagtatampo ako kay mama dahil ang tagal bago nya sinabi sakin na may kapatid na pala ako, hindi ko maipagkakaila na Masaya ako.

Masaya ako dahil dumating sa buhay ko si Devin. Lalo na ngayon, kasama ko pa si Aria.

"Fuck." Mariing pinisil ko ang batok ko. Kalalaki kong tao kinikilig ako. Damn!

Huling nakaramdam ako nito sa first love ko pa-----si Nichole.

Alam ko, hindi lang basta kaibigan o kakilala ang tingin ko kay Aria. Hindi ko nga alam kung ano ba dapat ang itawag sa nararamdaman ko ngayon.

Basta ang alam ko lang, importante sya sakin.

Nang makarating na ako sa tamang palapag ay mabilis kong binuksan ang pinto ng unit ko para lang salubungin ng sigaw at tili.

Natigilan ako, kinabahan ako bigla.

Shit! Sila Aria at yung mga bata!

Sa sobrang kaba ko ay napatakbo ako papunta sa sala. Dun ko kasi naririnig ang mga boses.

Para lang Makita ang mga ito na nakalupasay sa sahig. Napahinga ako ng maluwag ng makitang ayos lang naman sila.

Pero nagbago ang timpla ko ng marealize ko na may iba pa silang kasama at nasa alanganin pang posisyon sila ni Aria.

Ano naman bang ginagawa ng isang yan dito?!

Nahinto sila sa pagsigaw at gulat na nakatingin sakin.

BJ is pinning Aria on the carpeted floor habang nakasampa sa likod nya ang mga kapatid nito at nakahawak sa buhok nito.

Si Devin naman ay nakatayo sa crib nito habang nakataas ang kamay, hawak ang pacifier nito at nasa aktong ibabato ito kay BJ.

At hindi nga sya nagkamali. Ibinato nito iyon sakto sa noo ni BJ. Dahil dun sumigaw na naman ang kambal na kapatid ni Aria ng 'Sugod!' tsaka sinabunutan at pinagsusuntok si BJ.

Napahilot ako sa sentido ko. Feeling ko anytime puputok na ang ugat sa ulo ko.

"They may look like an angel to you but they're still my little imps."

Di na ako magtataka kung saan nagmana ang mga kapatid nya. Because Aria, itself can consider as 'My Little Imp'.

The Playmate's DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon